00:00Inatake sa puso ang isang senior citizen na dating chuper habang nakikiisa sa kilos protesta ng grupong pistol kahapon.
00:07Siya po ay isa sa mga chuper na nakulong noong COVID-19 pandemic dahil sa pagwawelga sa kasagsagan ng lockdown.
00:14Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
00:20Hirap huminga at kritikal ang lagay ngayon ng 78-anyos na dating chuper na si Elmer Cordero.
00:26Inatake siya sa puso sa kasagsagan ng unang araw ng protesta ng grupong piston sa Monumento kahapon.
00:33Sa isang larawang ipinous ng grupong piston, kitang malakas pa si Tatay Elmer habang nakikisa sa welga bago siya atakihin.
00:42Bigla na lang daw pong sumikip yung dibdib at nawala na po siya ng malay.
00:49Hindi po siya nagsabi na masama yung pakiramdam niya basta umupo na lang daw po siya.
00:54Dahil sa katandaan, posibye rin pinalala pa umano ng ibang sakit ni Tatay Elmer ang kanyang kalagayan ngayon.
01:01Ang una niya pong iniinda ay yung sakit na po sa likod.
01:06At napag-alaman ko rin po na may asma siya.
01:10Ang sabi po ng nakausap kong nurse, parang komplikasyon na po yun sa puso at saka yung sa asma niya.
01:19Kabilang si Tatay Elmer Cordero sa tinaguriang Piston 6 o yung anim na miyembro ng grupo na inaresto at ikinulong
01:27noong 2020
01:28matapos silang magkilos protesta na ayon sa pamahalaan noon na ay labag sa quarantine protocol.
01:35Isa rin siya sa mga nawala ng trabaho noong pandemia.
01:38Kalaunay iniurong ang reklamo laban sa Piston 6.
01:4250 taong naging jeepney driver si Tatay Elmer.
01:46Ayon sa grupo, inspirasyon siya sa lahat ng mga kasapi dahil sa kanyang sigasig sa pagsusulong ng karapatan ng mga
01:53tsuper.
01:54Masipag po si Tatay Elmer. Nangunguna po sa lahat siya niya.
01:58Hindi po ayaw po niya nang nalilate siya.
02:01Umuhugot po siya sa pinaglalaban niya.
02:03Basta isa lang po yung sinasabi niya.
02:06Kailangan manalo ang pinaglalaban ng mga kita ng tsuper.
02:11Naka-confined sa Kaloocan City Medical Center si Tatay Elmer.
02:16Humihingi ng tulong ang pamilya niya para sa mga gastusin sa ospital.
02:20Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
Comments