00:00Hi, naku! Mukhang ma-high blood na naman tayo sa mapapanood po natin.
00:05Caught on Campo, ang karera ng 7 tricycles sa bahagi ng Marcos Highway sa Marikina.
00:12Ang ilan sa mga sangkot, tila nag-e-exhibition pa habang humaharurot.
00:18Sa video, kita na binabaybay ng isang sasakyan ang kahabaan ng Marcos Highway sa Marikina,
00:23pasado alas 2 ng madaling araw.
00:26Nakuha na ng dashcam ang biglang sumulpot na isang tricycle.
00:31Hanggang sa sunod-sunod na ang iba pang tricycle.
00:34Ang isa, tila nag-exhibition pa nang umangat ang sidecar nung ito'y mag-o-overtake.
00:40Ayon sa driver at may-ari ng dashcam video,
00:44ilang kilometro ang itinakbo ng grupo ng 7 tricycle na nagkakarerahan sa Marcos Highway.
00:52Pinaghahanap na ng Land Transportation Office sa mga tricycle driver,
00:56na naharap sa patong-patong ng mga paglabag.
00:59Ang insidente niyan, ating pag-uusapan,
01:03Ask Me, Ask Attorney Gabby.
01:07Anong maaaring pananagutan sa batas ng mga tricycle driver
01:11na nahuling nag-e-illegal racing at nag-e-exhibition sa public road?
01:16Well, sa kaso nito, maaaring managot ang mga driver sa ilalim ng Republic Act 4136
01:22o ang Land Transportation and Traffic Code
01:24dahil sa ilalim ng Section 48
01:27ay ipinagbabawal po ang tinatawag nating reckless driving
01:31o yung walang ingat at mapanganib na pagmamaneho
01:34na maaaring maglagay sa panganib sa ibang road users.
01:37Bukod dito, dapat niyong alamin may Marikina City Traffic Management Code
01:43Ordinance No. 84 Series of 2015
01:46na direktang pinagbabawal ang drag racing, speed contests
01:52at exhibition of speed sa mga kasadang sakop ng lungsod
01:56maliban kung may kaokulang permit.
01:59Kaya kung mapapatunayang nagkarera ang mga ito
02:02at mukha namang nagkakarerahan sila
02:05kumarurot at nag-exhibition ng mga tricycle sa public road
02:08maaari silang maharap sa multa
02:10at ipapang traffic or administrative sanctions
02:13kabilang ang posibleng aksyon
02:15laban sa kanilang driver's license.
02:17Ngayon po man din, kung hindi nyo po nahalata ang LTO
02:20ay masugid na nagsususpend din ang mga lisensya
02:24dahil nga may kampanya talaga ito
02:27laban sa mga lumalabag sa mga batas trapiko
02:30at mga peligro sa public safety.
02:33At talagang mga threat to public safety
02:35ang mga kumakarera na yan
02:37at talagang irresponsable po
02:40lalo na ngayon sa panahon na ang mahal-mahal
02:43ng presyo ng langis.
02:44So, tigilan na po natin ang mga gawain
02:47walang katuturan at mga pawang peligro sa ibang tao.
02:51Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
02:55Alam nyo na po, para sa kapayapaan ng pag-iisip
02:58huwag magdalawang isip
03:01Ask me
03:02Ask Ivan
03:04Ask Atty. Gaby
03:08Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
03:12Bakit?
03:13Pag-subscribe ka na dali na
03:14para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
03:18I-follow mo na rin ang official social media pages
03:20ng Unang Hirit.
03:22Salamat ka puso!