Skip to playerSkip to main content
Video Courtesy of DOST-PAGASA

Check out our Streaming Channel: https://streaming.manilatimes.net/

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe
Visit our website at https://www.manilatimes.net

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Stitcher: https://tmt.ph/stitcher
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#TheManilaTimes
#WeatherUpdateToday
#WeatherForecast

Category

šŸ—ž
News
Transcript
00:00Maganda umaga po sa inyong lahat at narito na yung ating 5am update sa bagyong ating binabantayan na si Bagyong
00:07Queenie na may international name na Surigay.
00:11Sa ating latest satellite images, makikita po natin bahagya pangang lumakas ang Bagyong Queenie.
00:16Sa ngayon po, isa siyang typhoon category at ang lakas niya na sa 130 km per hour malapit sa gitna
00:23at pagbugso naman na nasa 160 km per hour.
00:26Ang huli pong lokasyon nito ay nasa 685 km northeast ng Itbayat sa Batanes habang kumikilos na ito pahilaga, hilagang
00:36silangan sa bilis naman na 15 km per hour.
00:39So nagbago na po ito ng direksyon mula sa pahilaga kanina ngayon po, pahilaga-hilagang silangan na.
00:45At papalabas na nga ng Philippine Area of Responsibility patungo dito sa southern part ng Japan.
00:53Wala pa rin itong direct na epekto sa ating bansa at hindi rin ito napapalakas ang habagat sa mga sandali
01:00po ito kasi papahina na yung habagat.
01:02Posible nga, in the next few weeks or few days ay posible rin matapos na po itong panahon ng habagat
01:07sa ating bansa.
01:09Ang nakaka-apekto ngayon sa ating kapuluan ay yung Intertropical Convergence Zone or ITCC sa lubongang hangin po mula sa
01:16magkaibang hemispheres.
01:18At dahil po doon, inaasahan pa rin natin ngayong araw, mapapansin nyo, medyo may mga kaulapan dito sa may bahagi
01:23ng ilang bahagi ng Visayas at hilagang bahagi naman ng Mindanao.
01:28Sa iba pang bahagi na ating bansa, makikita nyo po, lalo na dito sa may bahagi ng luson, walang masyadong
01:32kaulapan.
01:33Kaya inaasahan natin ngayong araw, maaliwala sa panahon naman, ang mararanasan.
01:37Liban na lamang, posible pa rin yung mga localized rain showers and thunderstorms.
01:42Ganon din dito sa may southern part ng Mindanao.
01:47Narito po yung latest track ng bagyong si Queenie.
01:50Makikita po natin dito sa track niya na papalabas na nga ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
01:57Posible po by around that lunchtime, around tanghali po hanggang hapon,
02:02ay nasa labas na nga ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Queenie
02:06at patungo na nga dito sa may bahagi nga ng southern part ng Japan.
02:12Samantala, ngayong araw, inaasahan natin, malaking bahagi ng luson ay makararanas nga ng maaliwalas na panahon.
02:18Posible po, medyo mainit na rin yung ating umaga habang lumalaki yung posibilidad ng mga localized thunderstorms sa hapon
02:24hanggang sa gabi sa lawag, nasa 24 to 33 degrees Celsius yung agwatang temperatura.
02:30Medyo mainit po.
02:31Ngayon din sa Tuguegaraw, hanggang 33 degrees Celsius.
02:34Sa Baguio, 17 to 24 degrees Celsius.
02:36Dito po sa Kamainilaan, nasa 25 to 32 degrees Celsius.
02:4023 to 31 degrees Celsius sa mga sa Tagaytay, habang sa Legazpi, 25 to 33 degrees Celsius.
02:47Samantala, dito sa Palawan, inaasahan po natin na mga localized thunderstorms din ang mararanasan.
02:52Nagwatang temperatura natin sa bahagi ng Kalayaan Islands, 26 to 33 degrees Celsius.
02:57Habang sa Puerto Princesa City, 25 to 33 degrees Celsius.
03:01Mas malaki naman yung posibilidad ng maulap na kalangitan, na may kalat-kalat ng mga pagulan, pagkilat, pagkulog.
03:08Sa may bahagi ng Central Visayas at Negros Island region, kabilang din yung mga lalawigan ng Southern Leyte at Leyte.
03:16Habang ang nalalabing bahagi ng kabisayaan ay makararanas naman ng mga localized rain showers and thunderstorms.
03:21Sa Iloilo, 25 to 32 degrees Celsius.
03:24Sa Cebu naman, 26 to 32 degrees Celsius.
03:27Habang sa Tacloban, 26 to 32 degrees Celsius ay inaasahan ang agwatang temperatura.
03:32Sa Mindanao naman, inaasahan po natin na malaki rin yung posibilidad ng medyo maulap yung kalangitan,
03:39na may mga kalat-kalat ng mga pagulan sa bahagi ng Northern Mindanao at gayon din sa Maycaraga region.
03:45Habang ang nalalabing bahagi ng Mindanao, makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan.
03:50At posible din yung mga localized rain showers and thunderstorms.
03:54Yung agwatang temperatura natin sa Zamboanga, 25 to 34 degrees Celsius.
03:59Sa Cagayan de Oro, 25 to 32 degrees Celsius.
04:02Habang sa Davao, nasa 25 to 33 degrees Celsius.
04:07Sa lagay naman ng ating karagatan, wala po tayong naka-issue na gale warning pa rin.
04:11Kaya ligtas sa pumalaot o papayagang pumalaot po yung mga sasakiyang pandag at mga bangka.
04:15Sa mga baybayin ng ating bansa, bagamat ang paalala po ng pag-asa,
04:19kapag may mga localized thunderstorms, posible pa rin magpalakas ng alon.
04:23Kaya iba yung pag-iingat sa mga maliliit na mga bangka.
04:27At yan po yung ating latest sa lagay ng ating panahon.
04:31Patuloy pa rin po namin kayong inanyayahan na sundan ang pag-asa sa iba't ibang mga social media platforms
04:37at sa dalawang websites ng pag-asa, bagongpagasa.gov.ph at panahon.gov.ph
04:46kung saan makikita nyo po yung mga latest thunderstorm advisories, rainfall information,
04:52mga heavy rainfall warning at flood advisers.
04:54Iba pang impormasyon tungkol sa lagay ng ating climate panahon.
04:57Makikita nyo po yan dito sa mga websites ng pag-asa at gayon din sa mga social media platforms.
05:05At live po na nagbibigay update mula rito sa pag-asa Weather Forecasting Center.
05:11Ako naman si Obet Badrina.
05:13Ang susunod po nating update ay mamayang 11am.
05:17At muli po maraming maraming salamat.
05:19Maghanda po tayo lagi para sa ligtas na Pilipinas.
05:23Maraming salamat po and a blessed Sunday sa inyong lahat.
05:34NaXT
05:42You

Recommended