Skip to playerSkip to main content
Video Courtesy of DOST-PAGASA

Check out our Streaming Channel: https://streaming.manilatimes.net/

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe
Visit our website at https://www.manilatimes.net

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Stitcher: https://tmt.ph/stitcher
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#TheManilaTimes
#WeatherUpdateToday
#WeatherForecast
Transcript
00:00Magandang hapon sa ating lahat at naritong ulat sa lagay ng panahon ngayong hapon ng Lunes, October 19, 2026.
00:08Dito nga sa ating latest satellite animation ay patuloy pa rin nating minomonitor yung bagyo sa labas ng ating Philippine
00:15Area of Responsibility.
00:17At meron nga yung international name na Super Typhoon Champi.
00:21Muli nga itong lumakas at umabot uli ng Super Typhoon category.
00:25At huling na mataan sa layong 1,525 kilometers silangan ng southeastern Luzon.
00:31May taglay na lakas ng hangin na maabot ng 185 kilometers per hour malapit sa sentro nito.
00:37At pagbugso naman na maabot hanggang 230 kilometers per hour.
00:41At kumikilos yan ngayon pa west-northwestward sa bilis na 15 kilometers per hour.
00:47Sa kasalukuyan ay wala itong direktang epekto pa sa alinmang bahagi ng ating bansa.
00:53Ngunit alamin natin mamaya kung ano yung magiging track nito sa mga susunod na araw.
00:58At ano-ano pa yung mga areas na maapektuhan nito dito sa Pilipinas.
01:03Yung track nga nitong nasabing bagyo ang siya ngayon nagdadala ng mga katamtaman.
01:08Kung paminsan-minsan ay malalakas ng mga pagulan dito sa may silangang bahagi ng southern Luzon at Visayas.
01:15Samantalang patuloy pa rin yung epekto ng ating Easter Leaves dito sa may bahagi ng extreme northern Luzon
01:21na siya naman nagdadala lamang ng mga isolated rain showers at thunderstorms.
01:27At base nga sa latest forecast track ng pag-asa sa nakikita nga natin ay posible na nga yung pagpasok
01:33nitong bagyong si Champi
01:35sa loob ng ating park bukas ng umaga o hapon at papangalanan nga natin yan na si Bagyong Rosal.
01:41Itong si Bagyong Rosal ay mananatili na super typhoon habang binabaybay ang silangang bahagi ng karagatan ng northern Luzon
01:49at inaasahan natin na maaaring mas humina nga yan at umabot ng typhoon category pagsapit ng Huwebes
01:56at ito na rin yung time na kung saan mas hihilaga pa nga yung pagkilos nito papalayo sa ating bansa.
02:03At kung titignan natin yung kanyang cone of probability ay medyo patuloy pa siyang lumalayo dito sa may bahagi ng
02:10extreme northern Luzon.
02:11Kung patuloy po yung pagtaas o pag-angat ng track nito ay posible na hindi na nga o bumababa na
02:18nga yung chance nito
02:19na mag-landfall sa ilimang bahagi ng ating bansa.
02:22At yung pinaka-crucial time frame na babantayan natin ay sa pagitan ng Merkules hanggang Biernes
02:28na kung saan pinakamalapit nga yan sa kalupaan ng northern Luzon.
02:34At sa magiging lagay naman ng panahon, asahan nga natin na yung trough nitong bagyo ay patuloy pa rin yung
02:39epekto
02:40dito sa may bahagi ng Catanduanes na siya nagdadala ng matataas na tsansa ng mga pag-ulan.
02:45Samantalang magandang panahon naman ang epekto ng Easterlies dito sa may bahagi ng Ilocos Region, Cordillera at Cagayan Valley
02:54ngunit paghandaan yung mga isolated rain showers at thunderstorms lalong-lalo na nga sa hapon at sa gabi.
03:00At sa nalalaming bahagi ng Luzon including Metro Manila, patuloy din yung ating magandang panahon
03:05ngunit asahan din po natin yung bigla ang pag-ulan lalong-lalo na nga sa hapon.
03:11Agwat ang temperatura dito sa may Tuguega Rao, 24 to 32 degrees Celsius kasama ang lawag
03:16at dito naman sa Metro Manila, 24 to 33 degrees Celsius.
03:22Sa may bahagi naman ng Northern Summer at Eastern Summer, abot din po yan hanggang bukas nitong epekto ng trough
03:29ng bagyo
03:30kaya naman matataas na tsansa din at makulimlim na panahon ang aasahan.
03:35Samantalang yung Intertropical Convergence Zone o ITCJ ay patuloy pa rin magdadala ng mga katamtaman
03:41hanggang sa kung paminsan-minsan ay malalakas ng mga pag-ulan dito sa may Palawan at sa Mwanga Peninsula.
03:47Sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao, asahan natin yung mas magandang panahon
03:52ngunit asahan po natin yung mga localized thunderstorm pagsapit ng hapon o gabi.
03:57Agwat ang temperatura sa may Kalayaan Islands at Iloilo, aabot ng 26 to 32 degrees Celsius
04:03at dito naman sa may Zamboanga, 24 to 34 degrees Celsius.
04:08Sa magiging kalagayan ng ating karagatan, wala pa rin tayong nakataas na gale warning
04:12kaya malayang makapaglalayag lahat ng sasakyang pandagat.
04:15Ngunit dahil nga sa paglapit nitong bagyo ay unti-unti nang tumataas yung mga pag-alon
04:21dito sa may karagatan ng Visayas at silangang bahagi ng Southern Luzon
04:25kung saan magiging katamtaman hanggang sa matataas sa mga pag-alon
04:29kaya iba yung pag-iingat po sa papalaot dito ngayong araw
04:32at katamtaman naman ng mga pag-alon din ang aasahan dito sa karagatan ng Northern Luzon
04:37at silangang bahagi ng Mindanao.
04:41At sa magiging lagay naman ng panahon sa susunod na tatlong araw
04:44dahil nga sa inaasahan natin na paglapit nitong bagyo
04:48starting Merkoles, magkakaroon na ng wind signal dito sa may bahagi
04:53ng Cagayan-Isabella na kung saan magiging patuloy ang mga pag-ulan
04:58na may kasamang pagbugso ng hangin.
05:00At pagsapit nga ng Thursday and Friday na kung saan
05:04ito nga yung pinaka-close as approach sa Northern Luzon
05:07asahan natin na malaking bahagi na nga ng Luzon
05:09ang makaralanas ng mga pag-ulan na may kasamang pagbugso ng hangin
05:13kaya antabayanan po natin yung i-issue ng pag-asa na wind signal.
05:18At dahil nga po yung trough nitong bagyo po natin
05:21ay umabot dito sa may silangang bahagi ng Southern Luzon
05:24asahan na rin po natin yung pagsama ng panahon
05:27o patuloy na pagsama ng panahon sa malaking bahagi ng Bico region
05:31pagsapit ng Merkoles at magtatagal yan hanggang Thursday.
05:36At dahil nga pataas yung trough ng ating bagyo
05:38papalayo dito sa may area ng Bico region
05:41pagsapit po ng Biernes mas magandang panahon
05:44o agarang pagganda na nga ng panahon ang aasahan.
05:47Sa nalalabing bahagi ng Luzon including Metro Manila
05:50mananatili pa rin po na maganda yung ating panahon
05:52ngunit paghandaan po yung matataas na tsansa
05:55ng mga localized thunderstorms.
05:58At sa magiging lagay naman ng panahon sa kabisayaan
06:01asahan po natin na dala pa rin ng trough nitong bagyo
06:05ay patuloy pa rin yung mga pagulan dito sa malaking bahagi na ng Visayas
06:09starting Wednesday hanggang Biernes.
06:11At dito naman sa may bahagi ng Mindanao
06:14ganun din trough ng bagyo ang siyang makakaapekto
06:17at magdadala ng mga pagulan dito sa may bahagi ng Zamboanga City
06:21including sa buong Zamboanga Peninsula
06:23and some portions ng northern Mindanao
06:26kasama ang Cagayan de Oro City.
06:30Dito sa kalakang Maynila,
06:32ang araw ay lulubog ng alas 5.34 ng hapon
06:35at sisikat naman yan bukas ng alas 5.48 ng umaga.
06:40Manatiling may alam sa lagay ng panahon
06:43at bisitahin ng ating mga social media pages
06:45sa X, Facebook at YouTube
06:47at isearch lamang ang DOST Pag-asa.
06:49At para sa mga karagdaga informasyon
06:52ay bisitahin ng ating website
06:53pag-asa.dost.gov.ph
06:56at panahon.gov.ph
06:58Yan ang latest mula dito sa Pag-asa Weather Forecasting Center.
07:01Charmaine Varilia, nag-uulat.

Recommended