00:00Magdang umaga po sa ating lahat. Ito ang ating 5am update dito sa Bagyong Queenie na may international name na
00:08Surigay ngayong araw ng Biyernes, September 25, 2026.
00:13Ngayong alas 5 ay napanatili ng Bagyong Queenie ang kanyang lakas habang binabaybay ang North Philippine Sea.
00:21Tropical storm category pa rin ito na may taglay na hangin na aabot sa 75 km per hour malapit sa
00:27gitna at pagbugso.
00:29Naabot naman sa 90 km per hour.
00:32Sa kasalukuyan, kumikilos po ito pa northwestward sa bilis na 20 km per hour.
00:38At nakikita nga po natin ngayon ay malayo po itong Bagyong Queenie sa mga kalupaan ng Pilipinas kaya wala itong
00:46direktang epekto sa ating bansa.
00:48Wala din po tayo nakataas na anumang wind signals.
00:51Ito naman pong intertropical convergent zone o yung pagsasalubong ng hangin galing sa Northern at sa Southern Hemisphere
01:00ang nagdadala ng mga pagulan at mga makulimlim na panahon sa Visayas at sa Mindanao.
01:06In particular, halos buong Mindanao ang makakaranas ng maulap na panahon at kalat-kalat mga pagulan, pagkulog at pagkidlat,
01:14at maging dito rin sa Surigao at Negros Oriental.
01:18Inaasahan natin itong intertropical convergent zone ang magdadala rin ng mga pagbabago sa ating panahon kahit ngayong weekend.
01:28Base naman sa ating latest forecast track and intensity, itong Bagyong Queenie ay hindi nga magla-landfall sa anumang bahagi
01:35ng ating bansa.
01:36Sa halip po ngayon hanggang bukas ng hapon, maaaring mag-continue lamang po pa west-north-westward ang galaw nitong
01:45Bagyong Queenie
01:47at gradually mag-i-intensify o mas lalakas pa habang binabaybay ang North Philippine Sea.
01:53Simula bukas naman ng hapon hanggang sa Sunday, inaasa naman po natin na liliko itong Bagyong Queenie
02:02at patungo po ito sa north-eastward po ito, patungo sa may southern islands ng Japan.
02:10Maaaring lumabas na ito ng ating area of responsibility Sunday afternoon o Monday early morning.
02:18Pero before po ito lumabas ng ating PAR, ay maaaring mas mag-intensify pa ito bilang isang typhoon category by
02:27Sunday.
02:27Ngunit wala nga po itong epekto sa ating bansa.
02:29Possibly by Saturday or Sunday kung lumapit ito sa areas ng Batanes at Cagayan,
02:36ay maaaring tumaas lamang po yung ating mga wave heights doon o yung mga pag-alon natin.
02:42Pero hindi naman po ito, hindi natin ito nakikita na magtataas tayo ng anumang gale warning.
02:49In the next four days, nakikita nga natin patuloy ang epekto nitong Intertropical Convergence Zone.
02:56Magbabago lamang po yung lokasyon ng mga maa-apekto ka nitong Intertropical Convergence Zone.
03:02Sa ngayon, Mindanao nga po ang naapekto ka ng axis nitong ITCZ.
03:09Ngunit inaasahan natin by tomorrow ay aakyat naman yung axis nitong Intertropical Convergence Zone patungo sa Palawan, Visayas at sa
03:19Mindanao.
03:19So, maaaring maapekto ka at magdala ito ng mga pag-ulan dito sa mga bahagi na aking nabanggit.
03:26At aside naman po dyan, Sunday to Monday, maaaring magkaroon din tayo ng mga pag-ulan sa Palawan, Visayas,
03:33dito din sa northern section ng Mindanao.
03:36But by Tuesday naman, inaasahan po natin masihina ang epekto ng ITCZ at posible sa Palawan na lang po ito
03:43magdala ng mga makulimlim na panahon.
03:46At aside naman po dyan sa mga nabanggit kong lugar, malaking bahagi naman ng Luzon ang makakaranas starting today hanggang
03:54Tuesday.
03:55Generally, maaliwalas na panahon, simula umaga hanggang tanghali, ngunit pagsapit ng hapon hanggang gabi ay madalas ang ating mga thunderstorm
04:06advisories
04:08at yung mga thunderstorm activities natin.
04:11So, inaabisuhan po natin yung ating mga kababayan na always din e-check ang thunderstorm advisories na ipinapalabas ng ating
04:19mga pag-asa regional services divisions.
04:21Dahil yung mga thunderstorms po ay maaari pa rin magdulot ng mga pagbaha and pagguho ng lupa.
04:28And aside dyan, ay may banta din ito kagaya na lamang na mga pagkidlat na ikasawi din po ng ilan
04:38nating mga kababayan noong mga nakaraang araw.
04:40Yung mga thunderstorms kasi maaari din po yung maging malakas.
04:44So, doble ingat pa rin po at kung may narinig na tayong pagkulog, ay mas mabuti ay ipagpaliba na lamang
04:50natin yung paglabas.
04:55Sa ngayon nga ay wala po tayong nakataas na anumang gale warning kahit malaya din po makakapaglayag yung ating mga
05:00kababayan.
05:02At ano nga po ng karamihan, patapos na ba ang ating habagat?
05:07Sa ating nga po ang latest projections, in the next two weeks, nakikita na natin yung signal na maaaring matapos
05:15na ang ating habagat season.
05:17In the next two weeks, posible po mag-terminate na tayo at mag-declara na po tayo ng termination nitong
05:25habagat.
05:25At anong ine-expect natin?
05:28Kung mag-terminate na tayo sa ating habagat, ay patransisyon na po tayo dun sa ating tinatawag na amihan.
05:36At aside po dyan, nung Merkoles po ay may ipinalabas tayo na Climate Advisory kung saan ito po ay about
05:45sa El Nino.
05:46So, ang El Nino po, ito yung warm phase ng ating El Nino Southern Oscillation.
05:52At yung El Nino, ang ibig sabihin dyan, yung ating Central and Eastern Equatorial Pacific Ocean ay may mas mainit
06:01kesa sa normal na temperatura.
06:04At kung ibig sabihin po nito, kung may strong El Nino tayo ngayon, ay maaaring mas bawas din yung ating
06:14mga pag-ulan at maaaring din po tayo makaranas ng mas mainit na temperatura dito sa Pilipinas.
06:21Starting nga po ngayon, September hanggang before matapos ang ating 2026, ay maaaring mas lumakas pa ang ating El Nino
06:30at maaaring maging very strong o mas kilala nga po, mas sinatawag po siya bilang Super El Nino.
06:38Kaya ngayon pa lamang po ay sana paghandaan po ng ating mga kababayan itong nagbabadya na very strong El Nino
06:46dahil magpo-persist po ito o magpapatuloy po yung kanyang epekto hanggang sa first half ng 2027.
06:53So very vulnerable po yung sektor ng agrikultura dito. Maaaring makaranas tayo ng mga dry conditions, dry spell at pwede
07:03din po yung mga drought na mga senaryo.
07:05So sana po maghanda yung ating mga kababayan.
07:10At yan naman po ang latest mula dito sa Pag-asa Weather Forecasting Center.
07:15Next update naman po natin dito sa Bagyong Queenie ay mamayang 11am.
07:21Maraming salamat at magandang umaga po sa ating lahat.
07:53Maraming salamat at magandang umaga po sa ating lahat.
07:53Maraming salamat at magandang umaga po sa ating lahat.
07:56Maraming salamat at magandang umaga po sa ating lahat.