Skip to playerSkip to main content
Sa unang pagkakataon, sabay na sasabak sa 2026 Asian Games si Olympic gold medalist Carlos Yulo at ang kanyang kapatid na si Karl Eldrew. Ngayong araw, Sept. 21, sisimulan nila ang kanilang kampanya sa men’s artistic gymnastics qualifiers.

Ano nga ba ang itinakbo ng kanilang gymnastics journey? Panoorin ang video na ito. #GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sabay na sa sabak sa 2026 Asian Games ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at ng
00:07kanyang kapatid na si Carl Eldreau bilang pambato ng Philippine Gymnastics Team.
00:12Espesyal ang pagsabak ng Yulo Brothers dahil ito ang unang pagkakataong magkasama silang nalaban sa Asian Games, dala ang kanika
00:21nilang achievements sa International Gymnastics.
00:24Balikan natin ang naging takbo ng karera ng magkapatid sa Gymnastics.
00:28Pitong taong kula ang unang nagka-interes si Carlos sa Gymnastics nang may makita siyang gymnast na nagpapractice sa isang
00:36parke sa Maynila.
00:37Dahil dito, in-enroll siya ng kanyang Lolo Rodrigo Frisco sa isang gymnastics class sa ilalim ni Coach Rodrigo Ortero
00:45sa Rizal Memorial Complex.
00:47Kalaunan, napansin ni Gymnastics Association of the Philippines President Sinchakario Norton ang talento ni Yulo.
00:54Sa edad na labing-anim, ipinadala siya sa Tokyo para mag-train sa ilalim ni Monihiro Kugimiya.
01:01Noong 2018, unang gumawa ng kasaysayan si Carlos nang maiuwi niya ang bronze medal sa 48 Artistic Gymnastics World Championships
01:09na ginanap sa Doha, Qatar.
01:11Si Carlos ang kauna-unahang Pilipinong nakapag-uwi ng medalya sa World Artistic Gymnastics Championships.
01:19Siya rin ang kauna-unahang Pilipinong nag-qualify sa all-around final ng kompetisyon.
01:24Nagpatuloy sa pag-arangkada si Carlos at nang sumunod na taon, muli siyang sumabak noong 2019 sa 49th Artistic Gymnastics
01:33World Championships sa Stuttgart, Germany.
01:36Dahil sa mataas na difficulty ng kanyang routine, nakamit niya ang gold medal sa men's floor world title at ang
01:43kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa World Gymnastics Championships.
01:48Hindi man pinalad na makapod yung finish noong Tokyo 2020 Olympics, hindi sumuko si Carlos.
01:55At noon ngang 2024 Paris Olympics, tuluyan ang nakamit ni Carlos ang minimithing Olympic Dream nang masungkit niya hindi lang
02:03isa kung hindi dalawang gintong medalya sa men's floor at men's vault events.
02:09Si Carlos ang ikalawang Pilipinong nagkamit ng Olympic Gold kasunod ni Filipino weightlifter Heidelin Diaz.
02:16Humakot din ang gold at silver medal si Carlos sa SEA Games mula 2019 hanggang 2023.
02:23Samantala, dahil madalas kasama sa training ng Kuyang si Carlos, maaga rin na-expose sa gymnastics si Carl L. Drew,
02:30hanggang sa tuluyan ng nahilig at nag-training din sa Japan.
02:34Nagsimula naman ang kanyang international gymnastics journey sa 2023 Asian Junior Artistic Gymnastics Championships kung saan na iuwi niya ang
02:43silver medal sa men's junior vault finals.
02:46Sa junior level, nakapag-uwi niya siya ng ilang medal sa international competitions kabilang ang gold sa 2024 Artistic Gymnastics
02:55Championships sa Tashkent, Uzbekistan.
02:58Noong 2025 Asian Men's Artistic Gymnastics Championships naman sa Jechen, South Korea, nakakuha siya ng silver sa juniors men's vault
03:08at bronze medal naman sa 2025 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa Manila.
03:15Pagsapit ng March 2026, nagsimula naman ang kanyang transition sa senior division.
03:21Sumabak si L. Drew sa antalya leg ng FIG Apparatus World Cup kung saan nakuha niya ang kanyang first senior
03:28division gold sa floor exercise.
03:31Makalipas ang isang buwan, nasungkit naman niya ang bronze floor exercise at horizontal bar sa Cairo World Cup.
03:39Sa mandala, sa 2026 Asian Artistic Gymnastics Championships na ginanap sa Zunyi, China noong June 18 hanggang 21, 2026, parehong
03:49nakasungkit ng medalya ang magkapatid.
03:51Sa floor exercise, nakuha ni Carlos ang gold medal habang bronze naman ang naiuwi ni L. Drew.
03:57Dahil sa sunod-sunod na impressive performances na L. Drew sa senior level, nakakuha rin siya ng slot sa 2026
04:04World Artistic Gymnastics Championships sa Rotterdam, Netherlands.
04:09Gaganapin ang World Championships mula October 17 hanggang 25 at ito ang first time ni L. Drew nasasabak sa naturang
04:17kompetisyon.
04:18Ngayon naman, panibagong hamo na nanghaharapin ng magkapatid sa 2026 Asian Games, lalo pat Asian Games Gold na lang ang
04:26kulang sa koleksyon ng gintong medalya ni Carlos.
04:38Para naman kay L. Drew, magiging espesyal ang 2026 Asian Games dahil ito ang kanyang unang pagsabak sa Asia.
04:55Ang magkapatid na sina Carlos at L. Drew magkasama sa isang kompetisyon, parehong lalaban para sa Pilipinas.
05:20Ang magkapatid na sina Carlos at L. Drew.
Comments

Recommended