00:01Nabawasan pa raw ang mga kaanak ng mga nawawalang sabongero na dumadalo sa paglilitis ng kaso sa eksklusibong panayam ng
00:08GMA News.
00:09Sa isa sa kanila, hindi na raw makontakt ang mga dati niyang kasamang lumalaban noon.
00:14Lagi kang una sa malita ni Emil Sumangil, Exclusive.
00:21Nag-isa na lamang na dumadalo si Charlene Lasko sa mga pagdinig sa kaso ng mga mising sabongero noong isang
00:29araw sa QCRTC.
00:31Kapatid siya ng nawawalang master agent na si John Lasko na dinukot sa San Pablo, Laguna noong August 2021.
00:39Sa panayam ko noong nakaraan taon kay Julie Dondon Patidongan,
00:43sinabi niya na siya ang nagbayad ng 2 milyong piso sa isang grupo para dukutin si Lasko.
00:48Ayon kay Charlene, hindi na niya makontakt ang mga kasama niyang lumalaban noon.
00:53Gusto ko lang kung magsabi doon sa mga kasamahan namin na kakalungkot na umalis kayo no dito sa...
01:02Nahiyak ako, sorry ah.
01:05Kasi kala ko tuloy-tuloy ano.
01:09Akala ko tuloy ito yung paglaban namin pagkuhan namin ng hostisya pero wala eh.
01:15Talagang, syempre, talagang kailangan naman nila ng pera.
01:19Naintindihan ko naman yun.
01:21Kaya lang talagang, syempre, nangako kami before na, sige ate, tuloy-tuloy tayo.
01:27Sana raw ay hindi totoo ang mga narinig niyang usap-usapan na nabayaran na umano ang iba pa niyang kasama.
01:34We heard na nabayaran na, which is, nagsabi naman sa amin na dire-dire na sila ay hindi na makakasama
01:44dito sa missing sa bongero.
01:47Ginapang na nila, lagi naman ako nililigawan, lagi akong ino-ofera.
01:51Last time, inofera na ako, 150 million.
01:53Nila akong mag-attend ng hearing.
01:55Hindi naman pera hinahanap ko, justice eh.
01:57Tingin ni Charlene, hakbang ito para wala nang dumalo sa hearing at maibasura ang kaso.
02:03Ilang mapapagkatiwalaang sources mula sa law enforcement ang nagsabi sa GMA News na may mga balitang nakikipag-ugnayan ang kampo
02:12ni Ang sa kanila para sa pagsuko umano nito.
02:14Pero ayon sa PNP, wala silang nakukuhang formal na komunikasyon o paramdam na susuko ang negosyante.
02:22Ayan naman sa isa sa mga abogado ni Ang na si Atty. Gabriel Villarreal, wala silang alam ukol dito.
02:29Kung si Charlene naman ang tatanungin, itutuloy niya ang laban sa kasong ito.
02:34Maaring ihina yung kaso pero kasi remember, ano lang kami, private complainant.
02:39Ang kalaban nila, gobyerno.
02:41Hanggang nandiyan si Mr. Dondon Patidongan, yung witness natin, mag-stand pa rin yan.
02:46Tatako pa rin.
02:47Sana yung gobyerno makuha ang puno-tulo bakit nawawala yung mga complainant.
02:52Patuloy namin kinukunan ng panig ang ibang kaanak ng mga missing sabongero.
02:57Ito ang unang balita.
02:58Emil Sumagin, GMA News.
Comments