00:00Ibinaba na sa 8 ang bilang ng mga hinahanap na sakay ng nasunog na MB June Astor sa Coronpalawan.
00:08Ang apat kasing nasa listahan ng mga pasahero, hindi naman pala tumakay.
00:13Ang kapitan naman ng barko, isinilaysay na ang kanyang version sa nangyaring trahedya.
00:20Nakatutok si Mark Salazar.
00:26Wala sa sinumpaang salaysay ng nakaligtas na kapitan ng MB June Astor na si Ruel Sarmiento ang sagot
00:33kung paano at saan nagsimula ang sunog sa barko na kumitil ng 77 buhay.
00:40Ang ikinwento niya lang, maayos ang lahat mula sa kanilang paglaot sa Baseco, Maynila,
00:45gabi ng September 8 hanggang 6.29 p.m. September 9 malapit na sa Coron.
00:52Pinuntahan daw siya ng kanyang steward habang nasa bridge tower para sabihin may sunog.
00:59Ipinagutos niya raw na buksan ang pinto para papasukin ang mga pasahero sa bridge.
01:04At ipinahanda ang mga water hose at extinguisher.
01:08Nabasa na ng Philippine Coast Guard ang salaysay na ito ni Kapitan Sarmiento.
01:13Tumunta po siya accordingly dito sa anyang VHS radio para makapagbigin sana ng public address sa mga pasahero
01:19kaso bigla daw po ng blackout.
01:21At nagbigay na po siya ng instruction na ihunog daw po yung dalawang life rafts.
01:27Ayon din sa sinumpaang salaysay, sa gitna ng kaguluhan, may mga sinagip na pasahero raw si Kapitan at ang kanyang
01:33crew.
01:34Sinubukan din daw niyang pasukin ang air-conditioned accommodation,
01:38kaya lang hindi na makalapit sa pinto sa sobra raw init.
01:42Wala na raw siyang mapuntahan sa lumalaking sunog, kaya tumalo na rin siya sa tubig.
01:57Hanggang kaninang tanghali, hindi pa rin humaharap sa PCG investigation ang Kapitan ng Barko
02:02hanggat wala raw siyang kasamang abugado.
02:05Pero sa kanyang affidavit, ikinwento niya ang pakikipagsapalaran sa dagat para makaligtas.
02:11Kasama niya raw na narescue habang nasa life raft ang tatlo niyang crew at dalawang pasahero.
02:17Pagdating raw nila sa lupa, naluluha raw siya sa trauma at iniisip kung bakit hindi niya napigilan ang paglaki ng
02:24apoy.
02:26Naglakad-lakad daw siya hanggang makarating sa kung saan.
02:29Sabi ng PCG, ibabangga nila sa lalabas pang mga ebidensya ang mga salaysay ng Kapitan.
02:48Mahigit isang linggo na mula nang mangyari ang trahedya, may mga nawawala pa rin.
02:53Sa unang tala ng PCG, labindalawa ang missing.
02:57Pero nadiskubring hindi pala sumakay ang apat na pasaherong nasa manipesto.
03:01So totoo nga po, ang nag-report po sa atin ay nagkaroon po ng pagkakabali sa pagbili po ng tiket.
03:08So supposedly, it's Curon to Manila pero ang nagbili po ng tiket, it's Manila to Curon.
03:14At yung isa naman po ay sa ibang barko po sumakay.
03:17Sa ngayon, walo ang hinahanap.
03:19Pero biniberip ko pa kung talagang sakay din sila ng nasunog na barko.
03:23Mas pinalawak na rin ang aerial search para sa kanila na umaabot na hanggang Oriental at Occidental Mindoro.
03:30Samantala, kinukuha pa namin ang karagdagang pahayag mula sa Atienza Inter-Island Ferries, Inc.
03:36ang may-ari ng nasunog na barko.
03:39Mark Salazar.
03:41Nakatutok 24 oras.
Comments