00:00Mga kapuso, kalunos-lunos ang sinapit ng nasawing rider sa San Mateo Rizal.
00:04Pauwi na sana siya ng banggain ng patok na jeepney at sa lakas po ng impak.
00:10Naputulan siya ng braso. Nakatutok si Jomera Presto.
00:16Hindi ko akala na ganun mangyayari sa kanya.
00:22Naputul pa yung braso niya eh.
00:24Naglulok siya ang 48-anyos na si Jennifer nang mabalitaan na wala na ang kanyang kinakasamang si Lea.
00:32Ang 43-anyos na biktima namatay matapos salpukin ang isang pampasayaron jeep
00:37ang kanyang motorsiklo sa bahagi ng General Luna Avenue sa San Mateo Rizal pasado alas 6 kagabi.
00:44Sa kuha ng CCTV, may kita ang jeep na biglang nag-counterflow at nasalpok ang biktima.
00:49Sa lakas ng impak, naputulan ng kaliwang braso si Lea.
00:53Denon arrival siya sa ospital.
00:56Ayon kay Jennifer, pauwi na sana si Lea noon galing sa trabaho.
00:59Putol po yung galiwa niyang kamay, tapos yung tahita niya, durog na po yung kanyang ano.
01:05Tapos yung satiyan niya po, meron po siyang hiwan na malaki.
01:09Han, maraming maraming salamat.
01:12Sana lagi mo akong babantayan, Han.
01:15Hindi ko kaya, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka.
01:21Dito mismo sa tapat ng San Mateo Roman Catholic Cemetery, sumalpok ang jeep.
01:26Kung mapapansin ninyo, sa lakas ng impak, halos mayupi na itong bahagi ng gate ng sementeryo.
01:32Tumagas din ang mga langis na nanggaling mula sa jeep.
01:35Ayon sa mga otoridad, nasa 7 hanggang 10 metro ang layo nito mula sa lugar kung saan natagpuan naman ang
01:42katawan ng biktima.
01:43Agad nahuli ng mga rumesponding polis ang 20-anyos na driver ng jeep.
01:47Base sa investigasyon nila, kalalabas lang ng garahe ng jeep at naghahabol ng pasahero,
01:53kaya pilit umanong umu-overtake sa mga sasakyan.
01:56Nag-overtake, nag-swerve sa in-overtake ang sasakyan at hindi na ino nabawi.
02:02Kaya tuloy-tuloy siya sa kabilang lane at nabangga nga po itong biktima.
02:06Nag-issue na ang Land Transportation Office ng Shokos Order para sa registered owner pati sa driver ng natural jeep.
02:13Pinaharap sila sa August 27 para magpaliwanag.
02:16Naka-alarma na ang naturang sasakyan pati ang lisensya ng driver.
02:20Pagka na-involve ka sa aksidente ng ganyan, nakapabayaan mo ng driver,
02:26dapat dyan perpetual revocation.
02:28Kaya ang recommendation ko dyan, yung lifetime ba ng license?
02:32Nakapatay ka eh sa kapabayaan eh dahil sa ginagawa nila.
02:36So walang ano yan, yung mga taong yan dapat talagang mas mabibigat ang mga parusa.
02:41Bago nito, nakunan din ang isang jeep na kapareho ang plaka at markings ng nakabanggan jeep
02:47na nagbabanking o nagpapagewang-gewang sa daan.
02:50Nag-overtake pa ito sa tapat pa mismo ng isang paaralan.
02:54Tumanggi magbigay ng pahayag ang driver ng jeep na nasa kustodiyana ng San Mateo Municipal Police Station.
03:00Nakatakda siyang sampahan ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.
03:05Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
Comments