Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pulli cam sa Angono Rizal ang tangkang pagnanakaw sa isang bahay.
00:04Nabulilyaso yan nang tumunog ang emergency alarm.
00:07Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:11Isang lalaking nagkasumbrero ang kitang umaakyat ng hagdan papasok sa bahay na ito.
00:17Sa barangay San Roque, Angono Rizal, pasado alauna ng madaling araw nitong Merkulis.
00:22Tumayo siya sa may gate at magbubuksan na niya ang gate nang tumunog ang alarm.
00:33Agad siyang tumakbo palayo. Sumigaw naman ang saklolo ang may-ari ng bahay.
00:44Ayon sa may-ari ng bahay, nagtatrabaho siya sa kwarto nang makita niya sa CCTV monitor, ang lalaki sa kanilang
00:51gate.
00:51From that very moment na nakita ko hindi ko ito kilala, tinrigger ko na, minanumanu ko na yung alarm on.
00:59Doon sa CCTV. And then pagbukas ko ng pinto, another alarm yung nag-trigger.
01:05Nakita pa raw niyang pinuntahan ng lalaki ang kasama nitong sakay ng motorsiklo.
01:10Naglalakad lang siya na parang walang nangyari.
01:12Tapos nung malapit na siya doon sa motor, sa gateway na motor, doon lang siya tumakbo. Doon lang sila kumaripas.
01:20Inireport ng biktima ang insidente sa pulisya at sa barangay.
01:25Nag-backtracking ang mga tanod ng barangay San Roque.
01:27Kaso di po makakilala yung motorista dahil mabilis din po, di maplakahan.
01:36Yung lalaki naman ay hindi rinigarito, dayo lang po yun. Kaya hindi namin makilala, di mamukaan.
01:44Hindi raw ito ang unang beses na pinasok ang bahay ng biktima.
01:49Bumalik yung anxiety ko, bumalik yung trauma ko. Kasi November 17, last year, same exact thing yung nangyari. Same.
01:58Nakapasok daw noon ang lalaking sospek sa gate nila na naiwang nakabukas.
02:03Sinira daw nito ang screen at pwersahang binuksan ang sliding window.
02:08Nakuha ang bag at wallet ng biktima na naglalaman ng mga ID at 3,000 pisong cash.
02:15Dahil sa unang insidente ng panluloob, nagpa-install na ang biktima ng mga CCTV at emergency alarm sa palibot ng
02:22kanilang bahay.
02:23Patuloy ang imbestigasyon ng Angono Police sa insidente.
02:27EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
Comments

Recommended