Skip to playerSkip to main content
24 Oras: (Part 3) Lalaking tina-trashtalk umano online ng bagong bf ng kaniyang ex, namaril; Binawing lisensya ni Niño Muhlach; Pregnancy journey ni Glaiza de Castro, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, naaawi sa pamamaril ang online patutsyadahan ng dalawang magkaribal na lalaki sa Pasig City.
00:06Ang suspect na pikon mo manaw sa mga pasaring sa social media ng bagong kinakasama ng kanyang ex.
00:12Ito nga yan sa aking eksklusibong magtubo.
00:19Sa pagtatalong ito, naaawi ang patutsyadahan sa social media ng dalawang lalaking magkaribal sa isang babae.
00:30Ang personal ng pagtatalo, uminit pa ng gusto hanggang sa...
00:36Ang lalaking na hulikam na nagpaputok ng baril agad na nadakip ng pulisya.
00:41Mabuti na lamang at walang tinamaan sa insidente ng nangyari sa harapan mismo ng bakay ng complainant sa Pasig.
00:47Nagsumbong itong ating biktima at sa ating himpilan at kaagad-agad na nagsagawa ng follow-up operation itong ating mga
00:56operatiba.
00:57Nakakulong na ang suspect ngayon sa Pasig Police.
01:00Tumanggi siyang magbigay ng komento pero nabanggit niyang napiko na siya sa mga patutsyada sa social media ng lalaking nakaaway
01:07niya.
01:08Sa korte ko na lang po sasabihin sir, yung mga tungkol po sa kaso.
01:12At ang ugat umano ayon sa investigasyon ng pulisya, babae.
01:17Ang suspect kasi, dating girlfriend ang kinakasama ngayon ng biktima.
01:22At sa kalip na mag-move on na pareho, hindi raw dahil nga sa mga patutsyada sa social media.
01:29Wala po ang inalaman niya sa inaanong po nila saan.
01:31Paalala ng pulisya.
01:32Ito ay pwedeng humantong sa mas malaking problema.
01:35Magsasamba po kami ng attempted homicide.
01:39Emil Sumangil. Nakatutok 24 oras.
01:48Lubog pa rin sa maha kaya pilit iniaaho ng ilang taga Santo Tomas Pampanga
01:54ang kanilang kabuhayang paggawa ng ataol.
01:57Tabilang sila sa mga nakatira ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.
02:07Tinaguri ang casket capital of the Philippines, ang bayan ng Santo Tomas Pampanga.
02:13Karamihan kasi ng residente rito, paggagawa ng ataol ang tango namin kamuhayan.
02:20Pero sa paghagupit ng habagat, ang mga gumagawa ng ataol, lubog na ang mga bahay.
02:27Lubog pa ang kabuhayan dahil sa isang buwang pagbaha sa kanilang lugar.
02:34Pero ang pinagtatrabahuhan ni Ariel, gumawa ng paraan para tuloy-tuloy ang kanilang hanap buhay.
02:41Pinatasan po niya, nilagyan po ng mga improvised na patungan para hindi naman po mababad yung kabaong.
02:48Nakakapanglumo. Nakakapanghina ng loob.
02:52Sa totoo lang ma'am, yung iba gusto magtrabaho, hindi makapagtrabaho.
02:57Pag kagumising ka, bababa ka sa baha.
03:00Ang pagawaan naman na pinapasuka ni Rodrigo, nagsara na muna kaya namamasada siyang gamit ang balsam.
03:08Kahit pa paano, makaraos lang, makakain lang.
03:11Ang nalubok kasi yun kasi well-yarding kami, hindi ka na pwedeng makatungtong.
03:17Kaya sa ngayon, wala pa rin, di pa kami open.
03:21Si Julius naman, nagpagawa ng pinataas na tricycle.
03:25Uyokong puunan ko, dinala ko na lang dito sa kolong-kolong ko, pinataas ko.
03:31At least kahit pa paano, may pambili na mga pagkain namin.
03:36Sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan, nakarating tayo sa Santo Tomas, Pampanga.
03:42Hatid natin ang food packs, hygiene kits at biscuits para sa 8,000 individual na naapektuhan ng pagbahak.
03:54Sa mga naispang mag-donate, maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Luwilier.
04:02Pwede rin via QR code ng GCash at PalawanPay o mag-donate online sa GBayanihan, Globe Rewards at Metrobank Credit
04:11Cards, Lazada at Shopee.
04:21Mga kapuso, paghandaan pa rin ang posibleng pag-ulan bukas.
04:25Ayaw po sa pag-asa, patuloy pa rin umiiral ang localized thunderstorms o ITCC o yung Intertropical Convergence Zone.
04:32Sa datos ng metro weather, may chansa ng ulan bukas ng umaga sa Quezon, Bicol Region, Mindoro Provinces, Palawan, Samaratlita
04:39Provinces, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
04:42Sa Kapol, halos buong bansa na ang makakaranas ng maulang panahon.
04:46May heavy to intense rain sa central zone, iba pang bahagi ng Mimaropa at Calabar Zone.
04:51Halos buong Visayas at Mindelao rin ang makararanas ng mga pag-ulan.
04:55May malalakas na ulan sa Caraga Region.
04:58Pusibleng ng ulan sa Metro Manila, lalo na bago magtanghali at may chansang mas lumawak pagsapit ng hapon o gabi.
05:04Samantala, patuloy na minomonitor ang bagyong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
05:09Huli itong namataan 2,925 kilometers silangan ng Southeastern Luzon.
05:15Ayon sa pag-asa, pahilagang silangan ang kilos nito pero posibleng pang mas maging pahilaga sa mga susunod na araw.
05:22Pusibleng nito lumakas bilang tropical storm pero wala pa rin direktang efekto sa anumang bahagi ng bansa.
05:34Showing her motherhood glow, si Glyza Di Castro nang dumalaw sa block screening ng pelikulang 58.
05:40Nagkwento rin si Glyza tungkol sa kanyang pregnancy journey at plans para sa kanilang stand.
05:45Makichika kay Nelson Candar.
05:50On her fifth month of pregnancy, ikinuwento ni Glyza Di Castro ang ilan sa mga pagbabago sa kanya.
05:56As a mother, mas marami kang empathy ngayon sa ibang tao, especially with other women, with other moms na dumaan
06:08at pinagdadaanan yung pinagdadaanan mo.
06:12Every morning, I look at myself sa mirror and I say hi to the baby.
06:20Tapos parang mag-sync in lang sa akin na may human beings sa loob ng katawan ko.
06:24Pinagdadasal ko na, you know, every day sana maging okay yung journey.
06:29Mas mabuti rin daw ang pakiramdam ngayon ni Glyza.
06:33Kasi yun nga normal na ulit ako eh, na parang nawala yung hilo ko, nawala yung pagduduwal.
06:42Yung lahat ng mga naramdaman ko before, nung first trimester, medyo nawawala siya ngayon.
06:46Naghahanda ng pumunta si Glyza sa Ireland to join her husband David Rainey.
06:51Plano ng dalawa na doon siya manganap.
06:53Mixed emotions naman ang fans sa sinabi ni Glyza sa past talk with Boy Abunda na magpapahinga muna siya sa
07:00showbiz.
07:01Yes or no? Magpapahinga muna sa showbiz?
07:04Yes.
07:04What happens to the career?
07:05Noong una po medyo nanihinayang ako kasi sanay ako na ang dami kong ginagawa.
07:11Parang hindi ako natatahimik.
07:13Right.
07:14Pero actually, noong time na natapos yung sangre, doon ko nalaman na there's more to life than career.
07:24There's more to life than work.
07:26Pero bago yan, dumalo si Glyza sa isang block screening ng pelikula niyang 58
07:31mula sa GMA Public Affairs at GMA Pictures.
07:34Matapos ang Philippine premiere sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival,
07:39may week-long screening ito sa red carpet cinema ng Shangri-La Plaza.
07:44Bonus ang ilang talkback sessions with Glyza, 58th director Carl Papa,
07:49executive producer Ian Simbulan,
07:52at producer na siya rin senior vice president ng GMA Public Affairs
07:56at executive vice president ng GMA Pictures na si Nessa Valdelion.
08:01Full support kay Glyza ang kanyang sparkle family.
08:04Dumating si Sparkle GMA Artist Center first vice president Joy Marcelo,
08:08ilang executives, pati mga kapwa Sparkle stars tulad ni Nasanya Lopez at marami pang iba.
08:15Ramdam mo yung bawat eksena na di naan nila sa ganun.
08:20And still, na-appreciate mo siya at ang ganda ng kinalabasan ng pelikula.
08:23Nelson Canlas updated sa showbiz happening.
08:27Bumangga sa pader ng ginagawang MRT 7 ng isang SUV sa kabaan ng Commonwealth, Quezon City.
08:43Nakunan ng dashcam ang pagsalpok na yan ng SUV.
08:47Nang lapitan, kitang wasak na wasak ang harapang bahagi nito.
08:51Umusok rin ang loob ng sasakyan, kaya maingat po itong binuksan.
08:55May bakas ng dugo sa noon ng driver pero nakakausap naman ng mga responding traffic enforcer.
09:01Itinanggil ang driver na nakatulog siya.
09:04Mabilis na naialis ang sasakyan at hindi nagdulot ng traffic.
09:07Patuloy ang investigasyon.
09:10Binawi ng Land Transportation Office o LTO
09:13ang lisensya ng aktor na si Nino Mulak
09:16kasunod ng kinasangkutang aksidente sa Antipolo City, Riza.
09:20Nito ang Agosto, tatlong establishmento ang inararo ni Mulak
09:25nang tumawid sa kabilang linya ng kalsada ang kanyang SUV.
09:30Sugatan ang isa sa mga kumakain sa paresang.
09:33Kumailalim naman sa kanyang sasakyan ang nabanggang motorsiklo na nakaparana.
09:39Inamin ni Mulak na nakatulog siya habang nagmamaneho.
09:44Dahil dito, sabi ng LTO, napatunayang may pananagutan ng aktor
09:50sa paglabag sa reckless driving at idineklarang improper person to operate a motor vehicle.
09:59Dalawang taong nirevoke ang kanyang lisensya sa pagmamaneho.
10:03Nananatili rin sa alarm status ang kanyang sasakyan.
10:07Sinusubukan pa namin makuha ang panig ni Mulak Kaugnay sa parusa ng LTO.
10:13Na ano na niyang sinabi na inaako niya ang responsibilidad sa pangyayari.
10:24Mga Kapuso, dagdag pang kabuhayan sana
10:27pero hindi na mapapakinabangan ng dating stroke patient ang kanyang e-buying.
10:31Matapos itong madaganan ang poste ng kuryente sa Rodriguez Rizal.
10:35Maging siya muntik madaganan.
10:38Itinilog yan sa inyong Kapuso Action Man!
10:47Halala, tungba yung poste!
10:50Nabagsakan yung e-bike.
10:52Nayupi ang e-bike na ito nang mabagsakan ang poste ng Meralco
10:56sa barangay San Jose Rodriguez Rizal noong June 13.
11:00Andun siya sa may loob ng e-bike.
11:02Ito, nagkakapingan siya.
11:04Kakaping siya dito sa may loob ng e-bike.
11:06Ito, oh.
11:06Mabuti napansin niya.
11:07Tananin ko ng magutok at tumalun ako agad.
11:10Mabuti na katalon pa yung stroke.
11:12Maging ang may-ari ng e-bike na si Mang Dante, Muntik Madale.
11:17Halos to, in-just lang po yung pagitan namin ng poste.
11:19Wasak po talaga kasi halos lahat ng bakal nito ay nangabali-bali.
11:24Itinanong ko na rin po doon sa aking pinagbina nito, sa pinakang kasan niya,
11:30na ako marirepare pa.
11:31Ang sayo po sa akin ay hindi na po marirepare
11:34dahil talagang wala nang pwede mapakinabangan doon sa piyesa noong e-bike.
11:40Doon mo ba talaga ang paradahan ng e-bike ninyo?
11:42Maraming pong pumaparada doon kasi yung po ay pilahan ng mga e-bike na pumapasada doon.
11:49Opo.
11:49Isa po ako sa pwede pila doon.
11:51Dahil sa nangyari, hindi na mapakinabangan ni Mang Dante ang e-bike
11:55na inaasakan niya pa namang dagdag pang kamuhaya.
11:58Nanlomo po talaga ako.
12:00Gusto ko na lang pong mungyari ay mapalitan ito o bayaran ang meron ko
12:04dahil ito lang po ang paraan ko para makatulong sa aking pamilya.
12:09Lalo na sa may mga anak akong mga nag-aaral.
12:12Dumulog ang inyong kapuso action man sa Meralco.
12:15Sa ngayon e, napalitan na ang bumagsak na poste sa lugar.
12:18Patuloy naman daw ang kanilang pangigipag-ungnayan kay Mang Dante.
12:22Nagsasagawa na rin ang assessment at investigasyon na kanilang insurance company.
12:25Bumihingi sila ng pangulawa dahil sa nangyari.
12:28Nangako ang Meralco kay Mang Dante na mariresolba ang issue sa lalong madaling panahon.
12:38Tuntutukan namin ang sumbong na ito.
12:40Para po sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
12:43o magtugo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive,
12:47corner sa Maravino, Diliman, Quezon City.
12:49Dahil sa anong magreklamo, paka-abuso o katumuliyan,
12:51tiyak may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
13:02Magandang gabi mga kapuso!
13:04Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo na trivia sa likod ng mga trending na balita.
13:08Naglitawan ka ba kailan ang tila maitim na tuldok sa isang dagat sa Meksiko?
13:12Na pagtitingda ng malapitan, libo-libo pa lang ang mga pawikan.
13:16Bakit kaya sila nagsilanguyan patungo sa dalampasigan?
13:23Sa drone footage na ito, nagkalata mga itim na tuldok sa Escobilla Beach Sanctuary sa Huasaca, Mexico.
13:29Pero sa malapitan, ang mga mistulang black spots, mga pawikan pala,
13:34na dumayo sa dalampasigan ng Huasaca para mang itlog.
13:37Ang pagdansa ng mga pawikan, isang mass-nesting phenomenon na kung tawagin,
13:42arribada.
13:42Salitang Espanyol ang ibig sabihin ay arrival o pagdating.
13:46Ayon sa mga otoridad, sa nakalipas ng 48 hours,
13:49libo-libong pawikan na ang katilang naspatan.
13:51Ito na rin daw ang pang-anim na arribada sa season na ito.
13:55Wala naman na magsimula ang arribada season nitong Marso.
13:57Tinatayang mahigit 330,000 na pawikan na ang dumating at nangitlog sa Beach Sanctuary.
14:03Pero may ideya ba kayo kung anong pawikan ang dumagsas sa Meksiko?
14:06Kuya Kim, ano na?
14:09Ang mga pawikang sama-samang nangitlog sa Southern Mexico,
14:12mga Lepido Kelly sa Olivacea o Olive Ridley Sea Turtle.
14:16Kaya Olive Ridley ang tawag sa kanila dahil yan ang kulay ng olive green nilang shell o carapace.
14:21Sila ang tinutuling na second smallest sea turtle in the world.
14:24Ang isang adult na Olive Ridley Sea Turtle,
14:26maali lang humaba ng 2 to 2.5 feet.
14:29Sila din ang isa sa most abundant sea turtle sa buong mundo.
14:32Tinatayang merong mayigit 800,000 nesting females
14:35na nagkalat sa katubigan ng Pacific, Indian at Atlantic Ocean.
14:39Pero ayon sa IUC and Red List, vulnerable ng status na mga pawikang ito.
14:44Mababaro kasi ang kanilang poporasyon ng 30-50% nitong mga nakaraang dekada.
14:49Dahil sa aksidente yung paghuli sa mga ito o yung tinatawag na bycatch,
14:53at pagdakip o pagpoach sa mga nesting na Olive Ridley Sea Turtle at kanilang mga itlog.
14:58Kung ang Olive Ridley Sea Turtle ang second smallest sea turtle sa buong mundo,
15:02ano naman kaya ang pinakamaliit?
15:08Ang may hawak ng titulo bilang pinakamaliit na pawikan sa buong mundo
15:12ang Lepidochelis kempi o Kemp's Ridley Sea Turtle.
15:16Ang isang adult na Kemp's Ridley Sea Turtle lumalaki lamang ng 23 hanggang 32 inches.
15:22Ang mga newborn hatchlings ng pawikan ito,
15:25kulay jet black o itim na itim,
15:27pero habang sila'y nagmamature,
15:29nagiging kulay olive at abo ang kanilang shell.
15:31At hindi lang sila ang pinakamaliit,
15:33sila rin ang pinaka-endangered.
15:36Samantala, para malaman ng trivia sa likod ng viral na balita,
15:38i-post o i-comment lang,
15:39Hashtag Kuya Kim, ano na?
15:41Laging tandaan, kimportante ang may alam.
15:44Ako po si Kuya Kim, masalot ko kayo 24 horas.
Comments

Recommended