Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakuhaan ng armas ang dalawang estudyante sa Apari, Cagayan.
00:04Sa inspeksyon kanina, nabisto ang dalang caliber .38 na baril
00:08ng isang grade 10 student sa Apari School of Arts and Trades.
00:13Kutsilyo naman ang bit-bit ng isa pang ka-eskwela.
00:16Depensa nila para ito sa kanilang seguridad laban sa kanila umanong kaaway.
00:22At dahil nga sa insidente, mas pinaiting ang seguridad sa mga paaralan sa Cagayan.
00:27Nasa kustudiya ng DSWD ang dalawa para sa counselling.
00:32Sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Francisco nitong Biarcoles,
00:37isang motorista ang muntik ng tangayin ng malakas na hangin sa Makatao, Batanes.
00:46Mga kapuso, dinig!
00:48Ang malakas na hampas ng hanging pahirap sa mga dumaraang motorista sa Paderes Viewpoint.
00:54Sa kuhang ito ni Yus Cooper G. Han, kitang dilipad pa ng hangin ng sot at chenelas ng isang rider.
01:00Nagtulong-tulong na lamang ang ilang motorista upang dahan-dahang makaandarang motorsiklo
01:04at pansamantalang maitabi muna sa gilid ng kalsada.
01:10Ininspeksyon ni Pangulong Bongbong Marcos ang bagong drainage system
01:14sa bahagi ng Araneta Avenue sa Quezon City.
01:17Ang dasing lagpastaong baha na inaabot ang ilang oras bago humupa.
01:22Minuto na lang daw ang hihintayin.
01:25Nakatutok si Iman Mayrina.
01:30Tumirik ang bus na ito sa taas ang bahang dulot na pagsasabay ng Super Bagyong Karina at Habagat
01:35sa Araneta Avenue sa Quezon City noong July 2024.
01:42Ang mga hindi na makalangoy palabas o makakiyat sa bubong ng bus,
01:45sinakluluhan ng mga residente.
01:49At naulit pa yan, nang bahayin ulit ang Araneta Avenue noong August 2025
01:53dahil lang sa thunderstorm.
01:56Kaya naglutangan ng mga sasakyan.
01:59Tuwing humupa ang baha, nalalantad ang problema.
02:03Sanda makmak na problema sa basura.
02:07Kaya naman isang Araneta Avenue sa mga pinatututukan ni Pangulong Bongbong Marcos
02:10para sa mga flood control project ng pamahalaan.
02:13Nang kausapin kanina mga taga-barangay tatalon na dinadaanan ng Araneta,
02:17sinabi nilang mukha efektib naman ang proyekto sa mga ulan nitong mga nakarakalinggo.
02:22Kung dati abot second floor, ngayon mas mababa na umanong baha kung meron man.
02:27At kung dati oras ang minibilang bago humupa, ngayon minuto na lang.
02:36Kung maalala ninyo, noong nakaraan, nandito rin kami, ipinakita natin yung napakalaki na mga tubo,
02:44na goma, na bago, na yun ang in-install natin dito.
02:50Para makapag-drain na mabilis at hindi na magbaha dito.
02:53Ayon sa Pangulo, kalahati pa lang ito sa Balakpampalawakin Drainage System sa Araneta.
02:57Sa dami ng basura, eh kailangan talaga meron tayong isang sistema para alam na natin kapag uulan na malakas,
03:06ay tiyaki natin na lahat ng basura ay makulikta.
03:10At pagkatapos ng ulan, ay may madadala pa rin basura, magdidiklaging ulit.
03:16Hindi naman tumitigil ang MMDA sa paglilinis, hindi lang sa Araneta, kundi sa buong Metro Manila.
03:21Pero pansamantalang ginhawa lang yan kung tuloy-tuloy ang hindi tamang pagtatapo ng basura.
03:26Sana po ay tulong-tulong po tayo, magpo tayong magtatapo ng mga saring-saring mga basura kahit saan-saan,
03:33dahil po ito ay mapasok sa mga drainage system, kaya nagkakaproblema po pagdating ng pagulan.
03:39As long na tama ang gagawin, hindi na nakawin ang pera, tama ang gagawin,
03:45tingin ko kahit papano, may iibsanta rin natin yung pagpahali.
03:48Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Oras.
03:57Sa Pilipinas, nagpapagaling ang Olympic gymnast na si Alea Finnegan na sumailalim sa tatlong surgery.
04:04Hindi naman napitigil ng recovery ang prano niyang suportahan ang grassroots gymnastics sa bansa.
04:11Let's get in the game with Martin Javier.
04:21After winning her third gold medal sa Southeast Asian Games last December,
04:27Balik Pilipinas ang elite gymnast at Olympian na si Alea Finnegan.
04:50Apat na buwan na natili si Alea sa Pilipinas noong nakaraang taon bilang paghahanda sa Southeast Asian Games sa Thailand,
04:57kung saan inuwi niya ang gold medal sa vault at bronze medal sa balance beam.
05:05Ngayon, recovery muna ang priority ni Alea matapos sumailalim sa tatlong surgery sa US early this year.
05:14I had my wrist and then both of my ankles worked on.
05:19So I got everything fixed up.
05:21I wanted everything done.
05:23But three surgeries in three months is a lot to deal with.
05:27Now it's just recovery, getting up my strength.
05:31Born and raised sa United States ang 23-year-old Phil Am.
05:35Noong 2022, naging bahagi siya ng Philippine team and made history bilang isa sa mga Filipina gymnast na nag-qualify
05:43sa 2024 Paris Olympics to represent the Philippines in 60 years.
05:49Sa ngayon, ayaw pang sabihin ni Alea ang mga sasalihang kompetisyon this year.
05:53But she definitely has her eyes on the LA 2028 Olympics.
05:58Honestly, I don't think that I would be able to do it without the support that I've been around for
06:04all of these years.
06:05You know, it's been four years since I started competing for the Philippines.
06:09Each time, it is such an honor.
06:12Gusto rin niyang mas tutukan at suportahan ang grassroots development ng gymnastics sa bansa.
06:18My goal for this next younger generation would to really just be to inspire them to just start gymnastics.
06:24I'm working with a lot of the gyms in the country to set up clinics, set up camps.
06:29You know, we're working with gyms all over the countries, actually.
06:33And so, I'm really excited to kind of have a bit more of a hands-on experience.
06:39Subukan nga natin ang hands-on gymnastics training with Alea.
06:42I'm gonna show you how to do a handstand first.
06:45Handstand?
06:46I'll show you first and then you go. Okay, ready?
06:48So you start with your hands here, lean, and kick.
06:54And then come down.
06:55Easy peasy, right?
06:57And kick.
06:59Hey, that was so much shorter!
07:01That was better. Okay.
07:03Next, ang front roll.
07:05One, two, three, go.
07:12And cartwheel.
07:13Hands down.
07:15And right foot.
07:16Right foot comes down first.
07:17And you have to finish.
07:20And go! Go, go, go, go!
07:22Yeah!
07:24That was so good!
07:27There you have it, mga kapuso.
07:28Today, we got to know our Olympian gymnast, Alea Finnegan.
07:32And she also got to teach us some of the basics in gymnastics, which we tried to do.
07:37You tried your best, and that's what matters.
07:39Okay.
07:39This has been Martin Avere.
07:41And I'm Alea Finnegan.
07:42Keeping you...
07:46In the game!
07:53In the game!
08:17Ang bunga kasi ng puno ng papaya na tumubo sa kanilang sagingan.
08:20Sa Alabino City, Pangasinan, ganito ang naging itsura.
08:23Ang papaya nag-feeling, saging.
08:26Kakaiba po siya.
08:27Parang talaga pong bunga po siya ng saging.
08:30Noong nakaraang taon daw, nang tinapon ni Adelberto ang mga buto ng kinain niya papaya
08:34sa sagingan sa likod ng kanilang bahay.
08:36Tumubo po silang lahat.
08:37May tumubong limang papaya sa sagingan,
08:41pero yung isa lang yung kakaiba.
08:43Doon po siya mismo tumubo sa namatay po naming saging.
08:47At nang nagsimula na raw itong mamunga,
08:49nagulat siya sa naging itsura ng mga bunga ng papaya.
08:51Kaya tinawag niya itong papaging o papayang saging.
08:55Meron din pong mga comment po na dahil daw po sa cross-pollination,
09:00naya daw po naging ganon.
09:01Kaya tinaabangan ko din po kung ano pong magiging itsura niya pag laki,
09:05kung magiging saging kuba talaga siya or papaya po.
09:09Pero posible nga po magkaroon ng malasaging na bunga ang isang puno ng papaya?
09:14Kuya King, ano na?
09:16Alam niyo ba na kapag magkalapit ang dalawang species ng halaman,
09:19maaring paghaluin ang kanilang pollen upang makalikha ng bagong uri ng halaman.
09:23Ang tawag dito, cross-pollination o cross-breeding.
09:27Halimbawa rito, ang tangyelo, pinaghalong tangerine at pomelo.
09:31At fluot, na pinaghalo namang plum at apricot.
09:36Maaring din mag-crossbreed ng halaman sa pamamagitan ng grafting.
09:39Maaring idugtong ang sanga ng isang puno sa ibang puno kung magkamag-anak ang mga ito.
09:44Pero hindi maghahalo ang bunga nila.
09:46Halimbawa, kung pinaghugbong ang orange at lemon,
09:49pamungunga ito ng orange sa isang sanga at lemon sa isang pang sanga.
09:53Sa kaso naman ng papaging o papayang saging,
09:55hindi daw ito produkto ng cross-breeding.
09:57Hindi daw normal ang pagtubo ng bunga ng papaya.
10:00Kaya ito nagbukhang saging.
10:02Hindi po pwede magbunga ng papaya ang isang saging
10:04kasi magkaibang species po sila ng halaman.
10:08So maaari po na yung pollen ng saging ay napunta dun sa papaya.
10:12So yan po ay pwede nangyari kasi pwede pong nadala siya ng hangin.
10:17Pero dahil magkaiba po sila na species,
10:19hindi po yun ang nakapollinate sa papaya.
10:23Hindi po maaari na naging hybrid.
10:26Ang tingin ko po ay papaya po siya
10:28pero kasi fluid po ang kanilang sexuality.
10:32So kapag po merong pagbabago sa temperatura,
10:36pagbabago sa kondisyon, sa weather,
10:38maaari po yun na mangyari.
10:40Pero ito naman ang punong na bumunga
10:42ng apat na pong iba't ibang prutas.
10:45Paano nangyari ito?
10:51Ito ang binansagang 3 of 40 fruits
10:54ang puno na may iba't ibang bunga
10:56kaya ng peach, apricot, plum, cherry at nectarine.
10:59Hindi kaya ito ng art profession mula
11:00Syracuse University sa Amerika na si Sam Van Aken.
11:04Hindi ito bunga ng genetic engineering o GMO.
11:07Sa halip na buo ito sa pamamagitan ng crafting.
11:10Nagsimula muna si Van Aken sa isang malusog na puno
11:13na nagsilbi niyang base.
11:15Saka siya nag-onekta ng iba't ibang uri ng puno.
11:18Ang malit na sanga ay ginraft o kinabit sa base tree.
11:21Inulit niyang proseso sa loob ng ilang taon
11:23hanggang sa nabuo niya ang 3 of 40 fruit.
11:27Napatubo at napamunga lamang ni Van Aken ang puno
11:29dahil lahat ng prutas na nakakabit
11:31ay varieties ng stone fruit.
11:33Dahil may logically related na mga ito,
11:35mas malaki ang chance ang magtagumpay ang grafting.
11:39Samantala, para malaban ng trivia sa likod ng varian na balita,
11:41i-post o i-comment lang.
11:42Hashtag Kuya Kim, ano na?
11:44Laging tandaan, kimportante ang may alam.
11:47Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 oras.
11:50Umakyat pa sa 235 ang nasawi sa magkasunod na magnitude 7.2 at 7.5 na lindol sa Venezuela.
12:05Mahigit 4,000 naman ang sugatan.
12:09Isa sa mga nasagip sa 24 oras ng search and rescue operations
12:13ang nalaking ito na nabagsaka ng gumuhong restaurant sa Laguayra State.
12:19Pero marami pang hinahanap at pinangangambahang natabunan sa mga gumuhong gusali at bahay.
12:25Posibleng 46,000 pa ang nawawala ayon sa isang website tracker.
12:31Hindi rin bababa sa walong ospital ang nawasak.
12:35Napinsala pati ang headquarters ng Venezuelan Red Cross.
12:39Nakikipag-ugnay na po ang gobyerno sa mga pribadong kumbanya
12:43para mapabilis ang rescue at pagdadala ng heavy equipment
12:47lalo na sa Laguayra at Caracas na itinuturing na disaster zone.
12:52Nagpadala na ng tulong sa Venezuela ang iba't ibang bansa
12:55gaya ng Amerika, Spain, Mexico, Panama, Chile at El Salvador.
13:00Batay sa predictive modeling ng United States Geological Survey o USGS
13:05e posibleng libo-libo ang nasawi dahil sa mga pagyanig.
13:11Mga kapuso, wala ng bagyo na umiiral sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
13:17Nakalabas na kasi pareho ang dalawang bagyo,
13:20ang Bagyong Francisco, bandang alas 7 kagabi at ang Bagyong Gardo.
13:24Pasado alas 9 ng umaga kanina.
13:26Pero dahil sa iba pang weather systems,
13:28gaya ng kabagat pati ang localized thunderstorms,
13:32may mga pag-ulam pa rin mararanasan sa mga susunod na araw.
13:35Base sa datos ng Metro Weather,
13:37may tsansa ng ulan bukas ng umaga sa Bataan, Zambales, Bicol at Palawan.
13:41May mga kalat-kalat din na ulan sa Visayas.
13:43Magsapit ng hapon, mas marami ng uulanin,
13:46kasama ang halos buong northern at central zone,
13:49ilang bahagi ng Bicol region at malaking bahagi ng Visayas at Menderau.
13:53Pusible ang matitinding bukos ng ulan na pwedeng magpabaka o magdulot ng landslide.
13:58Halos ganito rin ang panahon sa linggo.
14:00Mas mataas ang tsansa ng ulan sa hapon at gabi.
14:02Ganyan din sa Metro Manila, nananatili rin ang posibilidad ng ulan sa ngayon.
14:07Wala pang bagong sama ng panahon na nakikitang nagbabadyang makaka-affecto sa bansa,
14:12pero patuloy na mag-monitor dahil maaaring may panibagong low-pressure area
14:17na lumapit sa PAR sa mga susunod na araw.
14:26Trending ang recent photos ni Barbie Fortes na naka-wedding gown
14:29at may intriguing caption pa.
14:32Ano kaya ang meaning niyan?
14:33Itchitsika ni Nelson Canlas.
14:38Usap-usapan ang recent post ni Barbie Fortes na nakatraje de boda while walking down that church aisle.
14:45May dalawa pang singsing at ang caption niya,
14:48I've waited for this for so long.
14:51Nobody can ruin my big day.
14:53With a ring emoji pa.
14:56Na-intriga dito ang netizens, lalo na ang mga friends ni Barbie,
15:00na nag-congratulate pa sa kanya.
15:02Ang real na real bridal glow ni Barbie para sa pinagbibidahan niyang upcoming movie na Saving Cherry.
15:09Busy rin si Barbie sa upcoming series na Honor Thy Mother,
15:12kasama si negastar Sharon Cuneta,
15:15John Estrada at Khalil Ramos.
15:17Pero kapag off-taping, aside from running,
15:20cafe hopping at food trip,
15:22nanonood ng theater plays si Barbie.
15:24Napahanga si Barbie sa galing ng paglalahad
15:27at kabuluhan at halagaan ng theater plays sa ating bansa.
15:31It was so smart, it was so funny that you have to take it seriously.
15:36And that's all I have to say.
15:37The rest, you just have to see for yourself.
15:39Ayon sa Kapuso Actress,
15:41isa sa mga dati niyang pangarap ang umarte sa teatro.
15:45I just need to gather more courage and confidence maybe.
15:50And I guess, ano, I'm just wishing and hoping for a very good material na worth it talagang pagtuunan ng
16:03oras.
16:03Ang nakita natin yung finished product na eh.
16:05Pero yung paggawa niyan, mapususi talaga.
16:09So I think mas yun yung kailangan ko pang paghandaan.
16:12Nelson Canlas updated sa Shubis Happenings.
16:17Viral ang isang ambulansya ginamit ng anong pampasyal ng mga opisyal ng isang barangay sa Bulacan.
16:24Pero pagpalag ng kagawad na sakay nito,
16:27may ihahatid lang silang pasyenteng may anxiety attack.
16:32Nakatutok si Jonathan Andal.
16:35Ambulans, Barangay Baritan, San Miguel Bulacan.
16:39Viral ang videong ito ng ambulansya na may tatak ng Barangay Baritan, San Miguel Bulacan.
16:45Ayon sa uploader, kuha ang video sa St. Andrew Kim Taegon Shrine sa Bukawi noong June 19.
16:51Anya, akala raw niya may emergency roon.
16:53Pero nang bumaba ang mga sakay ng ambulansya, nagpa-picture lang sila.
16:58Nakita ko kasing ang sakay ng ambulansya is group of people.
17:03And then bumaba na sila, din ko na patunayan na hindi ito isang emergency.
17:08At isa lang siyang pleasure.
17:12At talagang mamama siya lang sila.
17:13Kung alam mo mga Fx, kung pasayero, sabahan, gano'n, gano'n yung setup.
17:20Nakausap ko sa telepono ang isa sa sakay ng ambulansya, isang kagawad ng Barangay Baritan.
17:25Hindi raw sila namamasyal.
17:27Dumaan lang daw sila sa simbahan na malapit sa pagdadalhan ng kasama nilang pasyente.
17:31Hindi po yung pasyal na ginawa po namin.
17:35Kinawa na rin po talaga namin yung pagkakataon kasi nandoon na po kami.
17:38Hindi pagkakataon, magpa-picture po talaga.
17:41Meron anyang anxiety attack ang pasyente.
17:44Nadadali nila sa bahay ng kamag-anak nito para manghingi umano ng tulong pinansyal pang pacheck-up.
17:49Pito raw silang magkakasama noon at pawang miyembro ng isang simbahan.
17:53At pinag-prayer healing nila ang kasamang pasyente.
17:56Paglilinaw pa niya sila ang nagpag-asulina sa ambulansya.
17:59Aminado rin daw siyang nagkamali sila.
18:23Aminado ang kapitan ng barangay Baritan na mali ang nangyari.
18:26Hiniram daw sa kanyang ambulansya nang nakausap namin kagawad na siya ring leader ng simbahan sa kanilang barangay.
18:44Pondo ng barangay at ng munisipyo ang pinambili ng ambulansya.
18:48Nang hingi na umano sila ng pasensya sa kanilang mayors.
18:50Sabi ni DILG Secretary John V. Cremulia, maituturing itong malversation of public property
18:55at dapat ihabla sa sangguni ang bayan ng kanilang munisipyo.
19:00Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.
19:03Nagkabarilan sa bahagi ng Bokawet Toll Plaza sa North Luzona Expressway kaninang hapon.
19:08Base po sa inisyal na impormasyon,
19:11enkwentro yan sa pagitan ng mga tauhan ng Bulacan Police at isang kumunoy robbery hold-up group.
19:17Dahil sa insidente, bumigat ang daloy ng trapiko sa bahagi ng NLEX na pinangyarihan ng insidente.
19:24Bumabot pa sa halos isang kilometro ang pila ng mga sasakyan kanina hanggang hubu pa sa tinatayang tatlong daang metro
19:32na lang.
19:33Nagpapatuloy pa ang investigasyon.
19:35Mga kapuso, tumangging humarap sa pagdinig ng Senado kaugnay ng Tacloban School Shooting,
19:42ang developer ng bayolenting online game na Gorebox.
19:45Eh, ano nga bang makikita sa larong ito na sinasabing kinahimalingan ng isa sa binatiliyong shooter?
19:52Nakatutok si Bea Pinlak.
19:57Sa unang tingin, mukhang pambatang computer game na mala Minecraft at Roblox.
20:02Pero...
20:03Welcome to Gorebox, where brutality knows no bounds.
20:08Ito ang Gorebox na likhan ng German game developer na F2 Games
20:12at libreng nadadownload para sa PC at Android devices.
20:16Dahil bayolente ang nilalaman, hindi na namin ipapakita ang ilang bahagi ng trailer.
20:21Pero kasama rito ang barilan, rambulan, at mga madugo at karumaldumal na misyon.
20:27Isa itong tinatawag na sandbox video game,
20:30kung saan pwede kang magdisenyo ng mga karakter
20:32at gumamit ng iba't ibang uri ng armas at pampasabog.
20:37Kaya ang Pan-European Game Information o PEGI,
20:40ang standard video game rating system ng Europa,
20:43binigyan nito ng rating na PEGI 18.
20:46Ibig sabihin, for adults only.
20:49Pero ang video game na ito,
20:51sinasabing kinahumalingan-umano ng isa sa estudyanteng shooter
20:55sa San Jose National High School sa Tacloban City.
20:59Kaya naman sa pagdinig ng Senate Committee on Women and Children
21:02sa susunod na linggo,
21:03hukol sa Tacloban School Shooting,
21:06gusto sanang ipatawag ni Committee Chairperson,
21:08Sen. Risa Ontiveros,
21:10ang developer ng Gorebox na si Felix Philip.
21:13Pero ayon kay Ontiveros,
21:15sa ipinadalang tugon ni Philip,
21:17tumanggi siyang humarap sa pagdinig.
21:19Dismayado si Ontiveros dahil marami pa naman daw
21:22sana siyang nais itanong sa game developer.
21:24Sabi pa ni Ontiveros,
21:26hindi naman niya sinasabing isang laro lang
21:28ang dahilan ng trahedyang ito.
21:30Pero kung meron daw online environment
21:32na maaaring naging bahagi ng pagkalantad
21:35ng mga bata sa karahasan,
21:37dapat daw siya sa atin ito.
21:39Sa pahayag naman na pinadala niya sa GMA News,
21:42sabi ni Philip,
21:43bagamat tumanggi siyang dumalo sa Senate hearing,
21:46handa naman daw siyang makipagtulungan
21:48sa hiwalay na imbistigasyon.
21:50Tulad daw ng ibang tao,
21:52gusto niyang ma-establish ang facts
21:54at sa abot ng kanyang makakaya
21:56ay tutulungan daw niyang mga otoridad sa Pilipinas
21:59na kanya na raw kausap.
22:01Bilang respeto raw sa pamilya ng mga biktima,
22:04hindi na raw siya magbibigay ng mga spekulasyon
22:06habang nangyayari ang imbistigasyon.
22:09Pero giniit niya,
22:10nilikha ang Gorebox para sa adult audience.
22:13Hindi raw ito nilikha
22:15para sa mga player na under 18 years old.
22:18Nauna rito ay pansamantala
22:20ng ipinagbawal ng CICC
22:21o Cybercrime Investigation and Coordinating Center
22:24ang Gorebox sa Pilipinas.
22:27Bea Pinlak,
22:28nakatutok 24 oras.
22:32Matatanggap lang na balita ni Yanig
22:34ng magnitude 6.6 na lindol
22:37ang Mindanao ngayong gabi
22:39ayon sa Freebox.
22:41Na itala ang epicenter niyan
22:42sa Malut Island sa Saranggani, Davao, Occidental.
22:46Patuloy pong umantabay sa GMA News
22:48at GMA News Online
22:50para sa karagdagang update.
22:57Bukod sa magagandang tanawin,
22:59babaunin din ni Kapuso star Ruru Madrid
23:02ang ilang mga natutunan sa Basilan
23:04nang ishoot ang kanyang unang cinema-layo film.
23:07Puspusa na rin ang kanyang paghahanda
23:09para sa seryeng Hari ng Tondo.
23:11Makichika kay Nelson Canlas.
23:17Ikinatuan ng netizens
23:18ang recent post ni Ruru Madrid
23:20sa pagbisita niya sa Basila
23:22Doon daw, nakilala niya
23:24ang mga kababayan nating sinusubaybayan siya
23:27simula pa noong ginagawa niya ang lolong.
23:30Nakuhanan rin niya
23:31ang ginintoang takip-silim sa lugar.
23:33Pati na ang magandang moonshot
23:35na tila win-welcome siya sa Basilan.
23:38Sa caption, ikinwento ni Ruru
23:40na feeling at home siya sa Mindanao
23:43lalo pat may tugong sambonggenyo siya.
23:46Sa IG post din,
23:48ipinakilala niya si Edgardo Reyes
23:50ang karakter na kanyang gagampanan
23:52sa 2026 Cinemalaya entry na Hand of God.
23:56Isang sundalo na ipinadala
23:59sa isang remote village sa Mindanao.
24:01Ayon kay Ruru,
24:03may manifest niya raw
24:04at tatupad ang makasali siya sa Cinemalaya.
24:07It's actually my first ever Cinemalaya film.
24:12Sobrang na-manifest ko to.
24:14Sana makagawa ko ng Cinemalaya.
24:15I'm very excited.
24:16It's a year of expansion
24:19at exploration
24:22kung ano pa ba yung kaya kong i-push
24:24sa sarili ko at sa limits ko.
24:26Grateful si Ruru
24:27sa mga bagong nakilala
24:29at mga kwentong babaunin daw niya
24:31habang buhay.
24:32Bukod sa pelikula,
24:34busy rin ang sparkle artist
24:35sa taping ng kanyang upcoming series
24:38na Hari ng Tundo
24:39kasama si kapuso drama king
24:42Dennis Trillo.
24:43Nelson Canlas
24:45updated sa Showbiz Happenings.
24:47Sampai jumpa.
Comments

Recommended