00:11.
00:30The Coalition for Disaster Resilient Infrastructure o CDRI na isang global partnership na tumutulong sa mga bansa sa pagtatayo ng
00:36mga infrastruktura na disaster resilient at handa sa epekto ng climate change.
00:41Sumali na ang Pilipinas sa koalisyon bilang ikapitumput isang miyembro.
00:44Parang sharing ito ng experiences ng mga members ng koalisyon in dealing with the disaster and how to be disaster
00:55resilient.
00:56So how to, for example, how to build roads, bridges, ports na disaster resilient.
01:04So tutulungan nila tayo, bibigyan nila tayo ng payo doon.
01:06At the same time, tutulungan din nila tayo to access financing, for example, to develop nga yung disaster resilience.
01:15Nakausap din ang Pangulo ang mga kinatawan ng Rail India Technical and Economic Service Limited para alamin ang mga posibleng
01:21partnership sa mga itatayang railway projects sa Pilipinas.
01:24Gaya ng Mindanao Railway Project, Mass Rail System sa Cebu at ang PNR Tutuban Extension.
01:31Interesado po sila sa ating mga railway projects tulad ng ating NSCR, Subway, Mindanao Rail.
01:39Nakausap din ni Pangulong Marcos Jr. ang mga opisyal ng Indian Space Research Organization kung saan na pag-usapan ang
01:45maaari nilang maitulong sa Philippine Space Agency o FILSA sa paglunsad ng sarili nating satellite sa hinaharap.
01:51The President is very interested to have a Philippine-India partnership in terms of satellite design that will address or
02:00that will help contribute doon sa ating weather monitoring, not just weather but hazards in general.
02:10Samantala nakipagpulong din ang Pangulo sa mga kinatawan ng tatlong Indian companies na makakatuwang ng Pilipinas sa larangan ng agriculture,
02:17healthcare, digital payments, aviation, artificial intelligence, telecommunications at iba pang technology-driven na mga industriya.
02:25Pinag-usapan ang mga potensyal na investments at trabahong malilikha nito sa Pilipinas.
02:30Ayon kay DTI Secretary Cristina Roque, nagpahayag ng kumpiyansa ang mga kumpanya sa mga pulisiyang pang-ekonomiya ng administrasyon at
02:38nagpahayag din ang kanilang intensyon na mapalawak ang kanilang operasyon sa Pilipinas.
02:42We were able to meet important companies that have already, they are already in the Philippines and they've expressed expansion
02:50plans. They are very positive about the economic policy of the President.
02:58Nasa India ang Pangulo para dumalo sa 18th BRICS Summit bilang ASEAN Chair ngayong taon.
03:03Bukod sa pagdalaw sa BRICS Summit, naging pagkakataon din ang pagbiyahing ito ng Pangulo dito sa India para makipag-ugnayan
03:09sa mga Indian business leaders at companies upang magbukas ng mas maraming oportunidad para sa Pilipinas.
03:15Mula rito sa New Delhi, India. Carlo Candelaria para sa Bayan.
Comments