00:00Hindi nao issue para sa ilang senador ang pag-alis sa bansa ng magkapatid na Sen. Alan at Pia Cayetano.
00:05Ayan sa isang senador may kinalama daw sa kalusugan ang kanilang pag-alis.
00:10Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:15Kagabi nagsimulang kumalat online ang mga imahe ng magkapatid na sina Sen. Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano
00:22na umano ay nasa International Departure Area ng Ninoy Aquino International Airport.
00:29Kaninang umaga nang galing sa Bureau of Immigration, ang kumpirmasyong umalis nga ng bansa ang magkapatid.
00:36Hindi sinabi kung saan papunta bilang paggalang sa kanilang privacy.
00:41Ayon sa BI, wala naman daw whole departure order o derogatory records laban sa kanila kaya sila nakaalis.
00:50Nang tanungin si Majority Leader Juan Miguel Zubiri, sinabi niyang may kinalaman sa kalusugan
00:55ang pangingibang bansa ng magkapatid na kayatano.
01:04Sinabi ni Sen. President Sherwin Gatchandian na kapag personal ang dahilan ng biyahe,
01:10hindi na kailangan magpaalam ng mga senador.
01:13Personal trip yun eh. We don't know kung ano yung reason.
01:16Walang policy na kailangan magpaalam ang person.
01:18Hindi pa kami nag-uusap eh. The last time kami nangkita nung may session,
01:24isap kami about certain bills.
01:26Matatanda ang nadadawit ang pangalan ni Sen. Alan Peter Cayetano sa kontrobersya,
01:32kaugnay sa pagpapagawa ng cauldron na binansagang kaldero na ginamit ng 2019 Southeast Asian Games.
01:41Iniimbestigan ito ngayon ng National Bureau of Investigation
01:44at sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na malapit na silang magsampa ng reklamo.
01:50Bukod dito, nagsasagawa din ang fact-finding investigation ng ombudsman
01:55sa mga dokumento at iba pang ebidensya na isinumitin ni Sen. Pantilo Lacson
02:00kaugnay naman sa reclamation project ng Taguig City sa bahagi ng Laguna Lake.
02:06Asawa ni Sen. Cayetano ang kasalukuyang mayor ng taguig, si Lani Cayetano.
02:12Kaya ang senador ang madalas na nagtatanggol sa proyekto.
02:16Wala pang pahayagang ombudsman tukos sa biyahe ng mga Cayetano.
02:21Sa kanyang social media post, sinabi ni Lacson na hayaan daw muna
02:26si Cayetano na mag-break mula sa mga issue na siya rin umano ang may kagagawan.
02:32Sa panayam naman ng media, sinabi rin ni Lacson na hindi naman issue sa ngayon
02:37ang paglabas nito sa bansa.
02:52Iba naman daw ito sa sitwasyon ni Sen. Loren Legarda
02:56na iniimbestigahan din para sa kasong plunder.
02:59Nang ibang bansa ang senadora matapos mag-file ng medical leave.
03:03Ayon sa ilang senador, may seryoso karamdaman ito at kasalukuyang nagpapagamot.
03:10Ginagawa niya ito every week.
03:12So, I would assume depende sa kanyang treatment at depende sa kanyang condition.
03:21In her case, hindi niya kinukuha yung kanyang sweldo.
03:25So, dapat may dahilan kung bakit.
03:30Ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
03:35Sa taguig, datunto na isang Australyano na wanted sa India
03:38dahil sa krimeng katumbas ng large-scale estafa sa Pilipinas.
03:42Arestado rin ng pitong bodyguard ng dayuhan na kinabibilangan ng retiradong sundalo
03:47at mga aktibong tauhan ng MMDA.
03:50Saksi, si John Consulta.
03:55Sa surveillance vision na ito ng mga nakasunod na operatiba sa Taguig City,
04:00kita ang convoy ng dalawang SUV habang may dalawang motorcycle escorts o hagad sa unahan.
04:06Buhaba ang isang dayuhan na binabantayan ng pitong nakabarong na bodyguards.
04:11Hinuli sila ng Bureau of Immigration, Fidget Research Unit o BIFSU at PNP.
04:20Target nila sa operasyon ang 52-anyos na Pugating Australian na may Interpol Red Notice.
04:26Nakuha sa kanyang mga bodyguard ang tatlong baril.
04:29Ayon sa BIFSU, wanted ang Australyano sa India
04:32dahil sa reklamong criminal conspiracy nakatumbas ng large-scale estafa dito sa Pilipinas.
04:38Dinadivert umano niya ang pondo ng isang kooperitiba sa India
04:42at tinangay ang mayigit 1.6 billion pesos.
04:45Matagal ng permanent resident dito sa atin.
04:49Sinasabi rin na yung kaso niya sa India ay lumabas lamang itong Marso, itong taong ito.
04:56Kaya agad nagpadala ng request sa atin ng Interpol upang siya ay hulihin.
05:00Kumita siya ng mahigit kumulang 27 million US dollars
05:04sa pamamagitan ng pag-forge ng mga peking dokumento at pagkuhan ng mga kontrata.
05:10Ayon sa mga otoridad, sa pitong inarestong bodyguard, isa ay retardo-sandalo ng Philippine Army.
05:17Tatlo sa kanila ay mga active na tauhan ng MMDA.
05:21Dalawa sa kanila, nagsisilbing driver ng mga hagan.
05:24Napag-alaman niya natin na itong mga protective agents niya ay walang kaukulang permits
05:29at napag-alaman din natin through coordination with MMDA na ang tatlo dito ay empleyado nila.
05:35Ayon sa improbasyon ng mga otoridad, taong 2013 pa rin gumagamit ng hagan at bodyguards
05:41ang dayuhan sa tuwing naririto sa Pilipinas.
05:43At dahil sa kanyang kaso, ayon sa BI, mare-revoke ang kanyang permanent resident visa.
05:50I-impound ng Land Transportation Office ang dalawang motrosiklong minamaneho
05:54ng dalawang MMDA personnel dahil sa mga di-autorizadong blinkers, wang-wang at peking plaka.
06:00Kung mapapansin nyo, halos pareho yung MB file number.
06:04Nag-cap mali lang sa isang digit. Imposible pong mangyari yun.
06:09Kaya nung pag-verify namin, peke itong dalawang ito.
06:12So wala siyang record. Hindi siya talaga MB file ng isang motrosiklo.
06:20Ayon kay MMDA Chairman Attorney Rolando Artes, gumugulong na ang kanilang imbisikasyon
06:25at hindi kukonsintihin ng MMDA ang maling gawain.
06:30Ako, si John Consulta, ang inyong saksi!
06:34Naghihintay ng medical clearance ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP
06:39bago mailipat sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas si dating House Speaker Martin Romualdez.
06:45Git po nila walang special treatment para sa kongresista.
06:49Saksi, si Maki Pulido.
06:54Simula ngayong araw, Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na ang may kustudiya
06:59kay dating House Speaker Martin Romualdez.
07:02Bandang alas dos e media kaninang hapon,
07:04halos magkasunod na dumating ang mga transport vehicle ng BJMP
07:07sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.
07:11Base sa inilabas na commitment order ng Sandigan Bayan 3rd Division,
07:15ikukulong si Romualdez sa BJMP Quezon City Male Dormitory sa Payatas, Quezon City,
07:21kung saan nakakulong din ng iba pang isinasangkot sa flood control scandal.
07:25Ang bilin ng anti-graft court, hindi maaaring ibiyahe, ilipat o palayain si Romualdez
07:31nang hindi nito iniuutos.
07:33Sabi ng BJMP sa isang pahayag, agad nilang ilipat si Romualdez
07:37oras na bigyan siya ng medical clearance.
07:40Hindi rin daw nila bibigyan ng special treatment ang kongresista.
07:43Hindi rin daw niya solo ang selda.
07:46Para handa lang po ang BJMP in any eventuality,
07:50meron po definitely may makakasama po siya doon,
07:53kung ano meron doon sa flood control, accused,
07:56pati yung other high-profile PDL natin, same,
07:59pare-pareho lang kung ang design ng selda doon.
08:01At sakaling kailanganin ng dating speaker,
08:03meron naman daw silang medical facility sa city jail.
08:06Meron po talaga ang medical facility,
08:08o ang tawag namin ay infirmary sa loob mismo ng jail.
08:12May in-house medical doctor tayo at nurses na 24-7,
08:16round the clock na sa facility naman din.
08:19Sa ngayon, nasa Cardinal Santos Medical Center pa rin si Romualdez,
08:23habang dinidinig pa ng korte ang muson niya
08:26para sa patuloy na hospital confinement.
08:29Sabi ng PNP Public Information Office,
08:31hindi medically fit bumiyahe ang dating speaker
08:33base sa pinakahuling medical certification mula sa kanyang mga doktor,
08:37kaya wala siya sa pagdinig kanina.
08:40The patient is medically unfit to travel outside the hospital as of now
08:44to physically appear for the Sandigan Bayan.
08:47Yung po ang inilabas nilang certification.
08:51Pero humarap naman sa Sandigan Bayan
08:53ang ipinasubi ng doktor ni Romualdez.
08:55Tinawag ni Dr. Kurt Allen Sibayan na unusual
08:58o hindi pang karaniwan ang nangyari.
09:01Kahit daw kasi siya ang nakalagdang admitting doctor,
09:04hindi niya raw na check up si Romualdez.
09:06Ipinagbawal umano ito ng main attending physician ni Romualdez
09:10na si Dr. Rosalio Torres.
09:12Ibinigay na lang daw sa kanya ni Dr. Torres
09:15kung ano isusulat sa medical abstract.
09:17At wala naman daw nakalagay doon na kailangan ng hospital confinement.
09:21Hindi rin daw emergency case si Romualdez.
09:24Nang dumating daw sa hospital si Romualdez,
09:27hindi siya dumaan sa emergency room.
09:28At dumerecho na lang ito sa kanyang hospital room.
09:31Ayon naman kay Dr. Torres,
09:33Noong September 7, araw na inisyo ang arestwarang kay Romualdez,
09:36tumawag ang staff ng dating speaker
09:38bandang alas 9 hanggang alas 10 ng umaga
09:41dahil sumasakit daw ang dibdib nito.
09:43Alas 4 na ng hapon na magpunta si Romualdez sa hospital.
09:47Within normal naman daw ang resulta ng mga test.
09:50Pero pinaconfine daw nila ito para ma-evaluate ang kalusugan
09:53at maaaring anumang oras ay pwede umano siyang atakihin sa puso.
09:57Kailangan rin daw ng monitoring ng kanyang puso
10:00at mahalagang mabantayan ng psychiatrist
10:02dahil stress daw ang dating speaker.
10:05Pero inamin din niyang kung gagamit ng ambulansya,
10:08kakayanin naman itong bumiyahe.
10:10Para sa Department of the Interior and Local Government o DILG,
10:14kung kailangan daw talagang ma-ospital ng mambabatas,
10:17dapat daw sa PNP General Hospital,
10:19isang police facility sa loob ng Camp Crame
10:22kung saan nakahanda na raw ang kwarto para kay Romualdez.
10:25Bukas itutuloy ang hearing sa motion for confinement.
10:29Ako si Maki Pilido, ang inyong saksi!
Comments