00:00Nangako ng Full Transparency ang shipping line na namamahala sa barkong nasunog sa Coron, Palawan.
00:06Ating saksiha!
00:10Umusog pa ang MB June Astor hanggang alas 2 ng hapon kanina.
00:14Hanggang ngayong gabi, hindi pa ito mapasok ng mga tauhan ng Coast Guard.
00:188.30 ng gabi nitong Martes, umalis ang MB June Astor sa Port of Baseco sa Maynila.
00:24Ayon sa kumpanyang may-ari nito na Atienza Inter-Island Ferries Incorporated.
00:29Ang kanilang destinasyon, pantalan ng Corona, sa lalawigan ng Palawan.
00:34September 9 ang inaasahang pagdating sana nito.
00:37Pero nagkasunog ang barko sa bandang 7.6 nautical miles mula sa barangay Turda sa Corona.
00:44Bago mag-6.45 ng gabi, natanggap ng Coast Guard Palawan ang distress call o ulat kaugnay nito.
00:50Agad daw silang nag-deploy ng rescue.
00:52Pero sadyang napakabilis daw ng pangyayari.
00:55O 86 ang patuloy na hinahanap.
00:58Inaalam din ng Coast Guard kung totoong may mga dayuhang kasama sa barko.
01:02We interviewed one survivor because that is really the intention for us to know where to start.
01:08Accordingly, nakarinig daw po ito sila ng isang malakas na pagsabog at nagkaroon ng usok and then sumunod po yung
01:18apoy.
01:19And then as per the testimony of the survivor, napakabilis daw po nang nangyari.
01:24After seconds, bigla po kumalat yung apoy. Yun na po ang nangyari.
01:29Patuloy na umaasa ang PCG na marami pang matatagpo ang buhay.
01:34Pusibling napadpad po sa mga kalapit na mga shorelines and coastal barangays.
01:39Itong mga pasahero, we are also in close coordination with the coastal barangays po.
01:44Pero hindi rin inaalis ang malagim na posibilidad na marami ang hindi nakaligtas.
01:49Yes, we are not discounting the possibility. Kaya napaka-importante po talaga binabanggit po natin kanina
01:55na after po ma-rule na fire out po ito ay mag-go on board na po ang ating mga
02:02tauhan.
02:04Doon sa rescue efforts po natin kagabi, yung iba po ay wala.
02:10Walang life jacket.
02:11Ang tinitingnan po natin reason is nabanggit nga po ng crew kanina.
02:17Nung natanggap, nung narinig yung malakas na pagsabok, biglang may umusok, biglang nag-apoy.
02:23So ang tendency po is tumalon.
02:26Lahat ng posibilidad ay titignan daw sa investigasyon.
02:29Hindi rin inaalis ang anggulong terorismo.
02:32Titignan din ang laman ng cargo hold kung saan sinasabing nagsimula ang pagsabok.
02:36Kung base lang sa dokumentong isinumitin ang kapitan ng barko bago maglayag,
02:41laman ng cargo hold ang limang motorsiklo, isang electric vehicle, isang forklift at isang pick-up.
02:47Lumalabas na hindi overloaded ang barko kung passenger manifest ang basihan.
02:52134 ang sakay nito, habang 333 ang deklaradong kapasidad.
02:57This vessel underwent a compliance inspection.
03:04Nagkaroon po ng Vessel Safety Enforcement Inspection on March 10, 2026.
03:11At base po doon sa inspection na yun ay naging compliant naman po.
03:16Hindi isinasantabi sa investigasyon ang posibleng pananagutan ng may-ari ng barko.
03:20Ang Atienza Inter-Island Ferris Incorporated, iginiit na nakikipagtulungan na sa mga otoridad para matukoy ang mitya ng apoy.
03:29Nangako rin sila ng full transparency.
03:31Hindi raw mapapatid ang paghahanap pa sa mahigit 80 nawawala.
03:35Binigyan na raw ng kaukulang atensyong medikal ang 43 nasugatan at nailigtas.
03:40Nag-deploy na rin daw sila ng specialized care teams para alalayan ang pamilya ng mga nakaligtas at nawawala.
03:47Ako, si Jamie Santos, ang inyong saksi.
03:52Ako, si Jamie Santos, ang inyong saksi.
Comments