00:00Nagiintay ng Medical Clearance ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP
00:04bago mailipat sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas
00:08si dating House Speaker Martin Romualdez.
00:10Git po nila walang special treatment para sa kongresista.
00:14Saksi, si Mackie Pulido.
00:19Simula ngayong araw, Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na ang may kustudiya
00:24kay dating House Speaker Martin Romualdez.
00:27Bandang alas 2.30 kaninang hapon, halos magkasunod na dumating ang mga transport vehicle
00:32ng BJMP sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.
00:36Base sa inilabas na commitment order ng Sandigan Bayan 3rd Division,
00:41ikukulong si Romualdez sa BJMP Quezon City Mail Dormitory sa Payatas, Quezon City,
00:46kung saan nakakulong din ng iba pang isinasangkot sa flood control scandal.
00:51Ang bilin ng anti-graft court, hindi maaaring ibiyahe, ilipat o palayain si Romualdez
00:56nang hindi nito iniuutos.
00:58Sabi ng BJMP sa isang pahayag, agad nilang ililipat si Romualdez
01:02oras na bigyan siya ng medical clearance.
01:05Hindi rin daw nila bibigyan ng special treatment ang kongresista.
01:09Hindi rin daw niya solo ang selda.
01:11Pakahanda lang po ang BJMP in any eventuality.
01:15Meron po, definitely may makakasama po siya doon.
01:18Kung ano meron doon sa flood control accused.
01:22Pati yung other high profile PDL natin, same.
01:24Pare-pareho lang po ang design ng selda doon.
01:26At sakaling kailanganin ang dating speaker,
01:29meron naman daw silang medical facility sa city jail.
01:32Meron po talaga medical facility o ang tawag namin
01:34nag-infirmary sa loob mismo ng jail.
01:37May in-house medical doctor tayo at nurses na 24-7.
01:42Round o'clock na sa facility naman din.
01:45Sa ngayon, nasa Cardinal Santos Medical Center pa rin si Romualdez
01:48habang dinidinig pa ng korte ang muson niya
01:51para sa patuloy na hospital confinement.
01:54Sabi ng PNP Public Information Office,
01:56hindi medically fit bumiyahe ang dating speaker
01:59base sa pinakahuling medical certification mula sa kanyang mga doktor
02:03kaya wala siya sa pagdinig kanina.
02:05The patient is medically unfit to travel outside the hospital as of now
02:09to physically appear for the Sandigan Bayan.
02:16Pero humarap naman sa Sandigan Bayan ang ipinasubinang doktor ni Romualdez.
02:21Tinawag ni Dr. Kurt Allen Sibayan na unusual o hindi pang karaniwan ang nangyari.
02:26Kahit daw kasi siya ang nakalagdang admitting doctor,
02:29hindi niya raw na check up si Romualdez.
02:32Ipinagbawal umano ito ng main attending physician ni Romualdez na si Dr. Rosalio Torres.
02:38Ibinigay na lang daw sa kanya ni Dr. Torres kung ano isusulat sa medical abstract.
02:42At wala naman daw nakalagay doon na kailangan ng hospital confinement.
02:47Hindi rin daw emergency case si Romualdez.
02:50Nang dumating daw sa hospital si Romualdez,
02:52hindi siya dumaan sa emergency room.
02:53At dumiretsyo na lang ito sa kanyang hospital room.
02:57Ayon naman kay Dr. Torres,
02:58noong September 7, araw na inisyo ang arestwarang kay Romualdez,
03:02tumawag ang staff ng dating speaker bandang alas 9 hanggang alas 10 ng umaga
03:06dahil sumasakit daw ang dibdib nito.
03:08Alas 4 na ng hapon na magpunta si Romualdez sa ospitay.
03:12Within normal naman daw ang resulta ng mga tests.
03:15Pero pinaconfine daw nila ito para ma-evaluate ang kalusugan
03:18at maaaring anumang oras ay pwede umano siyang atakigin sa puso.
03:22Kailangan rin daw ng monitoring ng kanyang puso
03:25at mahalagang mabantayan ng psychiatrist
03:27dahil stress daw ang dating speaker.
03:31Pero inamin din niyang kung gagamit ng ambulansya,
03:33kakayanin naman itong bumiyahe.
03:35Para sa Department of the Interior and Local Government o DILG,
03:39kung kailangan daw talagang ma-ospital ng mambabatas,
03:42dapat daw sa PNP General Hospital,
03:45isang police facility sa loob ng Camp Crame
03:47kung saan nakahanda na raw ang kwarto para kay Romualdez.
03:50Bukas itutuloy ang hearing sa motion for confinement.
03:54Ako si Maki Pilido, ang inyong saksi!
Comments