00:00Sugata ng isang lalaki sa Kaloocan matapos saksakin ng lalaking nagtangkang nakawin ang kanyang cellphone.
00:08Arestado ang sospek na kabaranggay ng biktima.
00:11Balitang hatid ni Gabrielle Gonzalez.
00:16Wala pong patawad at wala pong pasensya na tinatanggap yung pamilya namin sa ginawa niya sa kapatid ko.
00:24Galit ang 23-anyos na si Alias Jackie sa sinapit ng kanyang kapatid sa barangay 21 Kaloocan nitong Sabado ng
00:33gabi.
00:33Ang 18-anyos na biktima, kagagaling lang umano sa gym kasama ang kanyang kaibigan nang saksakin siya ng isang lalaki.
00:42Ayon sa pulisya, nakasalubong ng biktima at kanyang kaibigan ang sospek sa madilim na bahagi ng C3.
00:48Tinangka umano ng sospek na nakawin ang cellphone ng magkaibigan.
00:52Nang mabigo, pinagsasaksak na niya ang biktima.
00:56Nagtanong yung sospek sa kanila kung anong ginagawa nila doon.
01:00Ngayon inignore nung dalawa, kaya nagkaroon na nagalit itong sospek.
01:06Nakauwi pa sa kanilang bahay ang biktima bago siya naisugod sa ospital.
01:10Madaling araw nitong linggo, natunto ng mga otoridad ang sospek sa barangay 21 rin.
01:17Narecover sa kanya ang kutsilyong ginamit sa krimen.
01:19Ino-obserbahan pa sa ospital ang biktima na nagtamu ng mga saksak sa kamay at tagiliran.
01:26May mga sinasabi po yung doktor na kailangan pa pong procedure na gawin sa kapatid ko in case na hindi
01:33po siya makaduminang maayos po.
01:37Kinakatakot po namin na baka po balikan po yung pamilya namin, baka pupuntahan kami or saktan pa po yung pamilya
01:44namin.
01:45Nakakulong na sa Caloocan City Police Station ang sospek na maaharap sa reklamong attempted robbery at frustrated homicide.
01:53Sinusubukan pa namin siyang hingan ng pahayag.
01:56Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.