00:00Binaligtad ng Korte Suprema ang hatol na guilty ng Sandigan Bayan kay dating First Lady Imelda Marcos sa seven counts
00:06ng graft.
00:07Sa hatol ng Sandigan Bayan noong November 2018, nakasaad na habang may hawak na pwesta sa gobyerno mula 1978 hanggang
00:151986,
00:17nakinabang umano si Ginang Marcos sa pitong Swiss foundations.
00:20Pero sa decision ng Supreme Court First Division, sinabi nitong hindi na authenticate ng maayos ang mga dokumento mula Switzerland.
00:27Hindi rin daw nakapagpresenta ang prosekusyon ng mga credible witness para patotohanan na mga foundation ay mga negosyo.
00:34Hindi sakop ng desisyong ito kung ilgaten ba ang mga asset na nasa mga Swiss foundation.
00:40Hiwalay na civil case kasi ito. Wala pang bagong pahayag si Ginang Marcos tungkol sa desisyon.
00:46Ikinadismayan ng August 21 movement o ATOM ang desisyon ng Korte Suprema.
00:51Sabi ng grupo ang mga ganitong desisyon ang dahilan kung bakit wala pa rin nakukulong na Marcos.
00:56Hindi daw titigil ang kilusan hanggat hindi na iwawasto ang kasaysayan na anilay binago ng mga administrasyong Marcos at Duterte.
01:04Paalala nila sa Korte Suprema, lahat ng kapangyarihan at otoridad sa bansa ay nanggagaling sa mamamayang Pilipino.