00:02Pum dati, sapat na para sa pamilya ni Nena Revoltan ang sandibong piso para sa apat na araw.
00:09Ngayon, hindi na raw ito uubra dahil sa taas ng bilihin gaya ng isda at gulay.
00:15Nahirapan na po kami magbudget. Kunti na lang bibiliin. Dapat dalawang kilo, isang kilo na lang.
00:20Sa Mega Q Mart sa Quezon City, nagmahal ang isda. Ang pampano na dating P380 kada kilo, ngayon P450 na.
00:30Wala naman P230. Mabibili na ngayon sa P250 ang per kilo ng malaking bangus.
00:38Habang ang maliliit naman na bangus, nagtaas ng P30 at ngayon P230 per kilo na.
00:45Tumaas din ng P20 to P60 ang presyo ng iba pang isda, gaya ng galunggo, dalagang bukid at sapsap.
00:52Ayon sa nagtitinda ng isda, mga isdang dagat lang umano ang medyo mababa ang presyo.
00:58Hindi pa naman ganang natumaas yung isdang dagat. Kasi ayawang ko lang sa sunod na araw kasi wala na rin
01:05mapakiyaw dun eh. Baka mga sunod na araw.
01:08Itinuturong dahilan ng mga nagtitinda sa pagmahal ay ang masamang panahon at ang mga pagbaha.
01:14Kung tumahas, kumunti ang kita kasi nahirapan din po yung consumer.
01:18Kwento naman ang mga pahinanting nagde-deliver ng mga isda sa Mega Q Mart sa Quezon City.
01:23Pahirapan ngayon ang pagdeliver ng mga isda.
01:26Siguro sa baha, malalang makatawid yung mga biyahero. Kaya kunti lang yung nakatawid.
01:38Nag-a-adjust na lang po sa mga bibilin para po magkasya.
01:43Tipid-tipid na lang tayo sa budget sa ulam.
01:46Bukod sa isda, tumaas din ang presyo ng ilang gulay.
01:50Gaya ng repolyo, patatas, sayote at pechaybagyo. Bunsod ng mga pagulan.
01:57Sa sobrang ulan po, nasira po yung mga pananim nila.
02:01Mas marami po yung nasira kaysa yung naibibiyahe nila.
02:04Kaya mataas po ang gulay. Napending pa po sa mga biyahe.
02:08Katrina Son, Nakatutok, 24 Oras.
02:12Kaya mataas po ang gulay.
Comments