00:00Nabulabog ang ilang hihingi sana ng assistance sa Manila City Hall.
00:05Matapos masunog ang bahagi ng opisina ng BCL Calderon, nakatutok si Jomer Apresto.
00:15Ganyan na kalaki ang apoy na dinatna ng mga bumbero sa loob ng Manila City Hall, pasado alas 6 ng
00:21umaga kanina.
00:22Nabalot ng usok ang open grounds ng City Hall at maging ang ground floor ng bahaging ito.
00:27Kinailangan pang gumamit ng malalaking exhaust fan ng mga bumbero para mailabas sa makapal na usok na bumalot naman sa
00:33second floor.
00:34Kaya ang ibang bumbero, gumamit din ang oxygen tanks o breathing apparatus.
00:39Ang mga senior citizen at PWD naman na nakapila sa labas ng City Hall para sana humingi na assistance sa
00:44LGU,
00:46napatakburaw nang makita na biglang nagliyab ang ikalawang palapag na bahagi ng City Hall.
00:50Nakita namin umuusok, tapos mamaya may apoy na, ang laki apoy.
00:55Di nagtayuan kami, umalis kami sa pila, tinisinilip namin, e walang bumbero.
01:01Pero mga engineering nandyan.
01:03Dahil sa nangyari, minabuti ng LGU na ikansila na muna ngayong araw ang schedule sa paghingi ng assistance sa MDSW.
01:14Ayon sa Manila Fire District, partikular na nasunog ang bahagi ng Office of the Vice Mayor.
01:20Pero wala naman daw makakalagang dokumento sa nasabing opisina ang nasunog o nabasa ng tubig.
01:25Nung napasok namin ng Office of the Vice Mayor, yung area na tinumbok namin kung saan mismo may apoy, may
01:33malaking usok, yung kitchen area.
01:36So yun po yung medyo affected na area sa incident po.
01:40Hindi na po ito naka-affect sa labas sa iba pang area.
01:44Nagkaroon na lang po ng kunting water damage po doon sa ibang area kasi medyo mausok kanina nung unang pinasok
01:51yung area.
01:51Ayon sa Manila Fire District, kabilang sa iniembesigahan nila ang posibilidad na napabayaang aircon ang pinagmulan ng apoy.
01:59Base sa impormasyon ng Manila BFP, umabot sa unang alarma ang sunog na tumagal na mahigit kalahating oras bago naapulan
02:05ng alas 6.21 ng umaga.
02:07Wala namang napaulat na nasaktan sa nangyari.
02:10Agad din tumulong ang mga taga City General Services Office para maglimas ng tubig na naipon sa ground floor ng
02:15gusali
02:16upang maayos na makapaglakada mga empleyado at may appointment sa iba't ibang tanggapan dito.
02:21Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng Manila LGU kaugnay sa nangyari.
02:27Jomer Apresto Nakatutok 24 Oras
02:31May abiso mula kay Manila City Vice Mayor T. Atienza,
02:35talabas muna ng kanyang opisina ay pagpapatuloy ang pamamahagi ng assistance para sa mga residente simula bukas.
02:43Ayon kay Etienza, naghihintay pa sila ng clearance mula sa Bureau of Fire Protection para mapasok ang nasunog na tanggapan.
02:51Kailangan pa nilang maayos ang opisina at maibalik sa normal ang kanilang operasyon.