Skip to playerSkip to main content
Sen. Lacson – ‘di bababa sa ₱3.7-B ang nasayang na public fund sa umano’y ilegal na Taguig reclamation 


Sinabi ni Sen. Ping Lacson na hindi bababa sa ₱3.7 bilyon ang nasayang na pera ng taumbayan dahil sa umano’y ilegal na reclamation projects ng Taguig City sa Laguna Lake.


Ipinatigil na ng Philippine Reclamation Authority ang mga proyekto pero nang puntahan kanina ng GMA News, nakitang halos tapos na ang ginagawang pagtatambak.



24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinabi ni Sen. Ping Laxon na hindi bababa sa 3.7 billion pesos
00:04ang nasayang na pera ng taong bayan dahil sa umunoy illegal na reclamation projects
00:09ng Taguig City sa Laguna Lake.
00:11Pinatigil na ng Philippine Reclamation Authority ang mga proyekto
00:14pero nang puntahan ka rin na ng GMA News, nakitang halos tapos na ang ginagawang pagtatambak.
00:21Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:26Hinto muna ang trabaho sa kontrobersyal na reclamation projects ng Taguig City sa Laguna Lake
00:32sa utos ng Philippine Reclamation Authority o PRA.
00:36We already issued the CDO as ordered, not requested, as ordered by the Office of the President
00:44through the Philippine Reclamation Authority kasi ang PRA under the Office of the President yan.
00:49Aligasyon ni Sen. Panfilo Laxon sa isang online post,
00:54hindi bababa sa 3.7 billion pesos ang nasayang na public fund
00:59sa umunoy illegal na Taguig Reclamation.
01:02Hindi raw bababa sa apat na umunoy illegally reclaimed land sa Taguig City
01:07ang nabigyan ng umunoy questionable land title
01:11habang meron din umanong apat na walang plotted title lots sa Land Registration Authority.
01:17Nang puntahan namin kanina, makikitang malaking bahagi na rin ang reclamation
01:22ang tila tapos na ang pagtatambak.
01:25Malayo ito sa estado ng proyekto noong October 2025
01:29at kung noon dalawang gusali pa lang ang tapos,
01:33ngayon patapos na ang mga ito at meron pang dalawang itinatayo.
01:38Sa ilang nakapaskil na tarpaulin, makikita ang budget ng iba't ibang phase
01:43ng proyekto na DPWH ang Implementing Agency.
01:47Ang mga gusali, kahilera ng mga naonang proyekto ng Taguig sa lugar
01:53gaya ng park, playground at iba pa.
01:56Sabi ni Laxon, isusumiti niya sa ombudsman ang panibagong ebidensyang nakalap niya.
02:01Pinagsusumiti naman ng PRA and DPWH ng kompletong imbentaryo ng mga proyekto sa Laguna Debay
02:09na may reclamation components.
02:11Pinasusumiti rin ng katibayan kung saan galing ang otoridad para magsagawa ng reclamation.
02:17Nagpatawag na ang meeting ang iba't ibang stakeholders kasama na ang City of Taguig plus LLDA and PRA.
02:27And let's just discuss it kung ano ba talaga kung meron ba ang mga problema dyan
02:33and then alamin natin kung anong way forward.
02:36But lahat yan, effective immediately.
02:39Hininga namin ang pahayag si Taguig Mayor Lani Cayetano at ang Taguig LGU pero wala pa itong tugon.
02:45Pero sa post ng mister ni Mayor Cayetano na si Sen. Alan Peter Cayetano,
02:50sinabi nitong puno ng potensyal ang lakeshore at nais nilang patuloy na mag-transform
02:55kaya lugarro ito ng events, health, education, leisure at iba pa.
03:00Sinabi rin niyang dapat daw pagkahanap ng totoo ang pakay ng mga imbestigasyon
03:06at hindi umano pagigiganting politikal.
03:09Tinawag ni Cayetano na political persecution
03:11ang ginagawa ni Laxon na kombinasyon daw ng demolition job, witch hunt at trial by publicity.
03:18At kung may ebidensya sa DPWH, Taguig o sa kanya,
03:22hayaan daw ang ombudsman na gawin ang trabaho nito.
03:25Hininga namin ang reaksyon dito si Sen. Laxon.
03:28Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.
Comments

Recommended