00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Huli sa Maynila, ang isang lalaking nagbebenta umano ng mga peking dokumento ng Land Transportation Office o LTO.
00:13Langkong Certificate of Registration ang alok ng suspect na delikado dahil posibleng mga gamit para palabasin legit ang mga nakaw
00:21na sasakyan.
00:22Naaresto ang suspect malapit sa mismong sangay ng LTO sa Maynila pero nag-ooperate umano hanggang Calabar Zone at Central
00:29Luzon.
00:30Yan ang aking tinutukan exclusive.
00:36Walang kaalam-alam ang lalaking suspect na ang babaeng katransaksyon niya, aset pala ng pulisya.
00:43Ang entrapment sinet sa isang restaurant di kalayuan sa sangay ng Land Transportation Office o LTO sa Tayuman, Maynila.
00:50Naging hudyat ng paghuli ang pag-abot sa suspect ng bayad mula sa polis aset.
00:57Noon ang hinuli ang lalaki ng mga operatiba ng Task Force Limbas ng Philippine National Police Highway Patrol Group o
01:04PNPHPG.
01:07Nagbebenta umano siya ng blankong Certificate of Registration ng LTO.
01:12Ang area of operation po nito dito po sa NCR at umaabot po ito sa Region 4A at sa Region
01:193.
01:20May mga complaints na tayo before of the same operande, kaya lang ito, mas marami po ito.
01:25Ayon sa HPG, ang iligal na pagbebenta ng mga peking LTO documents ay nakatutulong sa mga sindikatong sangkot sa karnaping.
01:34Ito kasi ang ginagamit para palabasing legit ang mga nakaw na sasakyan para maibenta nila.
01:40Ang buyer ay makikita niya na parang totoo itong mga ORCR na ito kung saan ang mga pangalan at ibang
01:46detalye na halos parehas po ng original.
01:48Pero meron po mga security features ang LTO na wala doon sa mga fake ORCR.
01:54Ang pinagkaiba lang po nito is yung texture ng papel at yung original na ORCR ay hindi talaga kamuka nitong
02:00fake na ORCR.
02:01No comment ang suspect.
02:02Ang mga ebidensya naman hawak na ng HPG.
02:06Nakikipag-coordinate na sila sa Land Transportation Office para matukoy kung saan ito galing.
02:11Coordinated po tayo sa lahat ng ahensya ng gobyerno kung saan itong mga papel kung saan nanggagaling.
02:17Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.
Comments