Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong August 31, 2026


-Ilang motorista na pa-norte, naipit sa trapik sa bahagi ng NLEX-San Simon dahil sa abot-hitang baha

-NLEX Corp.: Iwasan munang dumaan sa NLEX kung hindi rin naman importante ang biyahe ngayong matindi ang trapik doon dulot ng baha

-PAGASA: Bagyong Pilandok, dalawa pang Tropical Depression at isang LPA, binabantayan sa loob at labas ng PAR

-Batang tinangay ng baha sa Brgy. Old Cabalan, natagpuang patay

-Mga sasakyan sa NLEX-San Simon Interchange Northbound, nananatiling stranded dahil sa matinding pagbaha

-Yellow Rainfall Warning, itinaas sa Zambales at ilang panig ng Tarlac, Pampanga at Bataan hanggang 2pm

-Lahat ng kalsada sa Brgy. Sta. Monica, nalubog sa baha

-Pampanga Gov. Pineda: Magalang at Mabalacat na lang ang walang pagbaha sa probinsiya

-Pamumuhay ng mga residente, apektado ng pagbaha

-Utility van, nahulog sa tulay nang tangayin ng baha

-PAGASA: 8 gates ng Ambuklao Dam ang nagpapalabas ng tubig

-Grade 8 student, sugatan matapos paluin ng arnis stick ng kanyang guro

-Paggawa ng temporary steel bridge sa gumuhong Agana Bridge, sisimulan ngayong araw

-INTERVIEW: DPWH SEC. VINCE DIZON

-Lalaki, patay matapos mahulog sa drainage canal

-Kylie Padilla, inaming may mga nagpaparamdam ng love interest sa kanya

-INTERVIEW: PAGASA ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF CHRIS PEREZ

-GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng masamang panahon

- Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena, wagi ng gold sa 2026 ISTAF sa Berlin

CBB

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:08Transcription by CastingWords
00:31Magandang tanghali po!
00:32Oras na para sa maiinit na balita.
00:40Hanging habagat na nagpaulan at nagpabaha sa Metro Manila
00:44at marami pang lugar sa Luzon,
00:47nag-iwan ng matinding pinsala.
00:53Ilang bahay sa Pampanga, gumoho
00:57at inanod ng ilog.
01:03Apat hinahanap matapos mahulog sa ilog
01:06ang sinasakyang kotse
01:07nang bumigay ang isang tulay sa tarlak.
01:12Mga biyahero sa North Luzon Expressway,
01:15ilang oras nang natatrafik dahil sa baha.
01:20Malalakas na ulan,
01:22magpapatuloy pa ba ngayong may tatlong bagyong umaligid sa bansa?
01:25Laitas sa lagay ng panahon at mga binahang lugar,
01:28tutukan.
01:54Alas walang galawan ng mga sasakyang bumabiyahe pa Northbound,
01:58sa North Luzon Expressway kaninang umaga.
02:01Abot hita kasi ang taas ng baha sa isang bahagi ng Expressway,
02:04dulot ng malakas na ulan.
02:06Sa kuha ng drone,
02:07kita ang mga stranded na motorista sa Northbound lane ng Ethnelex,
02:12sa bahagi po yan ng San Simon, Pampanga.
02:15Ang ilan sa kanila napilitang pumarada sa gilid ng kalsata
02:19dahil sa mabagal na usad ng trapiko.
02:22May mga inabot ng 6 na oras bago makatawid sa binahang bahagi ng Expressway.
02:26Kabilang sa mga naipit sa traffic,
02:28ang ilang pampaseherong bus at mga truck.
02:34May payo naman ang North Luzon Expressway sa mga motorista
02:37sa gitna ng matinding traffic doon dahil sa baha.
02:42Kung talaga naman po hindi urgent o hindi importante yung lakad,
02:47baka mas mainam na huwag na lang po tumuloy sa pagbiyahe.
02:51Pero kung talagang kinakailangan at nandito po sila sa loob ng Expressway,
02:56yun nga po, mararanasan lang nila po yung slow moving traffic natin
02:59at maaaring medyo matagal-tagal po bago sila makalusok dito sa area po ng San Simon.
03:07Paliwanag ni NX Corporation, AVP for Traffic Operations, Robin Ignacio,
03:11mabilis tumaas ang baha sa lugar dahil sa mga pagulan itong weekend.
03:15Naglagay na rin sila ng water pump para mas mabilis na humupa ang baha.
03:21Mga kapuso, tatlong bagyo at isang low pressure area
03:25ang binabantayan ngayon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.
03:30Ang Tropical Depression, pilandok na mataan po ng pag-asa,
03:33sa mahigit sang libong kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon
03:37na nasa loob na po ng PAR.
03:40At taglay po nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour
03:44at halos hindi umaalis sa kinaroroonan nito.
03:48Walang intinaas na Tropical Cyclone Wind Signal sa ating bansa
03:52dahil po sa bagyong pilandok.
03:53Hindi ito inaasahang magla-landfall.
03:56Sa halip ay lalabas po ng PAR,
03:58Merkules ng hapon o gabi.
04:00Muli namang lumakas bilang Tropical Depression
04:03ang dating bagyong obet na nasa mahigit sang libong kilometro
04:07ang layo kanluran ng Extreme Northern Luzon.
04:10Isa na rin Tropical Depression,
04:12ang binabantayang low pressure area malapit sa Batanes,
04:15mahigit limang daang kilometro west-northwest ng Itmayat.
04:19Sa Pacific Ocean naman, namuoh ang panibagong LPA.
04:23Namataan po yan mahigit tatlong libong kilometro silangan ng Visayas.
04:26May medium chance itong maging bagyo at patuloy na minomonitor
04:30kung papasok sa PAR.
04:32Sa ngayon, gaya po nitong weekend,
04:35hanging habagat pa rin ang magpapaulan sa Luzon
04:38at western section ng Visayas.
04:40Nahahatak po ng habagat o ang habagat ng bagyong pilandok.
04:44Mas makakaasa po tayo sa maayos at maaraw na panahon.
04:48Ito pong nalalabing bahagi ng Kabisayaan at Mindanao
04:51pero pinapaalerto pa rin po eh sila sa mga posibleng local funder store.
04:58Patay na ng matagpuan ng isang batang tatlong taugulang
05:01isang araw matapos siyang anuri ng baha sa Olongapo City.
05:04Ang mga residente sa isang barangay roon sinisisi ang matinding pagbaha
05:08sa pagpuputol ng puno para umano sa isang solar power plant sa lugar.
05:13Balita natin ni Bea Finlac.
05:19Umaga noong Sabado nang tibagin ang ragasan ng tubig ang pader
05:22ng isang bahay sa tabing ilog sa barangay Old Cabalan, Olongapo City.
05:26Ayon sa Olongapo CDRRMO, kasama sa Inagos ang tatlong taong gulang na lalaki
05:32na noikarga ng kanyang magulang.
05:34Natagpuan ang bata na wala ng buhay sa SBMA Boardwalk Pasado Las Dos, Kakapon.
05:39Sa kasagsagan ng malakas na ulan, naobserbahan ang isang mahabang lamat sa Kalkalan Bridge.
05:45Sa laki ng biyak, sumisirit na ang tubig mula sa ilalim ng tulay.
05:49Kulay putik at lagpas bewang naman ang baha sa ilang bahagi ng barangay Santa Rita.
05:54Sa Sampalo Compound sa parehong barangay, sa bintana ng second floor,
05:58idinaan ang isang batang apat na taong gulang.
06:01Pinagpasapasahan ang bata para maisakay sa bangka at mailigtas sa lagpas taong baha.
06:06Sinoong din ang mga rescuer ang rumaragas ang baha para ilikas ang mahigit sa nilibong residente.
06:12Pero may mga nanatili sa ikalawang palapag ng kanilang bahay
06:15habang nagpalutang-lutang na ang mga gamit nila sa baha.
06:19Bagaman lubahang delikado, naglakas loob ang iba na lumusong sa baha
06:23para lang makabili ng mga kailangan ng kanilang pamilya.
06:27Siyempre pataas ng pataas, matatakot ka rin.
06:31Ang hirap pag binabaha.
06:33Makasawa din siyempre.
06:34Humupa na ang lagpas taong bahana na merwisyo rito
06:38sa Sampaloc Compound sa barangay Santa Rita o Longa Positik
06:41pero ang bago nilang problema
06:42ang iniwan itong napakakapal na putik at basura.
06:49Paano ka nga ba mabubuhay kung ang bawat sulok ng bahay mo
06:52ay natabunan na ng putik?
06:54Manungkot rin po.
06:56Dahil walang matutulugan.
06:58Wala na, basa na po lahat na.
07:00Wala na po, sobrang mga mabubuhay siya.
07:01Sa lahat ng espeto po.
07:03Trabaho, bahay, dumi.
07:06Tapos delikado pa po kayo pag nestranded pa po kami dito.
07:09Ayon sa barangay, mababa at napalilibutan ng ilog ang barangay Santa Rita.
07:14Yung ragasa po talaga, yung float talaga ng tubig is napakalakas po talaga.
07:18Nagaling sa bundok po yung mga ano.
07:22Usually, naranasan po namin ito, those times of undoy.
07:25Pero ito po yung pangalawang pagkakataon po na naranasan ng buong Longa po
07:29yung ganong klaseng taas ng baha dito sa Santa Rita.
07:33Pero sabi naman nakausap naming residente,
07:35sila ang sumalo ng parusa ng pagpuputol ng mga puno sa bundok
07:39para umano sa solar power plant project sa lugar.
07:42Nakakalisa po yun sa mga nagpagawaan o sa mga nangyayaring.
07:46Sabi nga nalang ginawa niya yung solar, tumindi po yung ba dito sa amin ulit.
07:50Kahit po inhukay na yung ilog, tumakas pa rin po na napakataas yung ba.
07:54Itigil na muna yung paggawa ng sinasabi na ng solar.
07:58Tsaka kahit konting tulong po sa mga nakatayo sa taas.
08:04Natapos na ang phase 1 ng proyekto.
08:06Pero may pinaplano pa umanong phase 2 na sasakupin ang tuktok ng Mount Balimpuyo.
08:11Ayaw po namin matuloy yung phase 2 bilang po mga mamamayan na rin ng barangay Santa Rita, hindi lang po
08:17mga leader.
08:17Ang ating kabundukan nga po is, dyan po talaga yung pinagkukuhaan po nila ng kanilang pangkabuhayan.
08:23Ayaw po nila na makat po yung mga sum of trees na nandoon.
08:27Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA News.
08:32Hininga ng GMA News nang pahayag ang Department of Energy at Department of Environment and Natural Resources pero wala pa
08:38silang tugon.
08:39Wala rin pahayag ang Aboytis Power na may hawak ng naturang solar power plant project sa Olongapo.
08:47Update tayo sa sitwasyon sa North Cason Expressway kung saan may mga motoristang naiipit pa rin sa traffic.
08:52Kausapin natin si NLEX Corporation, AVP for Traffic Operations, Robin Ignacio.
08:56Magandang umaga at welcome sa Balitang Hali.
08:59Magandang umaga po at magandang umaga, Sir Rafi.
09:02Kamusta na po ngayon yung sitwasyon dyan po sa NLEX?
09:06Sa ngayon, ganoon pa rin po yung ating sitwasyon.
09:09Actually, hindi po nagbabago yung ating level ng tubig dito po sa ilalim ng Santiman Interchange.
09:15At ganoon din po yung sa may Tulao.
09:17Magkasunod lang po yung areas na yan.
09:19It's just more than a kilometer apart po yung dalawang yun.
09:23And sa ngayon po yung traffic situation po natin,
09:26we have slow moving traffic po na around 8 kilometers for northbound
09:30and then more than 6 kilometers for southbound.
09:33So, ngayon po dahil medyo nahihirapan po yung ating mga sedan,
09:38mga low vehicles, mabababa po yung ano.
09:42We are already preparing po na we have to reroute po yung Class 1.
09:47Pero medyo malayo nga lang po ito, Sir.
09:50They have to take Santa Rita exit.
09:53Then via Maharlita Highway towards Nueva Ecihan.
09:59And then they can take yung new expressway, yung central new expressway,
10:04kung babalik po sila ng either TIPLEC or STTEC.
10:08Ganoon din po yung pa southbound.
10:10Pero as of now, yung natrap po na 8 kilometers for northbound
10:17and then 6 kilometers for southbound,
10:20nakaka-traverse pa naman po sa ilalim.
10:22Kaya nang medyo delikado po yung mga mabababa.
10:25But for the parking buses, they can continue po yung traverse within the flooded area.
10:30Bukod po dun sa binabalak yung rerouting,
10:32paano nyo po po tinutulungan itong mga nandyan na mismo, yung mga naipit na?
10:37Opo.
10:38Starting Friday, actually, nakakapag-distribute pa po kami ng mga water at saka mga food.
10:44And yun pa, with continuous information po sa ating motorista,
10:50apparently po kasi kaya ganyan din po kahaba yung ano,
10:53yun nga po ang rerouting na hindi po nila alam yung malayong reroute.
10:56So wala po silang alternative kasi ang mga car tour is talagang impossible po yung mga flooded areas po nila
11:04dyan ngayon.
11:05So yun po, ang ano po yung tinitingnan po namin kung makakapagpaano pa kami ng mga water at saka kahit
11:13biscuits lang po sa ating mga motorista.
11:15Opo. Sa mga sandali ito, nasaan po yung tail end ng traffic at dun sa parehong north at southbound?
11:21Opo. For the northbound, yung 8 kilometers natin, tail end is already at Candava Bayra po.
11:28And then for the southbound, kung alam po ninyo yung kilometer 62, malapit po dito sa may Caltech station at
11:38tiglapas pa po doon.
11:40So may chance po bang mag-U-turn yung mga naipit na dyan para pumunta doon sa underground route ninyong
11:45kalsada?
11:47Tama po, may several, ano po, at yun nga po, ina-announce na po natin na may several openings po
11:53tayo dito sa mga midyan prior po yung flooded area
11:56para po yun sa mga mag-de-design na mag-U-turn, bumalik na lang, ay makakapag-U-turn, sir.
12:01Both directions po. May opening po tayo.
12:04Itong binahang lugar, yan pa rin po ba yung mga binabahang lugar dati? Matagal na po bang problema dyan sa
12:09area?
12:11Dalawa po yung na-mention po po, sir. Yung ilalim po ng San Simon Interchange, first time po na nangyari
12:16yan.
12:18But for the second area po yung sa Tulaw, if you remember po, three years ago, yun po yung isang
12:24area na flooded
12:25and we already raised that area by 0.7 meters.
12:300.7 meter, pero apparently inabot pa rin po ng tubig ngayon.
12:36So, may plan po kasi na we have to raise by another 0.3 meter.
12:43Patapos na po kasi yung ginagawa ni DPWH na bridge above.
12:47Actually, ginibapin po nila yung mababang bridge noon, tinaas po nila.
12:51So, titignan po natin kung ano po talaga yung kaya na itaas pa po yung payment.
12:58Baka hindi na po sufficient yung 0.3 lang with what we experienced this time.
13:04Kasi yung flooding po this time compared three years ago,
13:08ibang-iba po talagang grabe po.
13:11So, pati ngayon sa San Simón Interchange sa ilalim, first time po natin na ma-plod po na ngayon.
13:17So, posibleng kailangan itaas na ulit itong mga naitaas ng mga kalsada.
13:21Nakita po namin may mga wrecker na kayo dyan sa area.
13:23Paano po pag may emergency? May mga dadaanan ba yung inyong mga emergency vehicles?
13:28Pinapa-counterflow po namin yung kailangan mas mapabilis po.
13:32Pinapa-counterflow po namin ng safety.
13:35At yun po, meron na po sir, may mga nangyari na po na tumirik po kanina.
13:43That's why I think kailangan na po namin i-reroute.
13:47Otherwise, baka dumami po yung incident po nang yung dadaanan.
13:51Okay, very quickly po, baki-announce lang po yung re-routing scheme po ninyo.
13:57Saan po yung pwedeng dumaan itong mga naipit.
13:59At pwede mag-u-turn ka nyo itong mga nandyan sa area?
14:02Yes, sir. Actually, pwede mag-u-turn.
14:04Kaya lang medyo malayo-layo po yung re-routing po natin.
14:07Kaya yun po yung nakita natin.
14:09Pwede po silang...
14:12Si TEX, alam po, kunin po yung bagong expressway ngayon,
14:15yung Central Luzon Link Expressway towards Nueva Ecija.
14:19And then, from Nueva Ecija, they can access po yung Maharlika Highway.
14:23And then, ang entry na po nila sa expressway is yung Santa Rita interchange po namin.
14:30Okay. Sige po. At siguro, i-check din po nila yun yung website para sa karagdagang detalye.
14:34Maraming salamat po sa oras na binahagi niya sa maraming detalye.
14:37Maraming salamat po, Sir Rocky. Good morning po.
14:38Yan po si NLEX Corporation AVP for Traffic Operations, Robin Ignacio.
14:53Ang balita, nakataas po ngayon ang yellow rainfall warning sa ilang bahagi ng Central Luzon.
14:59Ayon sa pag-asa, apektado ang zambales at ilampanig ng tarlak, pampanga at bataan.
15:05Posible po ang pagbaha sa mabababang lugar at malapit sa daluyan ng tubig sa gitna ng malalakas na ulan.
15:12Tatagal ang yellow rainfall warning hanggang alas dos ng hapon.
15:19Hindi na madaanan dahil po sa baha ang lahat ng kalsadang papunta at palabas ng San Simón, Pampanga.
15:26Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.
15:30Umabot sa puntong pati ang evacuation centers, inabot na rin po ng tubig.
15:36Balitang hatid ni Vaughn Aquino.
15:41Kahit saan lumingon sa barangay Santa Monica, San Simón, Pampanga, baha ang makikita.
15:47Lahat ng kalsada, lubog sa tubig.
15:50Kaya ang bunga ng Quezon Road mula San Simón, Enlex, Exit,
15:54nagmistulang parking lot na dahil hindi na makapasok ang mga sasakyan.
15:59Sa drone video, kita ang matinding baha sa Porok 5 at 6, Barangay Santa Monica,
16:04pinahari ng evacuation center sa Nayong Chinoy, Barangay San Pablo, Propio.
16:09Kaya ang mga pansamantalang na natili roon, nag-evacuate na rin.
16:12Yung mga palikuran doon, medyo umaapaw na rin, so hindi na talaga kaya na mag-stay pa nung matagal.
16:18Sobrang crowded na.
16:20Yung kasing bahay namin sa Chinoy, mataas na siya, tapos pinasok na ng tubig, lagpas tuhod.
16:26So yung palikuran namin, wala na rin, umaapaw na rin.
16:29Nang bumuhos ang malakas na ulan, kanya-kanyang silong ang mga lumikas na tila mga basang sisiyo sa gilid ng
16:35kalsada.
16:36Nang makachempo ng rescue truck, agad silang isinakay nito.
16:40Si Janibel, mag-isang naghanap ng matutuluyang kamag-anak, matapos lumikas sa kanilang bahay.
16:47Nasa lubaw kasi ang kanyang kapatid na hindi rin makauwi.
16:50Sa amin, labog, paano po namin pupuntahan yung bahay namin?
16:55Kaya po, sobrang hirap po nang...
16:59Hindi ko po alam kung enough po po yung relief na nabibigay kung naaabutan na po yung mga bahay.
17:06Isa lamang po ito sa mga kalsadang binaha dito sa barangay Santa Monica.
17:10Kung nyo hong makikita, napakarami hong mga residente na papunta at pabalik sa kalsada na ito.
17:16Yung iba po, bumibili ng kanila mga pagkain.
17:18Yung iba po, lumilikas na.
17:19Dahil ito po yung kalsada na kahit papano ay nalalakaran pa nila.
17:23Dahil bandaroon daw po sa looban at dun sa mga katabing barangay ay hanggang dibdeb at lampastao na yung baha.
17:29Kaya naman yung iba ay nagpaparescue na rin.
17:32At ayon dun sa mga residente, ito rin yung unang pagkakataon na umakyat o tumaas yung baha dito sa kanilang
17:38lugar.
17:39Ang ilang may tricycle, nagtulak na lang.
17:42Hindi na po kaya ng motor ma, mataas na.
17:45Doon yung bahay namin, San Isidro.
17:47Barangay San Isidro?
17:48Opo, mas malalim doon.
17:49Hanggang saan po?
17:50Oto.
17:51Hanggang dibdeb?
17:52Opo.
17:53So ano pong ginawa nyo? Bakit po kayo bumalik doon?
17:56Hindi, nililigas po kami. Mag-evacuate na po.
17:59Hindi na po kaya eh. Malalim na.
18:03Ang isang senior citizen na stroke survivor isinakay sa rubber boat para mailikas sa gitna ng mas tumataas na tubig.
18:11Ang iba nag-improvise ng balsa para makapagtawid ng tao at gamit.
18:15Kwento ng residenteng limang dekada nang nakatira rito.
18:19Ngayon lang nila naranasang tumaas ng ganito ang baha sa barangay Santa Monica.
18:23Pagpasok na ang Ogos, nagkaroon na rin kami ng baha dito pero hindi pa ganong kalaliman.
18:28Pero itong week na to, talagang pinasok na lahat ng mga kabahayan.
18:33Maya't maya namang may ibinababang mga lumikas na residente ang mga truck.
18:37Sana tulungan na lang po kami.
18:39Sa totoo lang, malaking tulong yung rasyon pero hindi yun talaga ang solusyon.
18:43Kasi taon-taon na nangyayari itong baha na to.
18:45Mas malala lang po ngayon.
18:47Gamot, pagkain, tubig.
18:50Apektado rin ang baha ang ilang lugar sa Apalit.
18:53Sa isang nalubog na subdivision, nagsagawa ng rescue operation ng Apalit Police sa mga residenteng na ipit sa malawakang baha.
19:01Von Aquino, nagbabalita para sa GMA News.
19:06Halos buong probinsya na ng Pampanga, apektado ng pananalasan ng habagat.
19:10Ayon kay Pampanga, Gov. Lilia Pineda, tanging ang bayan ng Magalang at Mabalakat City na lang, ang walang naiulat na
19:16pagbaha.
19:17Sa ngayon, mahigit 17,000 residente na ang lumika sa evacuation center sa probinsya.
19:23May mga lugar daw na hindi naman karaniwang binabaha noon pero lubog na rin ngayon.
19:28Ayon kay Gov. Pineda, kabilang sa mga dahilan niyan, ang backflow o pabalik na dali ng baha dahil hindi ito
19:34makadaloy papunta sa Manila Bay.
19:37Dagdagbanta rin daw ang tubig na manggagaling sa mga umapaw na ilog.
19:42Pag hindi tumigil ang wala, talagang top possibility na tumatas kasi wala siyang mapuntahan.
19:50Lalo na kung magbababa ng tubig yung Pampanga River mula 9-10 at sa Aurora,
19:56talagang ayk na wala ng ulan, tumatas pa rin ang tubig nila.
20:01Update po tayo sa sitwasyon sa Olongapo City, sa gitna ng hindi pa rin humuhupang baharoon.
20:07May ulat on the spot si Darlene Kai.
20:10Darlene?
20:14Raffi, pabugso-bugso pa rin yung ulan dito sa Olongapo.
20:17Tulad ngayon, katitila lang pero mayat-maya talaga bumubuhos yung napakalakas na ulan.
20:23Dito sa kinatatayuan ko, sa Filtration Road ay may gutter deep na baha pero humupa naman na yung tubig sa
20:29mas malaking bahagi ng syudad.
20:35Mula madaling araw ay pabugso-bugso na yung ulan dito sa Olongapo.
20:39Pero hindi hamak na mas mahina na rao kumpara sa naranasan nila nitong weekend kung kailan umabot sa lagpasta o
20:46yung baha sa ilang lugar dito.
20:48Pero dahil masama pa rin ang panahon, hindi pa tuluyang humuhupa ang baha sa ilang bahagi ng syudad tulad dito
20:55sa Filtration Road kung saan ako nakatayo ngayon sa barangay Santa Rita.
20:59Kaya naghihirapan yung mga residenteng nakatira rito.
21:02Tulad ni Romeo, nababad-nababad na rao sa baha kaya nagkaalipungan na sila ng kanyang pamilya.
21:08Halos isang buwan na rao, hindi nawawala ang baha sa mismong bahay kaya hindi na nakapapasok sa eskwela ang kanyang
21:15mga apo.
21:16Bukod sa baha, problema rin sa ilang bahagi ng Santa Rita ang makapal na putik.
21:22Kwento ng mga residente na dito na pinanganak at lumaki.
21:26Nakasanayan na nila ang pagbaha kapag matindi ang ulan o may bagyo.
21:30Pero ngayon lang daw nangyari rito ang pagkaiwan ng ganito kakapal na putik.
21:36Narito po ang pahayag ng ilan sa mga nakausap naming residente.
21:41Ngayon lang po nangyari. Dati wala naman eh.
21:45Pag mula nila yung solar na yan, yan na kailan nang ganyan.
21:48Kaka-dismaya.
21:51Pangitan ng lugar namin.
21:53Hindi na ba natapos putik pa.
21:56Mahirap talaga. May iyak ng mga apo ko ngay.
21:58Sa taas kami dyan o.
22:00Bakit po? Ba't nami-iyak?
22:02Eh natatanggap sa bayan. Ang laki ng tubig eh.
22:10Raffi ngayon-ngayon lang nakapanayam natin si Olongapo Mayor Rolen Paulino Jr.
22:15Ayon sa kanya ay 2,800 millimeters of rainfall yung ibinagsak dito sa Olongapo sa nakalipas na buwan.
22:22Triple raw yan sa karaniwan nilang natatanggap tuwing Agosto.
22:26Kaya raw talagang matindi yung pagbaha na kanilang naranasan.
22:29Buong puwersa naman daw na nakatutok yung lokal na pamahalaan sa sitwasyon dito.
22:34Iniimbisigahan na rin nila yung mga sinasabi at sinasangguni sa kanila ng mga residente.
22:40Pero nilinaw nila na hindi nakakita ng LGU na sanhinang pagbaha at pagpunta rito,
22:47pagkakaroon ng putik dito, yung solar farm na nakatayo sa kanilang lugar.
22:51Meron naman daw itong sapat na permit at pag-aaral.
22:55Pero patuloy pa tayong kumukuha ng ibang detalye tungkol dyan.
22:58At iba pang detalye mula sa ibang otoridad tulad ng DENR.
23:02Rafi.
23:03Maraming salamat at ingat kayo dyan, Darlene Kai.
23:20Sasak yan!
23:23Napasigaw ang ilang residente sa Rodriguez Rizal ng Tangayin nang rumaragas ang baha ang isang utility van.
23:29Nahulog yan sa tulay na nagdurugtong sa barangay San Jose at barangay San Isidro.
23:33Hindi kita sa video, ayon kay U-scooper Sherry Salvador,
23:37tinangay rin ang baha ang isang motorsiklo, isang tricycle, mga paninda ng ilang tindahan at ilang alagang hayop.
23:44Nang humupang baha, nakita ang sirasirang utility van.
23:47Wala namang napaulat na nawawala o nasaktan sa insidente.
23:53Dahil po sa pabugsubugsong ulan, patuloy na nagpapakawala ng tubig ang Ambuklao Dam sa Benguet.
23:59Sa latest month, po rin na pag-asa, walong gates ng Ambuklao Dam ang nakabukas para po magpakawala ng tubig.
24:07Pinaalerto ang mga naninirahan malapit sa mga ilog sa downstream ng Ambuklao sa posibleng pagtaas ng tubig.
24:13Bukod po sa Ambuklao, nagpapakawala rin ng tubig ang binga at ipo reservoirs.
24:18Aning na gates ang binuksan sa binga habang isa naman sa ipo.
24:22Sa nakalipas na 24 oras na pagbabantay, tumaas po ang water level sa Anggat, Ipo, San Roque, Pantabangan, Magat at
24:31Caliraya reservoirs.
24:32Bumaba naman ang tubig sa lamesa, Ambuklao at binga reservoirs.
24:37Habagat pa rin po ang nagbubuhos ng ulan sa Luzon kung saan naroon ang nabanggit ng mga dam.
24:47Sa ibang balita, iimbestigahan ng Department of Education ang insidente ng pamamalo ng isang guro sa San Mateo Rizal gamit
24:54ang yantok sa istudyante niyang grade 8.
24:57Ayon sa guro, humingi na siya ng paumanhin sa istudyante at kanyang pamilya.
25:01Balita din na Gabriel Gonzalez, Exclusive.
25:09Galit ngayon ang isang ama saan niya'y hindi katanggap-tanggap na sinapit ng anak sa kamay ng kanyang guro
25:15sa San Mateo National High School sa Rizal.
25:18Ang kanyang grade 8 na anak, pinaluumanon ng kanyang guro ng yantok na ginagamit sa arnis.
25:25Tinamaan siya sa ilong, dahilan para mamaga ito.
25:29Ayon sa ama, hindi pinalalabas ng guro ang kanyang anak kahit pasado alasaisin ng gabi noong miyerkules.
25:36Dahil musikero ang anak sa prayer meeting noong araw na yun, nagpumilit daw siya na lumabas para hindi maliit sa
25:42simbahan.
25:43Nagalit daw ang guro sa kanyang anak, kaya siya pinalo.
25:47Nakita ko, magayong kanyang nose bridge. May tama.
25:52Sinabi niya na sa akin, pinalo siya ng teacher, ng arnis.
25:56Hanggang sa nalaman ko, hindi lang pala that day na pinalo siya.
26:01Marami na palang instances, pinapalo daw siya lagi sa ulo noong arnis ng teacher.
26:07Ilang besos kanyang sinaptal?
26:09Sa buong school year po, hindi ko na po bilang.
26:14Hindi ko po nasabi po agad kasi una po, baka po kasi may stress si mga magulang ko po.
26:22Kasi ayoko na po magpadagdag problema po kay daddy at kay mommy.
26:28Pangalawang reason din po, para maayos pa rin po relation sa teacher din po.
26:34Dahil sa insidente, nagpa-blutter sila sa barangay noong miyerkulis din ng gabi.
26:39Kinabukasan, nagharap sila ng guro at principal sa eskwelahan.
26:44Sinabi nung aming principal na itatransfer na lang sa ibang section.
26:53Ang disciplinary action, hindi ko alam kung anong gagawin.
26:56Walang sinabi sa akin yung principal.
26:58It's just that sinabi niya na aalisin niya na daw yung stake.
27:01Huwag ka nang gagamit ng stake o something na kung anong pamalo na meron ka.
27:05Kasi pag na-trigger ka sa galit, ipapalo mo talaga doon sa estudyante.
27:10Sa pahayag ng guro sa GMA News, sinabi niyang humingi na siya ng tawad sa pamilya at tinanggap naman daw
27:17ito.
27:18Sineseryoso niya raw ang kanyang tungkulin bilang guro at naniniwala sa accountability at pagiging patas.
27:25Sinabi naman ang pamunuan ng San Mateo National High School na nagsasagawa ng investigasyon sa insidente.
27:31Bagamat nagkaayos daw ang pamilya ng biktima at ang guro,
27:35magpapatuloy ang investigasyon para matiyak na nakakasunod ang paaralan sa Child Protection Policy ng Department of Education.
27:43Desidido naman ang ama ng biktima na magreklamo laban sa guro.
27:47Nag-sorry, then I forgive, but kailangan mong harapin kung ano yung consequences na ginagawa mo.
27:56Nakarating na sa Department of Education ang insidente at nakatakdang magsagawa ng investigasyon.
28:02The school was already submitted its report.
28:06So ngayon, sir, nagaantay po kami ng order coming from the regional director para po makapagsimula na kami ng investigation.
28:16Nilinaw naman ang Deped Rizal na may kapangyarihan ng mga guro na disiplinahin ang mga mag-aaral,
28:22pero hindi sa paraang masasakta ng bata alinsunod sa Deped Order No. 40 Series of 2012 o Child Protection Policy.
28:31Nakasaad dito na bawal ang anumang pisikal, psikologikal, sekswal o anumang klase ng karahasan sa mga bata.
28:39Kailangan po ang disiplin ay positive siya, non-violent, corrective at dapat na ina-address niya yung behavior at circumstances
28:51nung bata or learner.
28:53That's why, sir, if incidents happen this in the school, we are encouraging the parents po na dumulog po sila
29:00doon sa aming opisina o sa opisina po ng regional office.
29:03Kung hindi makakadulog sa opisina, maaari daw magpadala ng reklamo sa childsafe.calabarzon at deped.gov.ph.
29:13Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
29:23Nagpapatuloy po ang search and rescue operations ng mga otoridad para sa apat na sakay ng kotse na hulog
29:29nang bumigay ang isang tulay sa Tarlac City noong Sabado ng gabi.
29:33May ulit on the spot si Sandy Salvasho ng GMA Regional TV.
29:39Sandy?
29:41Connie, sa mga oras na ito ay ongoing ang sinasawang inspeksyon ng DPWH at lokal na pamahalaan dito sa gumuhong
29:49akin o agana bridge
29:50bago ang formal na pagpapatayo ng temporary steel bridge.
29:57Sisimulan ngayong araw ng DPWH ang paggawa ng temporary steel bridge sa gumuhong agana bridge sa Tarlac City.
30:04Layunin nito na maibalik ang koneksyon at mapadali ang pagdaan ng mga residente at motorista
30:09habang isinasagawa ang kinakailangang rehabilitasyon sa Aquino at agana bridge.
30:13Kagabi, nagsimula nang dumating ang mga gagamiting materyales sa tulay.
30:17Samantala, nagpapatuloy ang search and rescue operations para sa apat na individual na sakay ng isang kotse na nahulog matapos
30:24gumuho ang agana bridge.
30:26Ayon sa Tarlac PDRRMO, umabot ang kanilang search and rescue operations sa barangay Santa Cruz
30:31na may tinatayang layo na aabot sa limang kilometro mula sa natibag na agana bridge.
30:36Kasama sa pagtuntun sa nawawala ang mga pamilya ng biktima.
30:40Kasunod ng insidente isinailalim na rin sa state of calamity ang buong Tarlac province
30:44dahil sa malawakang pagbaha sa ilang lugar.
30:4615 out of 18 municipalities at city na ang lubos na naapektuhan ng habagat.
30:51Malaki rin ang natamong pinsala sa infrastruktura at agrikultura na siyang naghudyat sa pagdeklara ng LGU.
30:57Dahil sa patuloy na pagtaas ng level ng tubig, ilang bayan sa lalawigan ang nagpatupad ng preemptive at forced evacuation.
31:0445 evacuation centers na ang kasalukuyang aktibo sa probinsya.
31:09Connie, hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang intensified na pamamahagi ng relief operations sa mga apektadong barangay dito sa
31:17Tarlac province.
31:18At isa rin sa tinututukan nila itong mga barangay na lubhang naapektuhan ng mag-iba nga itong dalawang major bridges
31:25dito sa Tarlac City.
31:26Connie.
31:27Marami salamat, Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
31:31At taugnay po sa pinsala ng ilang infrastructure dahil sa matinding ulan at baha na dulot ng hanging habagat.
31:38Makakapanayin po natin si DPWH Secretary Vince Dizon.
31:41Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halisir.
31:44Magandang tangahagi po, Connie at Rafi.
31:47Oo, kasama rao po kayo sa mga naipit na matinding traffic dyan sa may area po ng San Simon, Interchange,
31:55and Lex.
31:56Kamusta po kayo ngayon?
31:58Ito nga po, iniintay lang natin gumagaw ng gumagaw.
32:02Pero para lang po sa mga motorista natin, kung makakaiwas po muna kayo, magpahupa muna tayo.
32:09Dahil wala na ito po talagang pupuntahan yung tubig dito.
32:12At kahit na anong gawin natin, talagang pantay-pantay na po ang tubig dito sa bandang San Simon.
32:20Kaya kailangan nga po talagang nating hintayin humupa.
32:23And after humupa, kailangan kausapin po natin ang NREX kung paano natin gagawa ng paraan para hindi na maulit ito.
32:29Kasi hindi naman ito na ang huling pag-uran ng marakas.
32:34So, tingin ko, baka sa mga susunod rin ko, mauulit na naman ito, susunod na buwan.
32:38Kailangan makapaganda tayo ng mas mabuti dito.
32:41At saka sir, hindi rin po ito yung unang beses na nangyari ito.
32:43May mga previous incidents na rin po na ganyan na ang sitwasyon sa NREX.
32:47Ano po ang inyong nakikita talagang dapat po nga ipagawa sa NREX?
32:53At meron pong binag-uusapan kami ngayon abang nandito nga ako sa ano,
32:57na ipit dito, nag-uusap po kami ng mga engineers ng NREX at ng DPWH.
33:02May mga iba pong mga naiisip silang mga pwedeng gawing solusyon dito
33:09kahit na hindi pang matagalan, kahit immediate muna.
33:11Pero kailangan muna humupaho muna itong tubig natin para magawa natin ang mabuti.
33:17So, mag-update na lang ho kami pagka sa mga susunod na araw,
33:21kung ano yung mga next step na gagawin dito.
33:23Pero tama po kayo, hindi pwedeng paugit-ugit nakangunang ganito ito.
33:28Yung ilan ho, anim na oras nang nakatingga dyan?
33:31Kayo ho ba ilang oras na?
33:34Mahigit na.
33:35Oo. Mahigit na ho.
33:37Mahigit, anim na oras?
33:39Oo. Mahigit na ho.
33:40Mahigit na ho.
33:41Okay.
33:43Pero, may mga ibang bridge po, lalo na dyan sa Maytarlac na bumigay.
33:48Dalawang major bridges po ang nakita natin bumigay, yung Agana at saka yung Aquino sa Tarlac.
33:54Kailan po ba ito maaayos?
33:57At ano ho ba yung, base ho sa report, ano ho ba ang lagay talaga nitong mga tulay na ito,
34:03bago nangyari?
34:04Opo, marami ho tayong tulay kasama itong Agana at saka Aquino Bridge na mahigit apat na po hanggang limampung taon
34:13nang nakatayo.
34:14So, napakaluma na talaga.
34:17Dapat ito, matagal nang naayos o na retrofit o napalitan pero hindi po nagawa yan.
34:23So, ngayon po, ang pinaka-priority natin is mapadaanan natin ulit itong Agana Bridge.
34:31Nag-mobilize na po tayo ng mga kagamitan at mga materyales.
34:34Dumating na po on-site mga ilang oras yung nakalipas, nandun na po.
34:39At siguro, na yung bagong magtanghali, magsisimula na po ang trabaho dyan.
34:45Medyo rumaragasa pa lang yung ilog kaya medyo hindi pa tayo mga ka-full sa trabaho.
34:50Pero hindi po tayo titigal hanggang hindi natin ma-reconnect yung Agana Bridge.
34:54Mauuna tayo dito sa Agana dahil ito yung mas maigse at mas mababaw.
34:59Pero pagka gumanda na rin po ang panahon at medyo humupa na yung tubig sa ilog dito sa Tarak City,
35:05pati yung Aquino Bridge sisimula na rin natin.
35:07So mga kapagbigay po tayo ng timeline siguro, by the next two days siguro,
35:13meron na tayong mas klarong timeline kung kaya natin mabubuksan ulit yung Agana Bridge.
35:18Pero papaspasan po natin ito sa mga susunod na araw.
35:22May karagdagang tanong pa po ang aking partner na si Rafi.
35:25Good morning po, Secretary.
35:26Opo, mapunta naman po tayo sa may nangyaring bahas sa Olongga po.
35:29Sabi po kasi ng mga residenteng nakausap namin noon sa barangay Santa Rita,
35:32ay bumaba na sa kanila ngayon dahil daw pinagpuputol yung mga puno para sa isang solar power plant.
35:37Ano pong alam nyo po tungkol dito?
35:40Hindi ko po alam yung tungkol sa solar power plant na yan.
35:44O makikipag-ugnayan po tayo sa Department of Energy at sa DNR tungkol dito sa tinayong plantang nito.
35:51At ano ba talagang nangyari dito?
35:54At ba't nagkaganyan-ganyan?
35:55So ngayon ang focus natin dito sa Olongga po, pati na rin sa Sambales,
36:00itong mga gumuhong mga ibang proyekto dyan,
36:04kasama na yung mga flood control na ang umabot sa akin e under warranty pa,
36:09e kailangan ayusin agad-agad yan ng kontratista ang gumawa na walang cost sa gobyerno.
36:14So yun muna ang uunahin natin.
36:16Pero makikidulog na rin po ako sa DOE tsaka sa DNR tungkol dito sa solar plant na ito.
36:22Pero ano po, unahin mo muna natin itong mga nasirang mga infrastructure.
36:27Kasama po ba sa inyong titingnan yung nangyari pagguho ng mga tipak sa padel doon sa may Subic Bay Freeport
36:33Zone?
36:34Aalamin ko po kung sino ang gumawa nito, kung ang DPWH ba o ang Subic Bay.
36:40Pero regardless, kailangan ayusin po yan at makikipagtulungan po tayo sa Subic Development Authority para maayos ka agad-agad yan.
36:49Mahigit sa taon na po.
36:51Ang dami po tayo ng nasira sa buong Central Luson, sa galong sa lahat ng probinsya at mga munisipag-edad,
36:58mga nasira.
36:59So ang direktiba po ng Pangulo, ayusin po natin muna kahat itong mga ito.
37:03At itong ating mga naranasan mga pagbaha, nangyari po more than a year.
37:07Mula na ma-expose yung flood control scandal hanggang ngayon, wala pa rin protection sa bahay yung maraming kababayan natin.
37:12At bukang bibig na nga nila, Secretary, na yung flood control project ang isa sa mga dahilan kung bakit nararanasan
37:18nila ito ngayon.
37:19Ano po ang assurance nyo sa taong bayan na mag-i-improve talaga yung sitwasyon tuwing maulan henceforth?
37:26Ang assurance po natin sa mga kababayan natin, hindi tayo titigil sa pagtatrabaho.
37:31At yung mga hindi nagawa ng tama dati, gagawin na natin ang tama ngayon.
37:35So yun po ang assurance natin at turi-tuligan po tayo dito.
37:39Okay, aabangan po natin yan. Maraming salamat sa oras na binahagin nyo po sa Balitang Hali.
37:44Salamat rati, salamat ko, and God bless you. Thank you.
37:46Yan po si DPWH Secretary Vince Dizon.
38:01Naglalakad ang lalaking iyan na may dalang payong sa binahang gilid ng kalsada sa Angeles, Pampanga.
38:06Maya-maya lang, bigla siyang nahulog sa drainage canal.
38:11Sinubukan pa siyang saklulohan ng ilang residente sa lugar pero hindi nila nailigtas ang biktima dahil sa mabilis naragasa ng
38:18tubig.
38:19Ayon sa ina, natagpuan walang buhay ang biktima ilang kilometro ang layo mula sa pinaghulugang butas.
38:25Iniuwi na sa Makati City ang labi ng biktima para iburol.
38:28Nanawagan ang pamilya ng biktima na panagutin ang mga responsable sa insidente.
38:33Wala pang pahayag ang kulis siya at pamunuan ng barangay.
38:37Sa ngayon, ay may takip na ang nasabing drainage canal.
38:46Aminado si Kapuso Actress Kylie Padilla na may mga nagpaparamdam ng love interest sa kanya.
38:53May biro pa siya on finding the right one.
39:08Sa ngayon, focused pa rin daw siya sa pagiging supermom kina Alas at Axel.
39:14Devoted daw siya talaga sa pagtatrabaho para sa kanyang travel goals.
39:18Happy naman si Kylie sa positive reception ng viewers sa on-screen tambalan nila ni Luis Ontivero sa Task Force
39:26Firewall.
39:27Kung may love at first sight, chemistry on the first scene naman daw ang nangyari sa kanila.
39:35Ang lakas din kasi ng chemistry din namin ni Luis talaga.
39:38So, naturally nakikita siya through the screen.
39:42So, why not feed it if it's there?
39:44Pero syempre, kung paano gagawin yung eksena, pinag-uusapan namin.
39:59Bantay panahon po tayo. Ngayong may tatlong bagyo at isang low pressure area.
40:04Kausapin po natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief Chris Perez.
40:08Magandang umaga at welcome back dito po sa Balitang Hali.
40:12Magandang umaga, Connie, at sa lahat po ng ating mga taga-subaybay.
40:15Okay, malakas pa rin ho ba yung habagat ngayon pong linggong ito?
40:22Well, Connie, sa mga oras na ito, yung concentration ng efekto ng habagat ay nandito sa mga lalawigan sa kanulang
40:29bahagi ng Hilagat ng Luzon.
40:31Kung mapapansin natin, nagkaroon tayo ng gradual improvement ng weather dito sa Metro Manila.
40:35Subalit, sometime within this week also, inaasahan po natin na itong bagyong sipilando,
40:40bagamat hindi maglalanfall, ay posibleng magpaibayan ng habagat.
40:43Na siya namang posibleng maggulot ulit ng mga pagulan sa mga lugar sa western section ng Luzon, including Metro Manila
40:51yan, Connie.
40:52Pero bukod po kay Bagyong Pilandok, alin po ba sa dalawang iba pang bagyo at LPA,
40:57ang posibleng pumasok sa ating Philippine Area of Responsibility at makaapekto sa lagay pa rin po ng ating panahon sa
41:03bansa?
41:04Sa ngayon, Connie, nagpapaybayin ng habagat dito sa northern central zone area ay yung isang tropical region na nasa around
41:12545 km west-northwest ng Itbayat, Batanes.
41:16So kung titignan natin sa ating mapahay, halos nasa western seaboard dito ng Taiwan area.
41:21Samantala, yung dati namang si Obet, isang tropical depression, may kalayo na nito sa lanos ng ating bansa,
41:271,215 km west ng extreme northern Luzon.
41:31So itong dalawang bagyo na nandito sa may bandang West Philippines ay posibleng pumasok ng northwestern boundary ng ating Philippine
41:40Area of Responsibility ngayon darating na linggo.
41:42And so far, wala pa namang tayong kinakikita ang posibleng mag-landfall ang mga ito, subalit patuloy tayong magbibigay ng
41:48update.
41:48Samantala, bukod dito sa tropical depression na si Pilandok, isang low pressure area,
41:54dito sa may karagatang Pacifico ang tuloy din natin minamonitor at we're not ruling out the possibility na posibleng mag
42:00-develop into a tropical depression sometime within this week, Connie.
42:05Okay, pero ilang bagyo pa po ang posibleng mamuo o pumasok sa ating PAR?
42:08Kaya ito pong September, bukas na po yan, where months na?
42:13Well, inaasahan po natin posibleng makaranas pa tayo natin sa isa hanggang tatlong bagyo for the month of September.
42:19And then yung last quarter is a graduate, bagamat hindi ganun karami as compared with the month of August,
42:25pero asahan po natin na posibleng malalakas din po.
42:27Dahil historically, during the last quarter of every year, talagang may mga pagkakataon na mas madalas tayong nakararanas po ng
42:34mas malalakas na bagyo.
42:35So hanggang kailan po natin mararanasan ang mga pabugsubugsong ulan, may katamtaman, hanggang heavy rainfall po daw?
42:44Wow, dito sa Metro Manila, bagamat nagkaroon tayo ng sabihin na natin break ngayong araw at posibleng hanggang bukas,
42:51ay within this week, posibleng pa rin po tayong makaranas din ng paminsa-minsang pag-ulan na dulot nga ng
42:56posibleng new habagat episode
42:58because of a tropical depression pilandok.
43:01Pero yung mga kababayan po natin dito sa northern central zone, lalong-lalong yung mga nakatira sa western section,
43:07maging alerta pa rin po dahil continuous pa rin po yung efekto ng habagat over the next three days
43:11at nandyan pa rin po yung mga banta ng mga pagbaha, lalong-lalong sa mga mababang lugar
43:15at pag-uho ng lupa sa mga lagar po na malapit sa mga gilid ng bundok.
43:19Hindi ba para tayong makakapagpahinga talaga, ano sir?
43:22Pero antabayanan po natin ang inyong mga update pa rin sa mga susunod na araw.
43:26Marami pong salamat sa inyong oras na ibinahagi sa amin dito sa Balitang Hali.
43:31Maraming salamat din po at magandang araw.
43:33Yan po naman si Mr. Chris Perez ng Pag-asa, Assistant Weather Services Chief.
43:39Namigay ng tulong ang GMA Capuso Foundation sa mga binaha sa Zambales.
43:44Katuwang ang 69th Infantry Batalya ng Philippine Army at Coast Guard Substation Botolan,
43:49nakapaghatid ang GMA Capuso Foundation ng food packs, hygiene kits, biscuits at inuming tubig
43:54sa 8,000 residente sa mga bayan ng Botolan at Kabanggan.
43:59Nakapaghatid din ang tulong sa Guagua Pampanga at Rodriguez Rizal.
44:03Sa mga nais pong tumulong, maaari kayong magdeposito sa aming bank accounts.
44:11O magpadala po sa Cebuana Luwilir.
44:18Pwede rin pong via QR code ng Gcash at PalawanPay.
44:24O mag-donate online sa G-Bayanihan.
44:28Globe Rewards,
44:29Metro Bank Credit Cards,
44:31Lazada,
44:33at Shopee.
44:42Magandang balita po.
44:44May panibagong gold medal si Pinoy Paul Bolter Ernest John Oviena.
44:49Nakuha yan ni EJ matapos maklear ang 5.82 meters sa 2026 Intertionale Stadion Fest o staff sa Berlin, Germany.
44:59Ang winning moments at panasalamat ipinose ni EJ sa kanyang social media.
45:05Congratulations EJ!
45:39KONIEC!

Recommended