00:04Open makipag-collaborate ang GMA Network sa mga counterpart nito sa Thailand para makapaghatid ng mas marami at mas magagandang
00:13media content.
00:15Pinag-usapan niyan sa pagbisita sa Kapusu Network ng ilang taga Department of International Trade Promotion na nasa ilalim ng
00:22Thai Ministry of Commerce.
00:24Meron ding representatives mula sa Thai Trade Center Manila sa pangunguna ng kanilang director na si Soutini Watana.
00:31Bumisita rin ang ilang Thai actors at kinatawa ng ilang production companies sa Thailand.
00:37Sinalubong sila ni GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group,
00:44Atty. Annette Gozon Valdez at iba pang opisyal ng GMA Network.
00:48Ang goal ng pagbisita ng Thai officials dito ay para palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Thailand pagdating sa pelikula,
00:57TV shows at digital content.