00:00Tulad sa Metro Manila, binahari ng Olongapo Zambales dahil sa hagupit ng hanging habagat.
00:05May ulat on the spot si Bon Aquino.
00:08Bon!
00:12Rafi binaha at nagka-landslide ang ilang kalsada rito sa Olongapo City dahil nga sa walang tigil na pagulan.
00:23Putik dala ng matinding pagbaha kahapon ang nililinis ngayon ng ilang residente sa Acacia Street,
00:28Barangay Gordon Heights nitong umaga.
00:30Sa bahay ng senior citizen na si Onorio Gomez, makikita pa kung hanggang saan umabot ang baha kahapon.
00:37Tuwing habagat, inaasahan na raw nila ang baha kaya naman hiling niya ituloy-tuloy ang dredging sa ilog
00:43dahil patuloy ang pagbaba ng lahar mula sa bundok.
00:46Nagtumbahan naman ang mga puno, poste ng kuryente at ilaw matapos ang landslide sa Barreto National Highway
00:52pasado la 6 ng gabi kahapon.
00:55Bumigay ang pader na nagsisilbing bakod ng lupa.
00:57Isang fruit stall at e-trike din ang nadamay sa landslide pero mabuting walang nasaktan.
01:02Mag-alas 10 kagabi ng isagawa ang clearing operation kaya't naiwasan ang pagbagsak ng puno sa high-tension wire.
01:09Isa pang landslide ang naitala sa Skipper Beach National Highway mag-alas 12 ng tanghali kahapon.
01:15Humambalang ito sa kalsada pero wala namang nasaktan sa nangyari.
01:18Naisa ilalim na ito sa clearing operation kaya't maayos ng nadaraana ng mga motorista.
01:23Nag-baha rin sa Rizal Street, Barangay Barreto pero humupa rin ito bago sumapit ang gabi.
01:28Gutter deep na baha naman ang naranasan sa Manila Avenue, Dewey Avenue at Canal Road sa Subic Bay kahapon.
01:35Halos umapaw din ang Matain River sa Subic at malapit na itong umabot sa kalsada.
01:40Narito ang pahayag ng ilang sa aming nakapanayam.
01:45Wala pa kaming tulog dahil sa dalawang beses na tumasang tubig kahapon.
01:52At makikita ninyo yung hanggang doon ng tubig, halos sa gabewang ang tubig.
02:01Lalo na pa sa likod namin ang ilog, pag umapaw yun, malamang pati dyan sa daan.
02:11Hindi na madaangan ng mga sasakyan.
02:15Pumagsakit ang puno na ito dahil sa kalakasan na ng ulan, walang tigil na ulan.
02:20Yung bigat po niyang puno na ito, tsaka yung lupa ng gagaling sa bundok, kaya nag-iba rin itong ating
02:28mga pader.
02:38Raffi, sa mga oras na ito ay nagsisimula na namang umulan dito sa Olongapo City.
02:43At naghahanda rin yung mga residente dito sa barangay Gordon Heights na binahakahapon.
02:47Lalo na may heavy rainfall warning dito sa Zambales.
02:52Raffi?
02:53Maraming salamat, Von Aquino.
Comments