- 1 week ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
- 'Di bababa sa 95, nasawi sa flash flood at mudslide sa border ng China at Nepal
- Makapal na alikabok tangay ng malakas na hangin, naranasan sa Pasay at Makati
- Pagbabantay sa sub judice rule sa Impeachment trial, hihigpitan; Mga lalabag, paparusahan
- Batang umakyat ng gate habang naglalaro, natuhog ng bakal sa braso
- 2 estudyanteng nagbantang aatake sa 2 eskuwelahan sa Metro Manila, natunton ng pulisya
- DPWH, humingi ng P83.84-B para sa flood control project
- Lalaking tumutulay para magnakaw ng kable ng kuryente, inaresto pero nakalaya rin dahil walang nagsampa ng reklamo
- BFP personnel na nagpapabayad umano ng P500,000 sa gustong magtrabaho sa ahensya, arestado
- Sen. Jinggoy Estrada, dinala sa ospital para sa knee x-ray; 'Di raw nadulas sa banyo, ayon sa BJMP
- Pag-alala at pagpupugay kay country music legend Dolly Parton
- Recitation sa law school, idinaan sa bingo
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Makapal na alikabok tangay ng malakas na hangin, naranasan sa Pasay at Makati
- Pagbabantay sa sub judice rule sa Impeachment trial, hihigpitan; Mga lalabag, paparusahan
- Batang umakyat ng gate habang naglalaro, natuhog ng bakal sa braso
- 2 estudyanteng nagbantang aatake sa 2 eskuwelahan sa Metro Manila, natunton ng pulisya
- DPWH, humingi ng P83.84-B para sa flood control project
- Lalaking tumutulay para magnakaw ng kable ng kuryente, inaresto pero nakalaya rin dahil walang nagsampa ng reklamo
- BFP personnel na nagpapabayad umano ng P500,000 sa gustong magtrabaho sa ahensya, arestado
- Sen. Jinggoy Estrada, dinala sa ospital para sa knee x-ray; 'Di raw nadulas sa banyo, ayon sa BJMP
- Pag-alala at pagpupugay kay country music legend Dolly Parton
- Recitation sa law school, idinaan sa bingo
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00...
00:05...
00:06...
00:07...
00:07...
00:20Bagong ngayong gabi, unti-unting binura ng baha at putik
00:23ang bahaging ito ng Tibet sa border
00:25ng China at Nepal.
00:27Nagsitakbuhan ang mga tao pero inabutan pa rin ang ragasa.
00:31Sa satellite image, bakas ang pag-washout sa lugar.
00:35Sa Rasua District ng Nepal, nakuhana ng baha at putik mula sa kabundukan.
00:40Ayon sa local police, umabot na sa 75 ang kumpirmadong nasawi.
00:44Mahigit 300 turista naman ang nawawala.
00:48Nagpapatuloy ang search and rescue ng gobyerno ng China at Nepal.
00:52Tinitingnang sanhin ng pagbaha ang tumamang lindol sa regyon na nagdulot ng pagduho ng lupa at bato sa isang ilo.
01:04Halos nag-zero visibility sa ilang lugar sa Pasay at Makati dahil sa alikabok na tinangay ng malakas na hangin.
01:11Ang paliwanag ng pag-asa sa report ni Jamie Santos.
01:17Halos mataklo ba ng makakapal na ulap ang bahaging ito ng Pasay City, pasado alas dos ng hapon.
01:23Ayon sa uploader, malakas ang hangin noong mga oras na iyon.
01:27Akala raw nila may sunog sa lugar, hindi-unting nagdilimang paligid.
01:32Tinatayang tumagal ito ng 30 minuto hanggang sa humina ang hangin.
01:37Nasaksihan din iyan sa Makati.
01:39Tingin ang netizens tinangay ng malakas na hangin ng buhangin at alikabok mula sa nire-reclaim na bahagi ng Manila
01:45Bay.
01:46Paliwanag ng pag-asa, hindi sandstorm kundi gust front ang naranasan sa bahagi ng Pasay.
01:52Ito po yung leading edge noong thunderstorm natin.
01:56So sa unahan po noong thunderstorm na iyon ay may malakas na hangin.
02:01Yun po yung tinatawag natin na gust front na nag-displace dun sa mga buhangin dun po sa lugar na
02:09iyon.
02:09So kung habagat, madalas po yung ating mga thunderstorm activities at yung mga thunderstorm na iyon yung nagdadala ng tinatawag
02:16na natin na gust front.
02:17Bukod sa biglaang pagbabago ng visibility, maaari ring may dala itong panganib sa kalusugan dahil sa maliliit na particles na
02:25natatangay ng malakas na hangin.
02:26Kasi yung mga maliliit na particles na iyon ay possible, ay mga well part of pollution nga natin.
02:34So kailangan po talaga, if ever meron po tayong mga gust front, ay magdala na lang po tayo ng pwedeng
02:41panakip sa ating mga ilong
02:42para hindi po natin ma-inhale yung mga harmful na substances na nandun po sa hangin natin.
02:47Jamie Santos, JMA News.
02:50Day 19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
02:54Ilang senator judge ang tila naubusan ng pasensya sa muling pagsalang ng Assistant Chief of Staff ng Office of the
03:00Vice President.
03:02Mas hinigpita naman ang Senate Presiding Officer ang pagbabantay sa paglabag sa subjudicia rule.
03:08May report to Joseph Moro.
03:12The chair hereby strictly enjoins all persons covered by Rule 18 from making public statements or otherwise discussing, sharing or
03:20endorsing comments pertaining to the merits of this pending impeachment trial
03:24and from engaging in trial by publicity.
03:39I hope Senator Judges shall refrain from unparliamentary remarks, personal attacks, imputations of improper motive, and other language incompatible with
03:49the dignity of these proceedings and of parliamentary courtesy to other people.
03:54Ang sabi ni Escudero ipatutupad ang mas mahigpit na pagbubantay sa subjudice rule mula ngayong araw at palalagpasin na ang
04:01mga nakaraang paglabag.
04:03Nag-ugat ang ruling ni Escudero sa reklamo ng depensa sa social media posts ni Private Prosecutor Amanda Virgiligutan ukol
04:10sa misleading questions.
04:12Walang pinangalanan sa pose pero tingin ng depensa tungkol ito sa isa nilang abogado.
04:17I was concerned that the statement made in open courts that misleading questions are allowed will go unchecked.
04:26My teacher's instinct kicked in.
04:30If you are counsel for the parties, you cannot comment on the merits outside of a fair and true report
04:40of what happened.
04:41Sa gitna ng paglalatag sa paghihigpit sa subjudice rule, naglabas ng pahayag ang bise.
04:46Pinatutsadahan niya ang prosekusyon at mga mababatas na nais daw gawing lehitimo ang impeachment complaint kahit nawala ni isang hibla
04:53ng ebidensya.
04:55Sabi pa niya hindi dapat nangingisda ng ebidensya sa paglilitis.
04:58Dagdag pa ng bise kung malakas na ang kaso, hindi na ito kailangang palamutean pa ng pagdadrama.
05:03Ang pahayag ng bise isinumbong ni Lead Prosecutor Congressman Jervie Luistro sa korte.
05:08Tugong ni Escudero dahil wala pang naibababanghatol ang korte noon, hindi pa sakop ng pagbabawal ang mga binanggit ng bise.
05:16Pero inatasan ni Escudero ang abogado ni Duterte na paalalahanan ng bise sa maaaring maging aksyon kung lalabag ito sa
05:22subjudice rule sa hinaharap.
05:24Simple ang paliwanag ng Senate Impeachment Court tungkol sa patakaran sa subjudice ay ito ay para maiwasan ang paglilitis ng
05:31kaso sa labas ng korte.
05:33Ang parusa, sa paglabag dito, posibleng umabot ng hanggang sa Korte Suprema para sa mga abogado may kinalaman sa impeachment.
05:42Sa muli namang pagsalang ni Office of the Vice President Assistant Chief of Staff Lemuel Lartonio,
05:47inungkat ang mga Sen. Judge kung paano natiyak ng OVP na hindi nalustay ang confidential funds.
05:53Kaya nga, Mr. Smart Guy, nung makita mo na ang dami mga informat na binigyan ng mga hundreds of thousands
06:00each para sa gamot,
06:02you could have asked La Chica and said, La Chica, bakit nito ay pumunta sa DOH maghingi tayo ng gawin?
06:07That I cannot answer.
06:08Ngayon, pinakita mo na nagsasalita ka na para kang, sorry sir, sorry sir, nagtatangatangahan.
06:20I personally took offense of that, take offense of that comment, sir.
06:25Now, you're talking about taking offense. Paano naman po yung mga taong bayan?
06:29They're being offended sa paglulustay nyo ng pera. Lumilito na parang nilulustay ang pera dito eh.
06:35Pera ng taong bayan po ito.
06:37With the permission of Senator Judge Tulfo, may the chair replace the word nagtatangatangahan with feigning ignorance on the record.
06:50I see Senator Judge Tulfo nodding.
06:53Pino na naman ni Senator Judge Ping Lakson ang anayitila copy-paste nalaman ng physical and financial plan ng OVP
06:59Confidential Fund noong 2022 at 2023.
07:03Percentage of activities implemented without untoward security-related incidents.
07:14Paulit-ulit po ito ano. Ano pong analysis nyo dyan?
07:18These are the activities that will be done sir.
07:21I know. Hindi ba ito insulto sa common sense?
07:24Hindi man lang nyo binago ng konti.
07:27O ako na mag-describe. I think it's stupid.
07:30Sana man lang binago-bago nyo ng konti.
07:32Tinanong naman ni Senator Judge Robin Padilla ang prosekusyon tungkol sa paggamit ng alias.
07:37Minsan na kasing natanong ng ilang Senator Judge sa baka alias ang mga pangalan sa acknowledgement receipt ng mga tumatanggap
07:44ng confidential funds.
07:45Ang alias po, anong kahalagahan?
07:47I'm not sure of the circumstances surrounding their use of alias.
07:51Under the anti-alias law sir, inaalaw naman po yung paggamit ng alias.
07:56Provided, kailangan po nakabanggit din, nakadisclose kung ano yung real name.
08:02To us, that should be a non-issue because even them, they never claimed that in any of their pleadings
08:07before this Honorable Court.
08:08Kailangan nyo po ba kung sino si Marisal Bonifacio?
08:12To be candid, Your Honor.
08:13I'm not familiar.
08:15Sino po?
08:17Si Binigno Aquino Jr.
08:21Si Ninoy.
08:22Siya mismo may alias.
08:24Tama po.
08:25Si Ninoy Aquino po ang kanyang alias ay Marisal Bonifacio.
08:29Para makauwi po siya sa Pilipinas kung nasa Boston siya.
08:33Pero wala naman po siyang confidential funds.
08:35Joseph Morong, GMA News.
08:37Natuhog ng baka lang isang batang lalaki sa Misamis Oriental.
08:42Nakatuhog pa sa braso ng 9-anyos na bata ang bahagi ng gate habang ipinapasok sa ambulansya para dalhin sa
08:49ospital.
08:50Ayon sa pulisya, naglalaluang bata ng tagutaguan nang akyatinya ang gate ng isang kapilya at naaksidente.
08:57Tikas na ang bata na nagpapagaling sa ospital.
09:01Dalawang estudyante ang nagbantang mamamaril sa dalawang paralan sa Metro Manila.
09:06Sa video ng isa sa kanila, ipinakita pa niya ang mga baril at balang gagamitin umano sa tangkang school shooting.
09:14May hiwalay na post naman ang isa pang senior high school student na may hawak na loaded na revolver.
09:20Nagpakilala siyang kasapi ng isang armadong grupo at maglulunsan umano ng pag-atake para ipaghiganti ang isang kasama.
09:29Natuntun at nakausap na ng Pasig City Police ang dalawang estudyante.
09:33Sinabi ng isa na gawa-gawa lang nila ang pagbabanta.
09:37Nabubuli naman daw ang isa.
09:40Pinag-aaralan ng mga atoridad ang posibleng pananagutan ng dalawa.
09:43Naglagay na ang PNP ng police desks sa paligid ng mga eskwelahan sa Pasig City para makatuwang ng mga gwardya
09:50sa pagtitiyak ng siguridad.
09:53Halos 84 billion pesos ang hinihinging pondo ng DPWH para sa flood control projects sa susunod na taon sa budget
10:02hearing sa Kamara.
10:03Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na prioridad nila ang mga nahintong proyekto dahil sa flood control scam.
10:11Gayun din ang mga imprastruktura ng kailangan ng maintenance at repair.
10:15Hindi pinondohan ang flood control projects ngayon, 2026, dahil sa mga nadiskubring substandard at ghost projects.
10:23Sabi ng DPWH, hihigpitan nila ang paggasto sa pondo.
10:28Wala na rin daw leadership fund ang mga senador na tinukoy ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
10:34Pati na ang umano ay formula para tukuyin kung magkano ang pwedeng ilaan sa kada congressional district.
10:43Nag-alas Spider-Man ang isang lalaki para magnakaw-umanon ang kable ng kuryente sa Quezon City.
10:49Sa kalaoka naman, puntador ng tubig ang tinangay.
10:53Be-report si Marisol Abduraman.
10:58Tila sanay na sanay ang lalaking iyan na naakto ang tinatawid ang mga kable ng kuryente sa barangay Tatalon, Quezon
11:05City.
11:05Ang kanyang buwis-buhay na trip, magnakaw ng kable.
11:09Sinusunog nilang yung wire tapos pag nasunog nila, ibebenta nila.
11:13Yung plastic coating na yan, masusunog.
11:17Ang matitira dyan sa pagsinunog, yung tanso na mismo o kaya yung bronze.
11:22Yun ang binibenta per kilo.
11:24Not only naapektuhan yung mga linya ng kuryente sa barangay.
11:29Nadadamay nga din po yung mga wire ng CCTV namin.
11:33Nasokulang sospek sa follow-up operation pero pinakawalan din kalaunan.
11:37Nag-reach out kami pero wala naman pong lumutang na complainant.
11:41Anong sabi nyo na?
11:43Wala lang, parang hindi sila interesado.
11:45Sa crime against property kasi kailangan mo ng complainant na yung mismong complainant mismo kung sinong may-ari ng item
11:57na ninakaw.
11:58Napag-alaman ang mga otoridad na hindi lang pala sa barangay may dating record ng mga sospek.
12:04Nakulong na rin daw sila dahil sa kasong may kinalaman sa droga.
12:09Contador naman ng tubig ang tinarget ng isang lalaki sa Kaloocan City.
12:14Naaktuhan siyang binabaklas ito mula sa isang bahay sa kasumibat, sakay ng bisikleta.
12:19Ayon sa barangay, pinagkakakitaan ng sospek ang mga ninakaw na metro ng tubig.
12:24Meron dun silang kinukuha, may maliit lang, tapos merong malaki din na kinukuha nila ng buo.
12:31Tansu daw yun, binibenta nila.
12:34Hinahanap ang sospek na ilang beses na rin umanong nagnakaw sa ibang lugar.
12:38Gabriel Gonzalez, GMA News.
12:43Arestado ang isang tauhan ng Bureau of Fire Protection na nagbebenta umanon ng slot sa mga nice makapagtrabaho sa ahensya.
13:02Inireklamo ang sospek ng isang aplikante na pinangakuan umanong makakapasok sa BFP sa halagang kalahating milyong piso.
13:10Ayon sa pulisya, kumagamit ang sospek ng dummy account para makontakt ang mga aplikante.
13:16Noong nakaraang taon umanong nagsimula ang racket ng sospek.
13:19Sabi pa ng PNP, itinuro ng sospek na kasabuat ang isang senior officer ng BFP na meron manong mahalagang papel
13:27sa recruitment process.
13:29Sinampahan ang sospek at senior officer ng reklamong robbery extortion kaugnay ng Cybercrime Prevention Act.
13:38Tinala sa isang pribadong ospital sa San Juan si Sen. Jingoy Estrada para ipa-x-ray ang kanyang tuhod.
13:44Pinayagan si Estrada ng Sandigan Bayan 5th Division noong lunes na ipasuri ang kanyang tuhod.
13:50Pinabulaan na naman ang Bureau of Jail Management and Penology ang mga kumalat na impormasyong na dula sa banyo si
13:57Estrada.
13:58Nakadetene si Estrada sa New Quezon City Jail para sa kasong plunder at graft kaugnay sa maanumalyang umanong flood control
14:06project kickbacks.
14:14Pagpupugay para sa yumaong country music legend na si Dolly Parton, Bumuhos.
14:19Napuno ng mga bulaklak at lobo ang estatwa ni Dolly sa kanyang hometown sa Tennessee.
14:23Nagbalik na raw ang fans sa mga adbukasya ni Dolly at sa kontribusyon niya sa musika.
14:28Nag-alay rin ang bulaklak sa kanyang Hollywood Walk of Fame star.
14:32Inihutos ni US President Donald Trump na ilagay sa half-mast ang mga watawat.
14:36Ang pamosong Empire State Building sa New York City, All Pink and Sparkles.
14:43Kanya-kanyang post din ang tribute ang mga Hollywood stars and personalities mula sa iba't ibang henerasyon.
14:48Kabilang si Beyonce na isa sa mga nag-cover ng kanta ni Dolly na Jolene.
14:53Bukod sa musika, pinagtuunan din ni Dolly ng padsin ang kanyang adbukasya para sa edukasyon.
14:58Kanyang Imagination Library, daan-daang milyong libro ang naipamahagi sa iba't ibang panig ng mundo.
15:05Nakibahagi rin siya sa pagpupondo ng medical research, kabilang ang research na nakatulong sa pagbuo ng Moderna COVID-19 vaccine.
15:13Sa ulat ng ilang US media, nasawi si Dolly sa edad na 80 matapos makipaglaban sa cancer.
15:22Shuvie Etrata meets Pinay tennis ace Alex Iala.
15:25Both served looks sa bigla nilang pagkikita sa New York City.
15:29Nasa New York si Shuvie para magbakasyon.
15:32Darlene Kai, GMA News.
15:40Buminggo na nga sa dami ng babasahin.
15:42Araw-araw pang nasusukat ang swerte ng mga law student sa isang eskwalahan sa Neva Vizcaya.
15:47Dahil ang recitation, tinedesisyonan sa pamamagitan ng bingo.
15:52Pusunayan sa report ni Ian Cruz.
15:57Sa classroom may batas, lalo na sa law school.
16:05Ganito pala ang justisya.
16:08Para just and fair sa recitation, bingo ang may final decision.
16:19Ang mga third year law student na ito sa Nueva Vizcaya, sa bingo na ito, ayaw manalo.
16:28Sa bingo kasi ng guru nilang si Judge Leslie Costales, may kaakibat na numero ang pangalan ng mga estudyante.
16:36Baka sa letrang B, bagsakang abutin, kaya A nila, your honor, pwede favor, awa na lang.
16:47Pero dahil sa ganitong paraan, pinag-iigihan nila ang readings na daan-daang pahina.
16:55Challenge na makatarungan.
16:58Araw-araw pa yan, kaya tiyak, learning is hereby recognized at acquired.
17:05Ian Cruz, GMA News.
17:09At yan ang mga balitang dapat niyong malaman.
17:12Ito ang GMA News.
17:13Walang kinikiningan, walang pinoprotektahan.
17:16Noon at ngayon, serbisyong totoo.
17:18Ako po si Atom Raulio at ito ang State of the Nation.
Comments