00:00Dahil sa kabikabila at sunod-sunod na pagbaha, may mga nagka-alipunga na sa Dagupan, Pangasinan.
00:06Ang ilan sa kanila, mga residenteng lumika sa evacuation centers.
00:10Hindi raw kasi nila maiwasang lumusong sa tubig.
00:13Ayon sa Center for Health Development ng DOH Region 1,
00:17karaniwan ang fungal elements na nagdudulot ng alipunga sa baha
00:20dahil mahilig ito sa marumi at basang environment.
00:24Bukod sa alipunga, pinangangabahan din ang mga kaso ng leptospirosis sa Ilocos Region.
00:29Sa datos ng CHD-1, 85 na ang tinamaan ng leptospirosis infection sa region simula Enero.
00:366 sa kanila ang nasawi.
Comments