00:00Gumbanda na ang panahon at saktong long weekend pa, kaya balik City of Pines ang mas maraming turista.
00:06Mula sa Baguio City, may ulat on the spot si EJ Gomez. EJ?
00:14Rafi, makalipas nga ang mahabang pag-uulan, long weekend naman.
00:20Kaya naman dito sa Baguio City, marami na ang mga kapuso nating bakasyonista.
00:24Bukas ang iba't ibang atraksyon dito sa City of Pines para sa mga turista na pakay daw na talagang ma
00:31-feel ang malamig na Baguio weather.
00:36Ngayong sumisilip na ang araw dito sa City of Pines, sinusulit ng mga bakasyonista ang pamamasyal.
00:44Perfect daw ang ganitong weather na kahit medyo umaaraw ay talagang malamig pa rin ang simoy ng hangin.
00:50May iba na kahapon pa lang ay nasa Baguio na, gaya na lang ng magkasintahang sina Benedictine at Pearl na
00:57bumiyahi pa mula Taguig at Cavite.
01:00Special daw ang pagbisita nila sa Baguio ngayong long weekend.
01:03Galing naman ang Davao si Kyla at kanyang mga kaibigan na namamasyal sa Baguio City hanggang linggo.
01:10First stop nila ang biking sa Burnham Park.
01:13Sa ride park naman, perfect ang walking at jogging.
01:17Pwede rin isama ang inyong fur babies.
01:20Meron ding horseback riding at picture taking sa giant at cool na cool na St. Bernard dogs.
01:28Sa tapat lang ng ride park, matatagpuan naman ang The Mansion na pwede rin bisitahin.
01:33Mapa small or big group, barkada man o pamilya, libre umawra para sa inyong selfies at group shots.
01:41Narito ang pahayag ng aming mga nakausap.
01:46Baguio po kasi, dito po yung place na sinagot niyo po ako.
01:49So actually, mag-anniversary po kami this Sunday.
01:53So ayun po, hanggang Sunday po kami dito.
01:58Malamig.
01:59Ang sarap po nung hangin.
02:00Enjoy po kasi po kasama ko po yung jawa ko po.
02:03And magseselebrate po kami ng first anniversary po namin.
02:06Nakaka-excite siya kasi first time namin dito and maganda siya na experience.
02:10O kaya po kami nag-Baguio kasi mainit po sa Davao ngayon.
02:14So gusto namin ng malamig na hangin.
02:20Naglalaro sa 18 to 20 degrees Celsius ang temperatura dito sa Baguio City.
02:26At sa nakalipas na 20 minutes, umulan na naman.
02:29Pero ang weather kasi dito, Raffi, aaraw tapos pag umaraw, saglitan.
02:34Pero tirik na tirik ang araw.
02:35At pag umulan naman talagang buhos.
02:37Kaya naman yung mga kapuso nating bakasyonista ay kanya-kanyang bit-bit ng payong at pagtila ng ulan bago bumalik
02:43sa kanilang pamamasyal.
02:45Raffi?
02:47Maraming salamat, EJ Gomez.