00:00Nagsasawa na raw ang ilang residente sa Valenzuela at Malabon
00:04dahil paulit-ulit na lang na bumabaha sa kanilang lugar tulad kagabi.
00:09May unang balita live si Gabriel Gonzalez. Gabriel?
00:16Yes, Susan, ilang beses bumuhos ang napakalakas na ulan kagabi hanggang kaninang madaling araw.
00:23Kaya ang resulta, abay bahana naman sa ilang lugar sa Valenzuela at dito sa Malabon.
00:28Yung ilang mga residente napipilitang iparada yung kanilang mga sasakyan doon sa mga matataas na lugar tuwing bumabaha.
00:39Mag-aalas 11 kagabi ng bumuhos ang malakas na ulan sa bahagi ng MacArthur Highway sa Karuhatan, Valenzuela.
00:46Alos mag-zero visibility sa kalsada dahil sa malakas na ulan na sinabayan ang malalakas na hangin.
00:52Wala pang 20 minutong bumubuhos ang ulan, gutter deep na kaagad ang baha sa lugar.
00:58Sa Karuhatan Road, nanatili sa bangketa ang ilang residente dahil sa baha.
01:03Sa Marulas, nahirapang tumawid ang mga motorcycle rider dahil lampas isang talampakan ang baha.
01:09Sa St. Jude subdivision sa Valenzuela pa rin, umapaw na ang creek kaya't binaha ang mga karating kalsada.
01:15Ang ilang rider, lumusong pa rin kahit maaaring tumirik ang motosiklo sa taas ng tubig.
01:21Ang mga puno, tila nagsasayawan dahil sa lakas ng hangin.
01:26Sa Malabon, umapaw na rin ang letrek rik kaya't binaha ang P. Aquino Avenue.
01:32Sa taas ng tubig, halos abuti na ang mga tulay.
01:35Pagdating sa Rizal Avenue, malapit sa Malabon City Hall, abot tuhod na ang baha.
01:40Ang ilang rider, napilitang itulak ang kanilang motosiklo habang ang ibang may sasakyan, pinilit na sumuong.
01:47Ang residenteng si Mark, ipinarada na sa tulay ang kanyang motosiklo kahit sanay na.
01:53Sawang-sawa na raw siya sa taon-taon nilang problema sa baha.
02:11Susan, kung makikita ninyo, dito sa aking likuran, gutter deep pa rin yung baha dito sa bahagi ng Rizal Avenue,
02:17dito yan sa Malabon.
02:19Lakadaraan naman yung lahat ng uri ng mga sasakyan.
02:22Pero yung mga motosiklo, pagdating doon sa gasolinaan sa aking likuran, ay napipilitan silang patayin yung kanilang mga makina.
02:29Dahil kapag hindi nila ito pinatay, paniguradong titirik yung kanilang mga motosiklo at malaki pa problema.
02:35Dahil malaki yung magiging gastos nila. Ilang mga residente, kahit walang bota, ay pinipilit na suungin yung baha.
02:43Kasi ayon doon sa mga nakausap natin, ay talaga namang sanay na sanay na sila.
02:47Pero kung sila tatanungin, e sawang-sawa na raw sila sa ganitong klaseng sitwasyon.
02:53Sa lagay ng panahon, dito sa aking kinatatayuan sa Rizal Avenue, makulimlim yung kalangitan at nagbabadyana naman yung malakas na
03:02buhos ng ulan.
03:03Yan muna ang latest mula rito sa Malabon, Susan. Gabriel Gonzalez, GMA News.
Comments