00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Panibagong karahasan sa isang paaralan.
00:08Patay ang isang grade 10 student ng Atheneo de Zamboanga University
00:13matapos barili ng ka-eskwela ng grade 8.
00:16Na natagpuan ding patay, kinalaunan.
00:19Ang ginamit na armas, baril ng amang Customs Police Chief.
00:23Babala mga kapuso dahil sensitivo ang balitan ito na mahalaga,
00:27lalo po sa gitna ng mga maling kumakalat na informasyon online.
00:32Nakatutok live si June Generacion.
00:34June!
00:39Emil Mel, mga armasga mismo ng ama ang ginamit ng isang estudyante
00:44sa pamamaril sa loob ng isang universidad sa Sambuanga City kaninang umaga.
00:48Dalawa ang kumpirmadong nasawi sa panibagong school shooting,
00:52kabilang ang mismong namaril na grade 8 student.
01:00Kasunod ng pag-alingaw-ngaw ng mga putok ng baril,
01:03ang pagsigaw ng mga junior high school students sa loob ng kanilang campus
01:06sa Atheneo de Zamboanga University.
01:11Ramdaman ng panik, nakapag-lock ng pinto ang mga nasa classroom na ito.
01:15Wag pagingay kasi may dao dito.
01:17At nang may tumunog na alarm.
01:20Baba, baba, baba.
01:22Saka sinanagsimulang maglabasan.
01:26Sa school grounds, nagtakbuhan ng ilang estudyante habang dinig pa ang putok ng baril.
01:34Lalong nakababahala ang kuhang ito na nilivestream online ng grade 8 shooter.
01:39Nakaumang sa harap ng kamera ang baril na katulad ng Angulo sa first-person shooter games
01:44hanggang may mapatay siyang isang grade 10 student sa isang silid.
01:48Pagkatapos mamaril, umakyat ang bata sa 5th floor kung saan ayon sa pulis siya,
01:53ay binaril niya ang sarili gamit ang dalang armas.
01:56Natagpuan din ang bag na may lamang magazine kung saan pinaniniwalaang isinilid ang mga baril na ginamit ng shooter.
02:03Base sa investigasyon ng Philippine National Police o PNP,
02:07dalawang short firearm ang ipinuslite ng shooter sa campus.
02:10Regular pistol ang isa.
02:12Habang ang isa ay mayroong conversion kit.
02:14Kaya nagmukhang assault rifle.
02:16Initially nakita natin may dalawa po yung wala ng buhay.
02:19So i-review pa namin lahat, lahat ng mga CCTV, mga statement,
02:24para mabigay namin sa inyo yung saktong kung anong talaga yung nangyari dito sa insidente po.
02:30Kabilang sa nagihintay ng kasagutan ang mga magulang ng pinatay na grade 10 student
02:35na hindi nakapagpigil ang emosyon ng unang bakita ang anak.
02:40Inaalam pa rin ang motibo ng shooter at kung paano nakapagpasok ng mga barilang bata.
02:45Titigri namin yung kanyang gaming history, kanyang chat history.
02:49So we cannot come up with a complete answer kung ano ang complete forensic analysis kung bakit nangyari dito.
02:57Kinumpirma ng Bureau of Customs, nang namaril ay anak ng Customs Police Chief ng Porto of Zamboanga
03:03at ang mga baril ng huli ang ginamit sa krimen.
03:07Isa sa mga baril ay service firearm na inisyo ng customs.
03:11Kaya may administrative liability ang ama ng bata.
03:14Yung baril na nagamit ay kinoconfirm ko na BOC issued firearm yun.
03:22Yung block.
03:23Yung isa ay personal firearm niya pero license siya.
03:28Agad din siyang tinanggal sa kanyang pwesto.
03:30Kahit naunawaan natin ang sitwasyon niya,
03:32kinakailangan din naman natin siyang tanggalin kagad sa pwesto
03:36upang magkaroon ng tamang investigasyon,
03:38upang magkaroon ng malinaw na resulta kung hanggang saan ang pananagutan niya.
03:44Kansilado ang pasok hanggang bukas sa Ateneo de Zamboanga University.
03:49Prior to this, our security team has been preparing even for simulation exercise
03:58precisely because we understand the value of keeping everyone,
04:03our students and our personnel, safe.
04:06This is our primary, primary objective.
04:09And that is why we are deeply saddened,
04:13deeply, deeply saddened by this incident.
04:16We assure the community, not only the Ateneo,
04:19but even our schools that stronger measures are being done to protect you.
04:29Sa kabila ng panibagong school shooting ay tiniyak naman ang DILG
04:33na sila ay on top of the situation
04:35at gumagawa na raw ng mga hakbang at paraan
04:38para ito'y hindi na masundan pa.
04:40Emil.
04:41Maraming salamat, June Venerasyon.
Comments