Skip to playerSkip to main content
  • 20 minutes ago
Nakipagkuwentuhan ang batikang broadcast journalist na si Kara David kay King of Talk Boy Abunda. Sa kanyang pagbisita ay sinagot din ng award-winning documentarist ang ilang mga tanong mula sa Reddit at TikTok.

Manatili namang nakatutok sa ‘Fast Talk with Boy Abunda,’ weekdays 4:05 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Hello po! Ako po si Cara David at sasagutin ko po ang mga tanong ninyo galing sa TikTok at Reddit.
00:14Wow! Parang Miss Universe yung mga tanong. Shucks!
00:18Pinaka-importanting lesson na natutuhan ko kay Ma'am Jessica ay mag-commute ka.
00:25Hindi. Lagi po itong sinasabi ni Ma'am Jessica na kung maghahanap ka ng storya, huwag ka lang maghanap sa
00:31internet, huwag ka lang maghanap sa social media, huwag ka lang maghanap sa kung ano na yung lumabas.
00:36Go out. Go to the grassroots areas. Go to the ground. As in, mag-commute ka kung kailangan para makuha
00:45mo talaga yung pulso ng mga tao.
00:51Ah! Parang niyo akong pinapili ng pinakapaborito kong anak kasi lahat ng docu na ginagawa ko, kinoconsider ko na parang
01:00anak ko sila.
01:01Pero siguro mapapansin ninyo yung pinaka-malapit sa puso ko yung mga katutubong mga Pilipino.
01:07So mga Aita, mga Mangyan, marami na akong mga ginawang mga documentaries sa mga communities ng mga katutubong Aita at
01:14katutubong Mangyan.
01:23Yung pinaka-challenging, yung talagang pinaka-natakot siguro ako, noong pinagawa ako ng documentary noong, noong, noong time ago sa
01:30Basilan,
01:30at the height of the, yung mga Abu Sayyaf, ganun. And noong time na yun, katulad ng maraming tao, meron
01:37din ako mga stereotype against yung mga kapatid nating mga Muslim.
01:42Naiwan actually ako sa community, tapos yung security, naiwan talaga ako. So I had to spend the night in a
01:50community, and natatandaan ko takot na takot ako noon.
01:53Pero ang babait ng mga kapatid nating Muslim, sobrang binantayan nila kami, tas doon ko na-realize na hindi natin
02:00dapat hinuhusgahan ng isang tao,
02:02dahil lang sa kanyang kasarian, kakayahan, o pananampalataya. Kasi lahat tayo Pilipino, lahat tayo tao. At yun, huwag nating husgahan
02:12ng mga tao dahil lang sa mga bagay na ito.
02:24Ang mission naman namin sa lahat ng docuus na ginagawa namin ay maging instrumento sana ng pagbabago yung aming mga
02:30documentaries.
02:32So sa mga nakakakilala po sa akin, alam niyo po siguro na more than 20 years na po akong merong
02:37scholarship foundation.
02:39So yung dalawang bata po doon sa kapalit ng katahimikan, happy to report to you na nag-aaral na po
02:45sila,
02:46and we are helping them with counseling and with their studies, and hopefully, sana magkaroon pa rin sila ng maayos
02:54at magandang kinabukasan sa kabila nung madilim nilang nakaraan.
Comments

Recommended