00:28Vice President Sara Duterte
00:34Ang inangarap ngayon ng prosecution, si Gina Acosta mula sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
00:41Antemano, sinabi agad na ipinresenta siya bilang hostile witness dahil boss pa rin niya si Duterte
00:49at meron daw itong counter affidavit na pinagtatanggol ang bise kaugnay sa confidential fund.
00:55Tumutol dito ang depensa pero diniklarap pa rin ng presiding officer na hostile witness si Acosta.
01:02Sino po ang boss niyo sa office of the Vice President?
01:05Si Vice President Sara Duterte.
01:08So pag na-impeach si VP Sara o matanggal siya, wala na rin po kayong trabaho doon?
01:15Wala na po akong trabaho sa OVP.
01:17Ang epekto ng pagiging hostile witness, pwede siyang tanungin ng leading questions
01:22o yung mga tanong na naglalaman ng impormasyon na gusto ng prosecution na kumpirmahin ni Acosta.
01:29Ang pagsagot ni Acosta sa mga tanong, may halong bisaya kaya nagtatagal dahil kailangan pa itong isalin sa Ingles o
01:38Pilipino.
01:38Could you have me nag-himong o accomplishment report, Your Honor?
01:44Dalawang behes mo kayo gumawa ng accomplishment report, Ma'am Gina?
01:47Ang kaning-gihatag sa acquire, Your Honor, maon ni ang unang nag-himong, Your Honor.
01:52Yung unang accomplishment report.
01:54Pero tumayo si Senator Judge Irwin Tulfo para tanungin,
01:58bakit noong humarap ito sa pagdinig sa kamera noong November 2024,
02:04nakakasagot naman daw ito ng Tagalog o Ingles?
02:07Hawak niya ang transcript ng testimonya noon ni Acosta.
02:11What is this?
02:14I mean, mabuti po sana pati yung discretionary.
02:17And she's a government official, she doesn't know what discretionary means is.
02:21I mean, what it means?
02:24Dito po, sumasagot naman po siya.
02:26English, Tagalog, tama na po itong paluloko sa atin.
02:30Matapos nito, nabawasan ang pagsasalita sa Bisaya ni Acosta.
02:35Tinanong siya ng prosecution tungkol sa pagwi-withdraw niya
02:39ng 125 million pesos in cash sa Land Bank noong December 2022.
02:45Ito yung confidential fund ng BICE na sinasabing na disbursed o nagamit
02:50sa loob lamang ng labing isang araw.
02:53Para maisalarawan ang dami ng pera,
02:56nagpakita ng letrato ang prosecution lawyer pero umalma ang depensa.
03:01May we just ask as to the source of the photo and how it was generated and produced?
03:09Because we don't have 125 million pesos in cold cash,
03:15so we had to resort to technology.
03:19Is that, Your Honor, artificial intelligence?
03:23This is AI?
03:24Yes.
03:24Generated?
03:25Yes.
03:25Ang pera ay nilagay daw niya sa apat tabag tsaka bumalik sa kanilang opisina.
03:31Doon ibinigay niya ang 125 million pesos in cash kay Colonel Raymond Lechica,
03:37former head ng Vice President Security and Protection Group.
03:42Dati nang ipinunto ng prosecution na sa ilalim ng joint circular ng Commission on Audit,
03:48ang special disbursing officer ang dapat nangangasiwa sa pagre-release ng confidential fund.
03:54Kaya tanong ngayon ang prosecution,
03:56bakit ibinigay niya ang cash sa security ng vice
04:00gayong trabaho niya ito bilang special disbursing officer?
04:04Kasi po, may instruction po sa taas, Your Honor, ang aking head of agency.
04:08Sino ba ang head of agency na nag-utos sa'yo?
04:13Ang nag-utos po sa akin na i-release ang pera na 125M
04:20sa security officer na si Colonel Lechica ay si Ma'am Sara Duterte.
04:26Pinunturin ang prosecution na kay Lechica rin napunta ang confidential fund para sa taong 2023.
04:33Gayong hindi naman daw niya trabaho ito at hindi siya ang special disbursing officer.
04:38Siya po ang may alam, siya po ang expert to Your Honor sa pagpatupad po ng confidential operation and activities,
04:47Your Honor.
04:47Kasi siya po ang may access when it comes to national security, Your Honor.
04:54Pinaalala din ang prosecution ang sinabi ni Acosta sa kamera.
04:58And without the approval of the vice president, will you give that to Colonel Lechica?
05:03Hindi po.
05:04Lumabas din sa pagtatanong na ang inihandang plano para sa pagkakagastusan ng confidential fund
05:10ay walang detalye kundi blanket program lamang.
05:14Sabi ni Acosta, lumalabas na ang detalye ng paggamit ng pera kapag ibinigay na ni Lechica kung saan ginamit ito.
05:22Yung paglilista, pagdiditalye ng expenditures, opo, di ba trabaho niyo rin po yan as SDO slash Project Accountable Officer?
05:34Ang pagsulat po ako pero ang mga expenses po kung saan gamitin kay Sir sa security officer po.
05:48Kasi siya po ang mag-implement ng various confidential operation and activities.
05:53Kaya siya po ang eksperto dito sa ground, Your Honor.
05:58Kinumpirma rin ni Acosta na sa mga dokumentong isinumitin sa Commission on Audit para iliquidate ang milyong-milyong pisong confidential
06:05fund,
06:06wala ang pangalan ni Lechica sa kabila ng papel niya sa paggamit ng confidential fund.
06:12Sa lahat ng mga dokumento isinumitin niyo sa COA, nakasaad ba dyan yung pangalan ni Colonel Lechica?
06:25Wala.
06:32Vicky, meron namang witness kanina na umuwi na nakangiti at yan po si Marivic Pareja.
06:38Siya po yung pinatawag na witness pero hindi na po siya tinanong ng prosecution dahil nagkasundo po ay magkabilang panig
06:45o sila po ay nag-stipulate dun sa mga dokumento na dapat sana ilalamanin ng testimonya po ni Pareja.
06:52Vicky?
06:53Maraming salamat sa iyo, Sandra Aguinaldo.
Comments