Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Arrestado ang limang miyembro umano ng Gapos Gang na nambiktima sa isang bahay sa Marikina.
00:06Mayigit 3 milyong pisong halaga ng pera, alahas at mga gamit ang natangay ng mga suspect
00:11na nagpanggapraw ng mga police at aga National Bureau of Investigation.
00:15Balita natin ni EJ Gomez.
00:21Lumabas ang tatlong lalaki mula sa nakaparadang itim na van sa bahagi ng Marcos Highway sa Marikina.
00:27Ang mga lalaki, mga miyembro ng Gapos Gang ayon sa polisya.
00:32Ito yung nakita-kita muna sila bago pumasok dun sa bahay. Nandyan na sila lahat ang 8.
00:38Dumating ang isa pang kotse na sinatya ng tatlong lalaki.
00:42Lumabas ng parking area ang van, kasunod ang kotse na sinatya ng mga lalaki.
00:47Pasado alauna ng madaling araw nang makarating sila sa barangay Conception 2.
00:52Dito na part sir. Dito sa dulo sir. Diyan nag-stop yung sakyan.
00:58Then bumaba na sila dyan sir. Kasi wala pa silang sot noon na balaklaba.
01:02Dito na sila nagsot sir. Then naglakad.
01:05Di na nakunan sa CCTV pero ang mga lalaking nakatakipang mukha
01:09pumasok sa bahay ng isang negosyante ayon sa polisya.
01:14Nagpanggap daw ang Gapos Gang na alagad ng batas.
01:17Bit-bit ang isang peking search warrant.
01:19Anong kinapakita nila yung dokumento ng search warrant is
01:24napakilala sila bilang polis, NBI, isang kaswat.
01:28Pagpasok nila, agad-agad nilang pinutul yung kawad ng wifi
01:33na nakokonekta sa CCTV ng bahay at ginapos yung mga nandun sa loob ng bahay.
01:40Ang walong biktima sa loob ng bahay, iginapos daw gamit ang cable ties.
01:45Tinutukan din daw sila ng baril ng mga sospek.
01:47Base sa pahayag ng mga biktima sa polisya,
01:50persahang pinabuksan ang isang vault na naglalaman ng 300,000 piso.
01:55Sapilitan din daw pinagsend ng pera ang isa sa mga biktima
01:58gamit ang kanyang online wallet.
02:01Nang makatsyempo gamit ang cellphone,
02:03nakahingin ang saklolo sa polisya ang isa sa mga biktima.
02:06Pagdating po namin sa area, on progress yung robbery.
02:12Then after a split seconds lang, palabas na sila.
02:16Tinangka pa raw gamitin ang mga sospek ang sasakyan ng pamilya ng biktima.
02:21Agad silang tumakbo may pulis.
02:23Kaya nag-isip ka agad ako na hindi legitimate operation yun.
02:27Nakipaghabulan ang mga sospek sa polisya.
02:30Lima sa walong miyembro ng Gapos Gang ang naaresto.
02:33Na kumpis ka sa kanila ang ginamit na cable cutter,
02:37cable ties, duct tape, limang cellphone,
02:41isang mamahaling relo, apat na sumpak,
02:44isang 9mm na kalibre ng baril,
02:46at mga ginamit nilang bonnet pantakip ng muka.
02:49Basin sa pahayag nila sa polisya,
02:51July 8 sila nagtungo sa Marikina
02:53mula Duweva Ecija para man-manan
02:55ang target nilang nakawang bahay.
02:58Nasabi nga po nila dahil extra parang extra income.
03:01Dahil nga sabi nila is mag-backup.
03:05Dahil pag naging successful na mahuli yung ating huhuliin,
03:09mayroon silang kaagad na bayad na 20,000 pesos each.
03:15Kaya naman sumama daw sila.
03:17Sasampahan ang mga sospek ng reklamong robbery
03:20with violence against or intimidation of persons,
03:23usurpation of authority,
03:25slight illegal detention,
03:27falsification of public documents,
03:29at illegal possession of firearms and ammunition.
03:32Natangay naman daw ng tatlong nakatakas na sospek
03:35kabilang ang itinuturong mastermind,
03:37ang vault na may pera,
03:39mga alahas,
03:40at isang cellphone na abot sa 3.4 milyong piso ang halaga.
03:44Hindi titigil ang Marikina City Police Station
03:47at buong pwersa ng Eastern Police District
03:51para kayo ay tugisin,
03:52para kayo ay kasuhan,
03:54at hindi kimihin to hanggat hindi kayo nakukulong.
03:56EJ Gomez,
03:57nagbabalita para sa GMA News.
Comments

Recommended