00:00Sa judicial affidavit na eksklusibong nakuha ng GMA News,
00:04itinitalya ni dating BPWH Secretary Manuel Bonoan
00:07kung paanong nabuo ang bilyong-bilyong pisong Senate Leadership Fund.
00:12Iginit naman ng Malacanang na hindi alam ni Pangulong Marcos
00:15ang tungkol sa Senate Leadership Fund.
00:17Periport si Joseph Moro.
00:21Nang tumistigo sa Sandigan Bayan kahapon,
00:24inihayag ni dating Department of Public Works and Highway Secretary Manuel Bonoan
00:28na nagkaroon ng bilyong-bilyong pisong alokasyon para sa mga senador noong 19th Congress.
00:34Yan ang Leadership Fund na layon daw na mapunduhan ng mga priority infrastructure projects ng mga senador.
00:40Sa judicial affidavit ni Bonoan na eksklusibong nakuha ng GMA News,
00:45isinaad ni Bonoan na isinumbong niya kay Pangulong Marcos
00:47na natatapisa ng budget para sa mga proyekto ng DPWH
00:51dahil sa insertions ng mga mambabatas.
00:54Ika na-alarm rao ito ng Pangulo at iniutos sa tiyaking equitable
00:58o makatarungan ng paglalaan ng pondo sa lahat ng regyon.
01:03Kasunod nito, nabuo ang Senate Leadership Fund.
01:06Sabi ni Bonoan, alam ng Gabinete ng Pangulo na doon kinukuha ang pampondo
01:11sa mga proyekto ng mga senador.
01:13Sinimulan daw ito sa 2024 budget at hanggang 24 billion pesos
01:17ang Senate Leadership Fund kada taon.
01:20Walang itinaktang halaga kung magkano may lalaan kada senador
01:23dahil nasa discretion daw ito ng nakaupong Senate President.
01:27Di ba ba ba sa 500 million pesos ang pwedeng ilaan kada senador?
01:31Di ba ba ba sa 1 bilyong piso naman para sa Senate President
01:34at Chairman ng mga major committee?
01:37Para makagamit ng Senate Leadership Fund,
01:39kailangan daw magsumite ng project list ng senador sa DPWH
01:42na siya namang magbe-verify ka sa mga ito.
01:45Sa 2024 budget, 13.29 billion pesos na Senate Leadership Fund
01:50ang in-avail ng senador batay sa records ng DPWH.
01:54Ang kausap daw noon ni Bonoan ay sino'y Senate President Juan Miguel Subiri.
01:59Sa 2025 budget, nasa 21 billion pesos ang in-avail ng senador.
02:03Sino'y Senate President Francis C. Scudero naman ang nakausap ni Bonoan.
02:07Nauna nang iginiit ni Subiri na niminsan ay hindi raw siya nag-request
02:11o humawak ng anumang listahan ng project request ng mga senador.
02:16Sinusubukan pa ng GMA News na kunin ang panig ni Scudero.
02:20Para sa mga kongresista naman, sinabi na Bonoan na hindi ba ba ba sa 500 million pesos
02:25ang alokasyon kada distrito.
02:27120 million pesos naman ang inilaan sa mga proyekto
02:31ng mga party list representatives noong 2023 at 2024
02:35na itinasa 150 million pesos noong 2025.
02:38Sabi ni Bonoan, bumuo sila ng formula kung paano ahahatiin ng pondo sa mga kongresista
02:44at ikinonsulta daw ito kay Inuoy House Speaker Martin Ramaldes
02:47at House Appropriations Committee Chair, Saldico at iba pa.
02:51Tinanggap naman daw ng liderato ng Kamara ang formula at sinimulang ipinatupad noong 2023.
02:56Ginamit din daw ito sa taong 2024 at 2025.
03:00Hinihingan pa namin ang reaksyon si Narumualdez at Co.
03:03Ayon kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa kanyang judicial affidavit,
03:08hindi raw naging matagumpay ang Senate Leadership Fund
03:11at mas lalong dumami pa raw ang tapyas sa budget ng DPWH para sa taong 2024 at 2025.
03:18Tunayan, tumaas pa raw sa lampas 1 trillion pesos ang budget ng DPWH para sa taong 2025
03:24dahil sa mga congressional initiatives o mga proyektong wala naman sa mga proyekto ng DPWH.
03:31Ayon sa mga pagkakatiwala ang source ng GMA News,
03:33may listahan si Bonoan ng mga pangalan na mga kumuha ng Leadership Fund
03:37at mga nasa likod ng insertions.
03:40Ayon kay Sen. Ping Lakson, wala ng Leadership Fund sa 2026 budget.
03:44Diniyak naman ng Malacanang na wala rin Leadership Fund sa 2027 budget.
03:50No Leadership Fund under 2027 budget.
03:54Kung nangyari po ito sa panahon noon, hindi po ito mangyayari sa ngayon.
04:00Tinanong ang pala siya kung alam ng Pangulo
04:02ang tungkol sa Senate Leadership Fund sa 2024 at 2025 budgets.
04:06Kung alam ng Pangulo yan, hindi niya yan ito tolerate at hindi yan mangyayari.
04:11Pero mga ganito kasing usapan minsan, lihim.
04:14Hindi niya ito kinover up.
04:17Ito namang Leadership Fund, ngayon lang din naman ito lumabas.
04:21Kung hindi pa nagpaimbisigay yung Pangulo, hindi natin ito lahat malalaman.
04:25Joseph Morong, GMA News.