Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, nakataas po ang Yellow Rainfall Warning sa ilang bahagi ng Luzon.
00:05Ayon sa pag-asa, apektado ang Bataan, Zambales at ilang panig ng Cavite at Batangas.
00:10Posible ang pagbahasa mga nasabing lugar sa gitan ng malalakas na ulan.
00:15Tatagal ang Yellow Rainfall Warning hanggang 12.45 ngayong tanghali.
00:19Asahan din po ang paminsan-minsang heavy rain sa Rizal Quezon Province at Nueva Ecija.
00:25Ganyan din po ang dapat paghandaan ng mga tagamuntin lupa, Las Piñas, Paranaque at Pasay
00:31kasamang ilang bahagi ng Pampanga, Batangas, Laguna, Cavite, Tarlac at Bulacan.
00:37Sabi ng pag-asa, kumpara nito mga nakalipas na araw, hindi nakalakasan ang hanging habagat
00:42na nagpapaulan dito sa Luzon at ilang panig ng Western Visayas.
00:46Yan ay kahit na bahagi ang nahahatak ang bahabagat ng bagyong may international name na Nangka
00:52na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
00:55Tropical storm na ang lakas nito at hindi papasok sa PAR.
01:00Mas makakaasa sa maayos at maaraw na panahon ang malaking bahagi ng Visayas at Pindanao
01:05pero may mga chance na pa rin po eh na mga local thunderstorm.
01:15Mainit na balita, suspendido ang face-to-face classes sa Pasig mamayang hapon.
01:20Ayon sa Pasig City Public Information Office, otomatikong suspendido ang in-person classes
01:25mula preschool hanggang senior high school kapag nakataas ang Yellow Heavy Rainfall Warning.
01:32Para po yan sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod,
01:35kabilang ang Early Childhood Development, Centers at Alternative Learning System.
01:41May parehong anunsyo rin ang Quezon City para naman sa mga pampublikong paaralan lamang.
01:46Inaasahang magpapatupad ang mga paaralan sa Pasig at Quezon City ng Alternative Delivery Mode.
01:57Inirereklamo ng ilang motorista ang mga nagkalubak-lubak na daan matapos ang pagulan nitong mga nakarang araw.
02:13Sa Valenzuela, mabagal ang takbo ng mga sasakyan sa MacArthur Highway dahil sa mga lubak.
02:19Sa Marulas, kabi-kabila rin ang mga lubak kung saan na iipo ng tubig.
02:23Nagdudulot ng traffic sa ilang lugar kung saan marami ang lubak.
02:26Bilang tugon sa mga reklamo ng mga motorista, ininspeksyon ng Department of Public Works and Highways ang mga lubak sa
02:32kalsada sa Valenzuela.
02:34Pinaunahan niya ni DPWH Secretary Vince Dizon kasama si Valenzuela Mayor Wes Garchalian.
02:40Sinimulan na ng DPWH ang pagtapal sa mga lubak sa kalsada.
02:48Kawawa yung mga, lalo na yung mga motorsiklo, maraming sumesemprang dito.
02:53So, pinondohan natin ngayong 2026.
02:55And dapat nagumpisa na tayo, kaya gan, wag ang tigil yung ulan.
03:00Magmumobilize na tayo, magsisimula na tayo.
03:02And nagbigay ng timeline sa akin yung mga district engineer.
03:05Sabi niya, 8 to 10 months.
03:07Hopefully in 6 months matatapos na natin doon.
03:10Pero ang importante, makontrol lang natin yung baha.
03:14Hindi mabigis masisira yung mga kalye.
03:19Natagpuan na ang isa sa apat na kabataang nawala matapos maligo sa ilog sa San Jose del Monte, Bulacan itong
03:25lunes.
03:26Kinilala siyang si John Norbert Nipay, 17 anos at aga-barangay Santo Cristo.
03:32Nakita ang katawan niya alas 5.30 ng hapon kahapon
03:35sa mababaw na bahagi ng ilog na sakop ng barangay Parada sa bayan ng Santa Maria.
03:41Positibo siyang kinilala ng kanyang pamilya dahil sa suot niyang bracelet.
03:46Sinusubukan pa silang hingan ng pahayag.
03:49Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang paghahanap sa 13 anos na bitimang si Ron Jean Alciso
03:55na taga-barangay Gaya-Gaya sa San Jose del Monte
03:58at dalawa pang taga-kaluokan na sina Mark Ivan Gerona at Raizen Carl de los Reyes.
04:10Kasunod ng mga naranasang masamang panahon, lubog pa rin sa baha
04:13ang ilang residential area sa Pangasinan.
04:16Sa parangyong poblasyon sa Linggayen, patuloy ang pagbabantay ng mga residente sa antas ng tubig,
04:21lalo na ang mga nakatira sa tabing ilog.
04:24Sa huling datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office,
04:28may gitsandaang barangay sa labig-apat na bayan at syudad ang apektado ng baha.
04:33Binabantayan din ang Marusay River sa Kalasyao na nananatiling nasa spilling level.
04:38Nasa critical level naman ang Sinukalan River sa Santa Barbara at ang Pantal River sa Dagupan.
04:47Pinoproblema ng ilang evacuees sa mga sakit na nakukuha sa baha,
04:50kabilang sa mga yan ang Alipunga.
04:53May ikbiting minomonitor ng health authority sa probinsya
04:55ang kaso ng leptospirosis ngayong tag-ulan.
04:58May isolation rooms na rin na itinayo sa ilang paaralan.
05:02Batay sa datos ng Department of Health Epidemiology Bureau,
05:056% ang ibinaba ng leptospirosis cases mula January 4 hanggang July 18 ngayong taon,
05:10kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
05:16Tatlong South Korean divers ang nasagit matapos tangayin ng alon mula sa Puerto Galera Oriental, Mindoro.
05:23Ayon sa Philippine Coast Guard, nagdive ang mga biktima sa Canyon Reef sa barangay Sinandigan nitong Martes.
05:31Inasahan na aahon sila matapos ang isang oras,
05:34ngunit hindi iyon nangyari.
05:35Naging pahirapan ang paghahanap ng operator ng kanilang speedboat dahil sa kondisyon ng dagat.
05:41Agad ipinagbigay alam sa Coast Guard ang insidente
05:44at natagpuan ng tatlo sa may baying sakop ng barangay San Agustin sa Isla Verde, Batangas.
05:51Ligtas at nasa maayos naman silang kondisyon.
05:53Unibisigahan pa ng Coast Guard kung nasunod ang Maritime Safety Requirements.
06:00Huli kam sa Muntinlupa,
06:02nagpambuno ang isang polis at ang na-corner niyang hold up for umano sa isang footbridge sa barangay Sukat.
06:08Sugatan ang suspect matapos aksidente ang mabaril.
06:11Balita ng atin di Bam Alegre.
06:16Kitang nangigipambuno ang isang lalaki sa naka-uniformen polis sa isang footbridge sa Muntinlupa.
06:21Biglang bumunot ang baril ang lalaki at tinutukan ng polis.
06:24Nasa lag at pilit inagaw ng polis ang baril mula sa lalaki at aksidente siyang nabaril.
06:30May dumating na isang lalaki na tila tumulong.
06:33Ayon sa Southern Police District,
06:34polis mula Muntinlupa ang nasa video na si Police Staff Sergeant Lloyd Francisco.
06:38Nangyari raw ang viral video nitong Martes sa East Service Road, Barangay Sukat.
06:43Rumesponde si Francisco at dalawa pang polis sa isang 911 hotline report kaugnay ng hold up.
06:48Base po sa salaysay ng biktima,
06:51nung magbabaan lahat ng sakay ng jeep sa tapat po ng isang gasolinahan sa East Service Road, Barangay Sukat, Muntinlupa
06:57City,
06:58ay biglang sumakay sa jeep ang suspect.
07:00At agad nagdeklara ng hold up habang nakatutok po sa biktima yung baril.
07:06Nakuha po sa victim yung kanyang cellphone at wallet.
07:08Sa Bud Brichetto, tumakbo ang suspect matabos ang kanyang pang-hold up.
07:13Kaya dito siya hinabol at kinumpronta ng mga polis.
07:16Hindi nagtamo ng anumang sugat o pinsala ang mga rumesponding polis.
07:21Mabutit maagap din po at malakas ang loob ng ating polis na rumesponde.
07:26So balatatlo po yung polis natin nandoon.
07:29Nauna lang po yung si Francisco Lloyd, si PSSG Francisco Lloyd.
07:35Ang suspect binabantayan ng polisya sa ospital habang nagpapagaling.
07:39Wala pa siyang pahayag sa ngayon.
07:41Sasampahan ang suspect ng patong-patong na reklamo kabilang ang robbery,
07:45direct assault sa mga polis at illegal possession ng isang caliber .45 handgun.
07:49Batay po sa report, nagtamo ng tama ng balas sa leeg ang suspect
07:53at agad siyang ginala sa ospital ng Muntinlupa.
07:56Siya po ay kasalukuyang nasa ilalim ng medical treatment
07:59at inoobserbahan po ang kanyang kalagayan.
08:02Ang tatlong rumesponding polis ipinatawag na ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa
08:06at ng mga opisyal ng Philippine National Police para kilalaning ang kanilang katapangan.
08:11Naibalik naman sa biktima ng pang-hold up ang kanyang cellphone, bag at wallet.
08:16Bama Legre, nagbabalita para sa GMA News.
08:19Batay!
Comments

Recommended