- 8 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang mga nangungunang balita ngayong August 13, 2026
- PBBM, isinusulong ang pag-develop ng mga pasilidad para makagawa ng enerhiya mula sa basura
- Bayan ng Calumpit, nasa state of calamity na dahil sa baha
- Maraming paaralan, binaha; 6M estudyante ang apektado ng class suspensions, ayon sa DepEd
- Dating DPWH Sec. Manny Bonoan, isiniwalat na nakatanggap umano ng P500M-P1B ang ilang senador ng 19th Congress | Dating DPWH Sec. Bonoan, itinuro sina Senador Bong Go, Robin Padilla at Jinggoy Estrada na nagpadaan ng listahan kay dating DPWH Usec. Roberto Bernardo | Dating DPWH Sec. Bonoan, binanggit si Sen. Imee Marcos na nagpasalamat sa kaniya; giit ni Marcos, hindi niya alam kung anong pasasalamat ang tinutukoy | Sen. Padilla: Hindi nabanggit na for later release 'yon | Sen. Go: Malisyoso ang testimonya ni Bonoan
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- PBBM, isinusulong ang pag-develop ng mga pasilidad para makagawa ng enerhiya mula sa basura
- Bayan ng Calumpit, nasa state of calamity na dahil sa baha
- Maraming paaralan, binaha; 6M estudyante ang apektado ng class suspensions, ayon sa DepEd
- Dating DPWH Sec. Manny Bonoan, isiniwalat na nakatanggap umano ng P500M-P1B ang ilang senador ng 19th Congress | Dating DPWH Sec. Bonoan, itinuro sina Senador Bong Go, Robin Padilla at Jinggoy Estrada na nagpadaan ng listahan kay dating DPWH Usec. Roberto Bernardo | Dating DPWH Sec. Bonoan, binanggit si Sen. Imee Marcos na nagpasalamat sa kaniya; giit ni Marcos, hindi niya alam kung anong pasasalamat ang tinutukoy | Sen. Padilla: Hindi nabanggit na for later release 'yon | Sen. Go: Malisyoso ang testimonya ni Bonoan
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00To be continued...
00:30Ano na ang mga unang balita.
00:35Sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na critical na ang problema sa basura at isa sa mga nakikitang solusyon ay gamitin
00:42ang basura sa paggawa ng enerhiya.
00:45Yung mga landfill puno na at pamahal na ng pamahal. Ang patating inisip, imbis na landfill dadalhin, dadalhin sa waste
00:53to energy plant.
00:54Ayaw natin na dagdag sila sa emissions so it has to comply with certain environmental requirements. Mga Tokyo, mga Singapore,
01:02wala kayong makakaitang usok. The technology is really proven already.
01:05Sinabi niya ng Pangulong matapos inspeksyonin ang paghahakot ng sandamakmak na basura sa Jokda Boulevard sa Pasay,
01:13gayon din sa Redemptorist Water Channel sa Maclaran sa Paranaque kahapon.
01:17Ay kay Energy Sekretary Sharon Garin, sa Oktubre mapipili ang landfill operator sa magtatayo ng waste to energy facilities pero
01:24abutin pa ng dalawang taon bago tuloy ang mapakinabangan.
01:27Para naman sa Marine Conservation Group na Oceana, hindi dapat sa waste to energy nakatutok ang gobyerno kundi sa pagkontrol
01:37sa napakaraming single-use plastics,
01:40gaya na lang ng mga sachet, mga plastic bag at styrofoam.
01:45Sa halip daw na magpagawa ng waste to energy facilities sa anilay dagdaggaso sa gobyerno,
01:49mungkahin ng Oceana na paitingin ang pagpapatupad ng RA-9003 o Ecological Solid Waste Management Act.
01:58Dapat daw ipagbawal ang non-essential single-use plastics at palawakin ng refilling systems para sa mga produkto.
02:08Dito pa rin po tayo ngayon sa Purukdos ng Barangay Kalison, dito po sa Kalumpit, Bulacan,
02:14at maraming nga pong mga bahagi ng Kalumpit ang lubog pa rin sa baha kasunod ng ilang araw na pag
02:24-uulana.
02:25At makikita po ninyo, itong dito sa lugar na kinaruroonan ko ay hanggang tuhod ang baha.
02:35Pero syempre dahil po nasa 5-6 po ako, syempre pag mas maliit po yung mga dadaan dito,
02:41hanggang bewang na nila, hanggang dibdib yung iba.
02:44Pero pag pumunta po po kayo dun sa, halimbawa, sa Puruktres o sa iba pa pong mga tahanan
02:51na talagang mas mababa yung kinaruroonan ng kanilang mga tahanan,
02:55mas mataas po yung baha para sa kanila.
02:58Itong nga pong kalumpit ay sinailalim na sa state of calamity nitong Martes.
03:02Nasa tabi lang po nila yung Pampanga River,
03:04kaya naman kapag tumaas pa yung tubig doon,
03:07yung gaya pag halimbawa, mag-high tide, nakakadagdag pa yun sa pagpapataas ng baha dito sa kanilang lugar.
03:14As a matter of fact, sa mga sandali po ito, nasa 4.72 meters above sea level yung measurement ng
03:20high tide,
03:20kaya po mataas ang tubig kahit na ambon-ambon lang po yung naranam nasa natin yun dito.
03:27At isa po ito, sa mga tahanan na talagang lubog po sa baha,
03:31tatunayin kanina ay pinansok po nga po yan at talagang karamihan sa kanilang mga kagamitan ay talagang lubog sa baha.
03:40Kumustahin po natin ang may-ari po ng bahay na ito.
03:44Ma'am, hali kayo po.
03:45Good morning po.
03:46Ma'am, ano pong pangalan po ninyo?
03:48Aurora Manlapig.
03:49Aurora Manlapig.
03:50Magandang umaga po sa inyo.
03:51Maganda pa ba ang umaga kahit ganito po ang sitwasyon, Mother?
03:54Eh, nakakalungkot po ang sitwasyon ng buhay namin ngayon.
03:59Dahil nga rin isa dinaraanas ng tubig.
04:03Kaya po sa tuwing umaga, maano kami na sana yung high tide mawala na atang ulan.
04:09Kasi ito po ang nagdudulot sa amin ng ano talaga.
04:12Ito po ba ay talagang halos araw-araw ganito na ang sitwasyon?
04:17O ngayon lang pong dahil sunod-sunod yung mga pag-ulan?
04:20Sa sunod-sunod pong pag-ulan, almost one week na ang tubig.
04:24Oo, hindi bumababa, hindi humuhupa?
04:26Hindi po. Talagang nag-ano na po siya sa ganyang level.
04:30Oo. Pero kapag medyo umaraw naman, bababa rin?
04:33Bumababa po siya. Kaya lang, hindi pa totally na nakalitaw ang karsada.
04:37Ah, ganun po. So, paano po kayo nabubuhay? Ano po ang sitwasyon ninyo?
04:41Paano kayo natutulog yun? Halimbawa, matutulog.
04:44Sa amin nga po, sa tulogan, nakataas na ang higaan.
04:47Okay.
04:47Hindi po po pwede sa bulo pag dahil mababasa ka.
04:51Aros lahat ng gamit namin, nakataas na siya.
04:53Talagang naka-elevate na talaga?
04:56Opo, opo.
04:56Nakakatulog pa naman kayo ng mahimbing ng ganyan?
05:00Ano po, may isang maganda, may oras na tumasang tubig,
05:03nag-aalala na kami kung paano kami, baka abutin yung aming mga higaan, gano'n.
05:07May pagkakataon po ba na halimbawa tulog kayo,
05:09tas parang naramdaman nyo, eh, nabasa na kayo?
05:11Opo, ganun po.
05:12Ay, ganun, gagatulog po yung pagkakataon na yun.
05:14So, nagising kayo dahil sa nabasa na kayo?
05:16Opo, deto po yun.
05:18Nakakaawa naman po.
05:19Pero halimbawa, papasok po kayo sa mga,
05:22kayo po ba'y nagtatrabaho?
05:23O kayo mga anak nyo nag-aaral?
05:24Opo.
05:25O paano po sila?
05:26Paano po sila?
05:27Eh, inaano po nila, ilalakad nila yung kabuuan ng tubig na yan
05:30para sila'y makapasok lang at pagkatapos, sa ano, maaga silang gigising.
05:36Ano na lang po ang panawagan po ninyo sa gobyerno?
05:38Eh, sana po yung sinagagawang ano rito sa flood control, eh, maisa ayos agad.
05:44Para naman magkaroon kami ng pag-asa dahil yun ang pag-asa namin sa buhay,
05:48yung malutasa ng problema ng mamamayan.
05:50Alright, marami-marami pong salamat, Ma'am Aurora,
05:53at isa nyo po kami sa panawagan na yan
05:55para sa inyong mga residente rito sa Kalumpit, Bulacan,
06:00at syempre sa lahat ng mga binabaha po.
06:01Maraming salamat po, ingat po kayo ha.
06:03O samantala po mga kapuso, dahil na po sa masamang panahon,
06:07eh, apektado ang pag-aaral ng maraming mga estudyante,
06:10ayon po yan, sa Department of Education.
06:13Bukod kasi sa class suspensions,
06:15ay nalubog sa baha ang ilang mga eskwelahan.
06:17Ang iba naman, nagsisilbing evacuation centers.
06:20Narito po ang aking unang balita.
06:25Di nagtatapos sa mismo mga estudyante
06:28at mga nakansela nilang klase
06:29ang epekto ng sunod-sunod na pagsusungit na panahon.
06:34Paano kung ang kanilang paaralan nalubog sa baha?
06:3728 eskwelahan sa Malolos, Bulacan pa lang.
06:40Saan sila mag-aaral kung maski daan papasok
06:43ay baha tulad sa Kalapan Oriental, Mindoro?
06:47O kung lubog sa tubig ang mga koridor at plastro
06:50tulad sa isang ito sa Cagayan.
06:52O kung hindi nga binaha, may gumuhon namang lupa
06:55tulad sa Latrinidad Benguet.
06:57Ayon kay Department of Education Secretary Sonia Angara,
07:00nagsisikap pa rin magklase, hindi nga lang face-to-face.
07:03Nagdevelop tayo ng mga modality na pwedeng nasa bahay lang,
07:08pero may ongoing learning programs.
07:11Ang iba naman tulad nitong Santolan Elementary School,
07:14ginamit na evacuation center.
07:16Ilang araw tuloy suspendido ang face-to-face classes ng mga estudyante.
07:19Kaya hiling ng principal kay Angara na dumalaw rito,
07:23magkaroon ng hiwalay na evacuation center.
07:25Kung meron po evacuation center po na dagdag,
07:28ang school po natin hindi po maaapektuhan.
07:30That's always the target to have face-to-face bullying.
07:33We'll need the help of DPWH siguro dyan dahil yung batas dyan is
07:38DPWH yung responsibility to build evacuation centers.
07:42Walong libang para lan ang naapektuhan ng mga klase dahil sa mga suspensyon.
07:46Ang initial report sa amin, covering over 6 million students na cancellations.
07:53Pati mga magulang nag-aalala na sa pagkatuto ng mga estudyante
07:56kung hindi face-to-face ang klase.
07:58Kasi mahirap po pag sa bahay, hindi po natuturoan ng maayos
08:04kasi lalo na kung may baby pa ako.
08:07Parang putol-putol ngayon, hina-home study ko siya.
08:09Ayon sa DepEd, may mga nakalaang paraan daw sa bagong 3-term school year
08:14para habulin ang mga araw ng pagkawala ng klase
08:16at maibsan ang learning loss.
08:19Ito ang unang balita. Mariz Umali, GMA News.
08:24Dumipensa ang mga senador na binanggit ni dating DPWH
08:27Secretary Manuel Bonoan sa kanyang pagtestigo sa kasong malversation
08:31labang kay dating Senador Bong Revilla.
08:33Sabi ng dating kalihim, nakatanggap umano ng leadership fund
08:36na hanggang 1 bilyong piso ang mga senador noong 19th Congress.
08:41May unang balita si Maki Pulido.
08:46Leadership Fund
08:48Kung tawagin ni dating Department of Public Works and Highways
08:51o DPWH Secretary Manuel Bonoan
08:54ang alokasyon sa budget na inilaan sa mga senador ng 19th Congress.
08:58Pagtestigo niya sa malversation case
09:00labang kay dating Senador Bong Revilla sa Sandigan Bayan,
09:03sinabi niyang may tig 24 billion pesos
09:06ang inilaang pondo para dito
09:07sa 2024 at 2025 DPWH budget.
09:12Hindi bababa sa kalahating bilyong piso
09:14kada senador,
09:15isang bilyong piso kung chairman ng kumite
09:17o may Senate leadership position.
09:20Si Senador Migs Zubiri,
09:21na noong ay Senate President,
09:23ang may discretion umano sa hatian.
09:25Pero tugon ni Zubiri,
09:26ni minsan hindi siya nag-request
09:28o humawak ng anumang listahan
09:30ng project request ng mga senador.
09:32Lahat umano ng request
09:33ay idinaan sa Senate Committee on Finance
09:36na tagapangasiwa ng budget process sa Senado.
09:39As long as it is no corruption,
09:41it is transparent and requested by the agency,
09:45I don't see anything wrong, Mr. President.
09:48So again, I reiterate
09:50that there is nothing wrong
09:52with the institutional amendments
09:54for as long as projects are properly implemented,
09:57that they are neither ghost projects
10:00nor substandard.
10:01Nang tanungin naman ng prosekusyon si Bunoan
10:04kung sino pa ang nagpadaan ng listahan
10:06kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
10:10itinuro ni Bunoan
10:11sina Sen. Bongo, Robin Padilla at Jingoy Estrada.
10:15Natanong din si Bunoan ang Mahistrado
10:17kung may nagpasalamat ba
10:18sa mga nagpalista ng proyekto.
10:20Maliban daw kay Revilla,
10:22nagpasalamat rin daw si Sen. Aimee Marcos.
10:25Sabi naman ng senadora,
10:26hindi niya alam kung anong sinasabi ni Bunoan,
10:28pero lagi daw siyang nagpapasalamat
10:30sa mga ahensyang nagdadala ng proyekto
10:32sa kanyang probinsya.
10:34Kababayan ko si Sekretary Bunoan,
10:37hindi ko alam kung anong pasasalamat
10:39ang tinutukoy diyan.
10:41Nagpapasalamat rin naman ako
10:42kay Sekretary Gatchalian,
10:44dati Sekretary Erbosa.
10:46Ayon naman kay Sen. Robin Padilla,
10:48Sana lang po sa susunod,
10:50pag kami nagsulat ng ganyan,
10:51ituloy-tuloy nyo naman
10:52kasi nabanggit kami,
10:54pero hindi nabanggit na FLR yun
10:56for later release.
10:57Si Sen. Bonggo sinabing malisyoso
11:00ang naging testimonya ni Bunoan.
11:02Sigurado po ako na wala naman tayong
11:04ipinasang listahan kay Yusek Bernardo.
11:08Sa anumang listahan na yan,
11:10pakiklaro lang po na napakaraming listahan
11:12talaga ng proyekto na dapat aksyonan
11:14ng DPWH sa ngayon.
11:15Pero hindi ito nangangahulugan
11:18na konektado po ito sa flood control
11:20o korupsyon.
11:21So bago lagyan ng kulay,
11:23ang pagbanggit ng pangalan ko
11:25ni Sen. Robin sa kanyang testimonya,
11:29bigyan sana ng tamang konteksto.
11:31Hinihinga namin ang reaksyon
11:33si Sen. Estrada.
11:34Ito ang unang balita,
11:36Maki Pulido, GMA News.
Comments