- 9 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang mga nangungunang balita ngayong October 2, 2026
- Ilang bahagi ng Maysan Road na dating malubak, naayos na; ilang motorista, ramdam ang ginhawa sa biyahe
- Ilang pedestrian, may takot at pangamba kahit tumatawid sa tamang tawiran | Ilang sasakyan, sa pedestrian lane nakaparada at nagbababa ng pasahero | Ilang pedestrian, hindi sa tamang tawiran tumatawid | Hiling ng ilang pedestrian, sana ay may sapat na countdown sa tawiran
- LRTA: Tatagal ang interval o pagitan sa pagdating ng mga tren ng LRT-2 habang ina-upgrade ang train operating control panels
- Abogado ni Rep. Leandro Leviste, iginiit na walang nilabag na batas ang Solar Para sa Bayan Corp. | Posibleng pagpapakansela ng passport ni Rep. Leandro Leviste, pinag-aaralan ng NBI; DILG, hihiling din ng Interpol red notice | DOJ Sec. Vida: Rep. Leandro Leviste, kailangang personal na pumunta sa Makati RTC kung magpipiyansa | Dalawang kapwa-akusado ni Rep. Leandro Leviste, nagpiyansa
- Sen. Padilla, Sen. Go, at PDP-Laban, nagpetisyon sa Korte Suprema laban sa pagbaba ng basehan ng voting threshold para ma-convict si VPSD
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Ilang bahagi ng Maysan Road na dating malubak, naayos na; ilang motorista, ramdam ang ginhawa sa biyahe
- Ilang pedestrian, may takot at pangamba kahit tumatawid sa tamang tawiran | Ilang sasakyan, sa pedestrian lane nakaparada at nagbababa ng pasahero | Ilang pedestrian, hindi sa tamang tawiran tumatawid | Hiling ng ilang pedestrian, sana ay may sapat na countdown sa tawiran
- LRTA: Tatagal ang interval o pagitan sa pagdating ng mga tren ng LRT-2 habang ina-upgrade ang train operating control panels
- Abogado ni Rep. Leandro Leviste, iginiit na walang nilabag na batas ang Solar Para sa Bayan Corp. | Posibleng pagpapakansela ng passport ni Rep. Leandro Leviste, pinag-aaralan ng NBI; DILG, hihiling din ng Interpol red notice | DOJ Sec. Vida: Rep. Leandro Leviste, kailangang personal na pumunta sa Makati RTC kung magpipiyansa | Dalawang kapwa-akusado ni Rep. Leandro Leviste, nagpiyansa
- Sen. Padilla, Sen. Go, at PDP-Laban, nagpetisyon sa Korte Suprema laban sa pagbaba ng basehan ng voting threshold para ma-convict si VPSD
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:10Transcription by CastingWords
00:33Transcription by CastingWords
01:11Transcription by CastingWords
01:30Alternating o halinhina ng galaw ng mga sasakyan na dumaraan sa north at southbound lanes ng Maison Road.
01:36Ibig sabihin kailangang tumigil ang mga sasakyan na ngaabot sa 2 to 3 minutes at least for this hour
01:42para padaanin ang mga sasakyan sa kabilang linya dahil isang linya lamang ang bukas.
01:47Ang epekto nito mahabang trapiko lalo na tuwing rush hour.
01:53Grabe ho. Andami mong pwedeng iwasan pero wala ka nang maiiwasan.
02:01Kaya grabe ngayon, pasalamat kami na maayos na ho. Malapit na ho matatapos yung lubak-lubak.
02:07Walang lahat ng sasakyan, madandaan lang.
02:14Malaki rin. Kasi sobrang traffic yun. Padandaan lang yung sasakyan, hindi tuloy-tuloy ang takbo eh.
02:20Kahit di man lang abuti ng December po. Para hindi man sobrang traffic.
02:29Susan, kung ating maaalala ay hindi mo na ipinapatupad yung no-contact apprehension policy o NCAP dito sa Valenzuela.
02:37Dahil yan sa dami ng road works dun sa major thoroughfares.
02:41Isa kasi sa may tuturing na major thoroughfares, etong maysan road.
02:44At update lamang sa sitwasyon dito, etong ating nilalakaran eh bagong sementong ito.
02:50At abot hanggang dun yung nagawa ng kalsada.
02:53At gaya nga nang nasabi natin, yung traffic dito eh halinhina no-alternating.
02:59Kung kaya't minsan, lalo na tuwing rush hour, abot hanggang dun sa Paso de Blas yung haba ng trapiko.
03:07At ngayon, magtanong tayo dun sa ilang mga motorista na ating mga nakikita rito,
03:12kung ano ba yung experience nila dito sa bagong gawang parts ng maysan road.
03:20Tay, interviewin ka lang po namin saglit. Live po tayo ngayon sa unang hirit.
03:23Ano ba ang experience ninyo dati nung ubod ng lubak pa rito?
03:28May hirap.
03:29Kay lahat na mga pang-ilayim namin sa JIP, nasasira.
03:33Oo. Ngayon na medyo ayos na, sir?
03:35Okay na.
03:37Hindi ibig sabihin na gawaan din nila ng paraan.
03:40Okay.
03:40Pero marami pa rin ginagawa?
03:43Grabe naman ang trap.
03:43Wala pa namang isang baan. Magtis lang dahil ginagawa naman.
03:48Maraming maraming salamat, Kuya. Magtatanong pa tayo dun sa ilang parts.
03:52Susan, dito sa maysan road, ito ang bilis kagad na humaba ng trapiko dahil anong oras na rin, rush hour
03:59na rin.
04:00Maraming mga motorista bumibiyahin na rin.
04:03Kuya, tanongin ka lang namin, saglit lang ho. Live po tayo ngayon sa unang hirit.
04:07Ano po ba experience ninyo nung medyo malubak pa dito?
04:12Masisira yung sasakyan namin, sir.
04:14Ganong kalala?
04:15Oo, ganun po.
04:16Ngayon na medyo ayos na. Kumusta?
04:19Medyo maganda-ganan naman po. Sana tuloy-tuloy na ito na.
04:23Pero bago naman yung trapik.
04:25Okay lang po.
04:27Sige, sige.
04:28Ayan, nag-go na yung mga sasakyan, Susan.
04:31Kung kaya't kailangan natin putulin saglit yung ating interview.
04:34Ito yung sitwasyon dito sa Maisan Road ngayon dito sa Valenzuela.
04:38At nakatakda itong inspeksyonin ni DPWH Secretary Vince Dizon
04:42para i-check yung progress doon sa mga ginagawang roadworks dito.
04:46Yan muna ang latest mula rin dito sa Valenzuela.
04:49Gabriel Gonzalez, GMA News.
04:52Ang kalsada, shared space na mga motorista at pedestrian.
04:57Kaya shared responsibility rin ang pagsunod sa batas trapiko
05:00para hindi makaabala at walang madisgrasya.
05:03Lalo na po sa pedestrian lanes na dapat ay ligtas na espasyo
05:07para sa mga tumatawid.
05:09Live mula sa Marikina, may unang balita.
05:11EJ Gomez.
05:12EJ?
05:17Susan, good morning.
05:18Maraming nga nga insidente o disgrasya sa pedestrian lane
05:22ang naitatala sa bansa na ikinasawi ng ilang tao.
05:25Kaya may takot at pangamba ang ilang pedestrian na nakausap natin.
05:30At para iwas disgrasya, may pakiusap sila sa mga motorista.
05:38Ang pedestrian lane ay para sa mga taong patawid ng kalsada.
05:42Pero para sa ilang pedestrian, gaya ng magkaibigang sina Summer at Kay,
05:47parang hindi naman.
05:49Tila motorista raw kasi ang nasusunod sa tuwing tatawid sila.
05:53Naka-stoplight na po siya.
05:56Nakahinto na po yung mga sasakyan.
05:57And pagtawid ko po nasa kalagitnaan po ako,
05:59meron pong marurot na sasakyan ganun.
06:02Di nahagip po ako ng kaunti.
06:03Lahat naka-stop.
06:05Then bigla ko tumawid, paglingat ko, may dumaan.
06:09So, para sa akin, di talaga safety yung mga ganong klaseng mga driver.
06:14May ilang sasakyan pa nga na sa mismong pedestrian lane pa nakapark.
06:19Gaya na lang dito sa tawiran na ito, sa intersection ng Shoe Avenue at Sumulong Highway sa Marikina.
06:25May ilang rider din na sa pedestrian lane nagsasakay ng pasahero.
06:30At itong jeep na ito, naka-stop o red light pero sa pedestrian lane pa tumigil.
06:37Dito naman sa A. Bonifacio Avenue, pagkadaan ang ilang pedestrian at kahit naka-go signal pa sa pedestrian lane,
06:44dire-diretso lang ang sasakyang ito.
06:47So ano, pedestrian na ba talaga ang mag-a-adjust?
06:52Ang 61-anyos na Sitchona lagi raw tumatawid sa tamang tawiran para iwas disgrasya.
06:59Wala kang karapatang mag-reklamo kung ikaw mismo hindi ka sumusunod sa batas.
07:04Sumunod lang tayo, tumawid tayo sa tamang tawiran.
07:08Sana naman sa mga driver, once na naka-stop na, pagbigyan na yung mga taong kailangan tumawid.
07:15Police stop talaga, hindi yung nag-aalangan pa.
07:18Pero may mga pedestrian ding pasaway.
07:21Si ate na may hilang trolley bag mula sa palengke, hindi pa nilubos ang pagtawid sa tamang tawiran.
07:27Si kuyang kargador naman sa mismong gitna ng intersection tumawid habang tinutulak ang pushcart na puno ng mga gulay.
07:35Ang pag-iwas sa disgrasya sa kalsada ay shared responsibility ng mga pedestrian at motorista.
07:42Ang mga pedestrian dapat tumawid sa tamang tawiran.
07:46At ang mga motorista dapat magmaneho ng tama.
07:56Susan, isa pang hiling ng mga pedestrian na nakausap natin ay sana raw,
08:01yung mga tawiran na may mga countdown, gaya na lang nito nasa aking likuran,
08:05may sapat daw na bilang para sa mga tumatawid, para hindi naman daw naghahabol yung mga tao,
08:11lalo na yung mga PWD o yung may mga kapansanan, mga buntis at syempre yung mga bata.
08:17At yan ang unang balita mula po dito sa Marikinas City.
08:22E.J. Gomez, GMA News.
08:26Abiso sa mga suki ng LRT2, tatagal po ang interval o pagitan ng pagdating ng mga trend dahil sa sinasagawang
08:32upgrade.
08:33Ayon sa Light Rail Transit Authority, pinapalitan nila ang digital,
08:37ng digital ang analog train na operating control panel.
08:42Tuwing lunes, sampung trend pa rin ang bibiyahe para sa inaasahang dagsa ng mga pasahero.
08:46Pero mula Martes hanggang linggo, siyam na trend na lang ang idedeploy.
08:51Ayon sa LRTA, ito ang unang beses na papalitan ang TOCP ng LRT2.
08:56Wala na mag-operate ito noong 2004.
09:00Pakatutulong daw ito para gawing automated ang paghahatid ng announcement sa mga pasahero.
09:12Pinag-aaralan ng mga opisyal ng gobyerno ang pagpakansela ng passport at paghiling ng Interpol Red Notice
09:19para mapauwi si Batangas First District Representative Leandro Leviste
09:22kung ngayon sa kanyang kasong paglabag sa Public Service Act.
09:26Sabi naman ang abogado ng kongresista, harassment.
09:30Ang pagkakaso at paglabas ng arrest warrant laban kay Leviste.
09:36May unang balita si Darling Kai.
09:42Mayo nitong taon, kinasuhan ang paglabag sa Public Service Act si Batangas First District Representative Leandro Leviste.
09:48Kaugnay ito ng hindi umanupagtupad ng solar para sa Bayan Corporation sa mga dapat na gawa nila
09:53sa ilalim ng 25 taong prangkisang ibinigay sa kanila noong 2019.
09:59Chairman, President at CEO nito si Leviste.
10:01Limang buwan matapos sampahan ang kaso si Leviste,
10:05naglabas ng arrest warrant ang Makati RTC Branch 235.
10:08So we are given a copy of the warrant.
10:10So of course we're from the law enforcement.
10:13We are entitled to PNP and the FBI.
10:16Sabi ng tagapagsalita ni Leviste, inasahan na raw nila ito.
10:19Wala namang crime na kumita dun sa solar na bayan na franchise.
10:23Gusto dito sinasabi na the crime committed is violation of the Public Service Act.
10:29In the first place, hindi public utility.
10:31Ang solar ng bayan franchise.
10:33Wala araw na labag na batas dahil hindi naman daw talaga na ipatupad ang prangkisa ng solar company
10:38dahil sa mga hindi na ibigay ng DOE.
10:40Hindi kasalanan ng franchise kung bakit hindi niya na-implement
10:44because the DOE did not issue rules and regulations and identify the places.
10:48Pangharas lang siya at sasagutin namin yan sa korte.
10:51Sa isang Facebook post, nagpasalamat si Leviste sa mga sumusuporta sa kanya
10:55at sinabing maliit na bagay ito kumpara sa ibang nangyayari.
10:59Pwedeng magpiansa si Leviste ng 72,000 pesos.
11:03Sabi ng tagapagsalita ng kongresista,
11:06hindi nila napag-usapan kung uuwi siya para magpiansa.
11:10August 2 pa umalis sa bansa si Leviste
11:12kasama ang kanyang inang si Senadora Loren Legarda
11:14na sumasa ilalim sa medical treatment.
11:16Pinag-aaralan ng NBI ang posibleng pagpapakan sila sa passport ni Leviste.
11:20The last report was in France at Germany
11:23but of course we have to coordinate with European Immigration
11:26and also siyempre DFA and the House of Representatives.
11:32Magpapatulong din sa International Police o Interpol
11:34ang Department of the Interior and Local Government.
11:36So apply na namin sa PT Transnational Crimes
11:43para makuha na red notice.
11:44Muin na sila, face the charges, face the accusations.
11:47Sabi ni Justice Secretary Frederic Vida,
11:50kailangan daw personal na magpakita sa korte
11:52si Congressman Leandro Leviste para makapagbiansa.
11:55Hindi niya raw ito maaaring gawin sa isang embahada
11:57na nasa labas ng bansa
11:58o kaya ay sa pamamagitan lamang ng kanyang abogado.
12:02Kaya nananawagan si Vida kay Leviste
12:04na sundin ang utos ng korte.
12:06Respect the jurisdiction of the courts.
12:08Kasi pag hindi tayo sumunod sa utos ng korte,
12:11ang binabastos natin yung sistema.
12:13Hinikayat naman ang malakanyang si Leviste
12:15na harapin ang kaso.
12:17Kung meron naman pong sapat na ebidensya,
12:19si Congressman Leviste,
12:22maaaring niya naman po itong labanan
12:24at ipagtanggol ang kanyang sarili.
12:27Dito niya mapapatunayan na
12:28isa siyang magiting na leader
12:32kapag hinalap na ito mismo.
12:35Dalawang kapo akusado naman ni Leviste
12:37na opisyal din ang solar para sa bayan
12:38ang nagpiansa.
12:39Pansamantala silang pinalaya
12:41at itinakda na ang kanilang arraignment.
12:42Ito ang unang balita.
12:45Darlene Cai, GMA News.
12:50Iginiit ni Senador Bongo
12:51na 24 pa rin silang senador
12:53at yan ang dapat gamitin
12:54basihan ng two-thirds
12:56para makonvict
12:57si Vice President Sara Duterte
12:58sa impeachment trial.
13:00Sinabi niya yan,
13:01kasabay ng paghahain nila
13:02ng petisyon sa Korte Suprema
13:03laban sa desisyon
13:05ng Senate Impeachment Court
13:06itong September 23
13:07na baguhin ang basihan
13:08ng voting threshold.
13:09Kasama niyang petitioner
13:11si Sen. Robin Padilla
13:12at ang PDP laban.
13:14Pumiling sila na ibalik
13:15sa labing anim
13:15ang voting threshold.
13:17Sabi ni Go,
13:18pinahihintulutan
13:19ang simple majority
13:20para baguhin
13:21ng Senate rules
13:22pero hindi raw ito
13:23dapat gamitin
13:23para amyendahan
13:24ang konstitusyon.
13:26Guit niya,
13:27ang mga senador
13:27absent man o nakakulong
13:29ay nananatili pa rin
13:30senador.
13:31Sabi ni Go,
13:32ang kanilang petition
13:33for certiorari
13:34and prohibition
13:35ay walang kinalaman
13:36sa guilt,
13:36guilt o innocence
13:38ni Vice President Duterte.