Skip to playerSkip to main content
Sa gitna ng maulang panahon, mahigit 100 bahay naman ang natupok sa sunog sa Malate sa Maynila.


Ang apoy, nagsimula raw sa isang paupahan na sinadya umanong sunugin.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna ng maulang panahon,
00:02mahigit isang tangbahay naman ang natupok sa sunong sa Malate, sa Maynila.
00:07Ang apoy nagsimula raw sa isang paupahan na sinadya o manong sunugin.
00:14Nakatutok si EJ Gomez.
00:23Naglalagablab na apoy ang gumising sa mga taga-barangay 739 Malate, Maynila
00:28pasado alauna ng madaling araw kanina.
00:33Sa gitna ng pagliyab, bumagsak ang isang bahay.
00:38Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog.
00:41Ayon sa barangay, hindi bababa sa isandaan at limampung bahay ang tinupok nito.
00:46Dahil sa light materials yung akin mga kabarangay, mabilis siyang tinupok ng apoy.
00:50Nasa isandaan mahigit yung mga bahay o nasunog.
00:53Sa akin likuran, apat na palapag yan, maraming kwarto yan.
00:56Kinailang ang umakyat ng mga bumberos sa mga bubong para apulahin ang apoy.
01:01Ilang residente naman ang nagtulong-tulong para mag-igib ng tubig mula sa creek,
01:05pandagdag sa supply ng mga bumbero.
01:07Medyo nahirapan lang kami sa supply kasi malayo yung ibang fire hydrants.
01:12Din yung ibang hydrants na aming na-identify.
01:16Medyo mahina nga lang po yung pasok ng tubig.
01:18Kaya mas marami yung nababawa sa truck kaysa pumapasok sa truck.
01:22Kabilang sa mga nasunugan, ang pamilya ni Rosalina na wala rin na isalbang gamit.
01:27Second floor kami. Tapos pagbaba namin, nakita na lang namin yung sa may bubong umaapoy na rin.
01:33Ang laki ho talaga eh. Naglilag, naglalagablab yung apoy. Buhay lang ang naisalba.
01:38Si Princess naman inilikas ang kanilang mga anak.
01:42Paglabas ko, nandito na yung apoy. Tapos inun ako na rin pong palabasin yung mga bata.
01:46Masyado na talagang malaki. Nakakataranta na po talaga.
01:50Bumiyahin naman mula pa sa Makati City si Rene para respondihan ang kanyang naiwang pamilya.
01:56Tanging mga alagang aso lang daw nila ang kanilang naisalba.
01:59Sa trabaho po ako naka-duty. Tapos sinawagan lang na ako ng asawa ko na sabi malapit na sa amin
02:05yung sunob.
02:06Kaya tumakbo ka agad ako dito. Sobrang stress kasi. Kakabahan ka talaga dahil wala eh.
02:16Wala. Tapos wala pang nadala na kahit ano.
02:19Sa apat na palapag na paupahang bahay umano, nagsimula ang apoy.
02:24Tinunog daw yung bahay ko ng tenant ko. Hindi ko nga alam eh kung anong daylan.
02:29Nag-aaway daw tapos maya-maya. Pagtapos nang galabugan, biglang nagliab na yung bahay ko.
02:35Hindi ko na alam kung asal eh.
02:37Hindi ba maba sa 250 pamilya o mahigit-anin na raang individual ang apektado ng sunog ayon sa BFP.
02:45Wala namang naitalang na sawi.
02:47Isang lalaki ang nirespondihan matapos mahirapan sa paghinga dahil sa kapal ng usok.
02:52Nasa mahigit pitumpo ang track ng mga bombero na rumisponde.
02:56Tuluyang naapula ang apoy kanilang 545 ng umaga.
02:59Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ng Sanhinang Apoy, gayon din ang pinsalang dulot nito.
03:06EJ Gomez, Nakatutok 24 Horas.
Comments

Recommended