Skip to playerSkip to main content
Inilabas ng pulisya ang ilan pang kuha ng CCTV sa pagpatay sa vlogger na si “Mima Alicia.”


P8-milyong utang at hindi pulitika ang tinututukang motibo batay sa imbestigasyon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inilabas ang polisya ng ilang pangkuhan ng CCTV sa pagpatay sa vlogger na si Mima Alicia.
00:088 milyong pisong utang at hindi politika ang tinututukang motibo batay sa investigasyon.
00:16Nakatutok si John Veneracion.
00:248 putok ng baril ang bumasag sa tahimika ng isang subdivision sa Caloacan City.
00:29Pasado alas 3 ng madaling araw noong July 17.
00:32Pag-alis ng dalawang gunman, naiwang patay sa labas ng kanilang bahay ang pro-administration vlogger na si Mima Alicia.
00:40Sugata naman ang kanyang live-in partner.
00:43Sa back-checking ng mga CCTV video ay nakilala ng mga polis ang dalawang sospek na nakuha ng pumarada sa
00:50isang lugawan 1.43am noong July 17.
00:531.47am nang mahagip ng CCTV ang muka nila habang umuorder ng pagkain.
01:002.28am, pinapatungan na nila ng ibang kulay na damit ang kanilang mga suot.
01:063.11am naman nang puntahan nila ang bahay ni na Mima Alicia.
01:11Naglakad, pagkatapos ay namarin.
01:18Isang bala sa ulo ang pumatay sa vlogger habang sugatan ang kanyang kinakasama.
01:23July 23, naaresto ang dalawang sospek sa Mabalak at Pampanga.
01:28Kinabukasan, sumuko naman ang middleman na kumontrata o mano sa kanila.
01:32Siya yung nagbibigay ng nakikipag-communicate ng information at nagpadala ng pera.
01:39Yung initial, I think, ay 250.
01:43Lumabas din sa forensic investigation na ang baril na pumatay kay Mima Alicia
01:47ay ginabit na sa tatlong naunang krimen ng mga sospek na nasangkot na noon sa robbery at murder.
01:53So this case is a solved one, including the Philippine National Police, of course,
02:00the investigators didn't stop at the shooting, but were able to solve and all are must
02:09and or solve not less than 10 cases that they have committed in the past.
02:16Kinasuhan na ng murder at frustrated murder ang mga gunman at middleman.
02:19Lumaalabas na talagang yung hitman ay talagang ito ay gun for hire.
02:25Sabi ng Northern Police District, itinuro ng sumukong middleman ang dalawang mastermind sa krimen
02:31at isa pa nilang kasabwat.
02:33Nananatiling at large ang tatlo, pero sinampahan na rin daw sila ng reklamo.
02:38Pero isinantabi ng Philippine National Police ang anggulong may kinalaman ang pamamasdang
02:42sa mga political commentary ni Mima Alicia.
02:45Walong milyong pisong utang ni Mima Alicia sa magpartner na mastermind ang tinututukang anggulo.
02:51Meron kasi silang mga business engagement, kaya itong possible motive talaga ay personal.
03:00June Van Arasyon Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended