Skip to playerSkip to main content
Sa ikaapat at huling araw ng Confirmation of Charges kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC, ipinunto ng depensa ang anila'y mga butas sa mga argumento ng prosekusyon.


Idiniin nitong walang nag-uugnay kay Duterte sa mga pagpatay na anila'y legal na operasyon ng pulisya.


Nauna na ring iginiit ng depensa na mahina at hindi sapat ang mga ebidensya ng prosekusyon para patunayang iniutos ni Duterte ang extra-judicial killings.


Sabi ng Defense Lead Counsel na si Atty. Nicholas Kaufman, mas marami pang namatay sa bansa mula nang maupo sa pwesto si Pangulong Bongbong Marcos sabay pakita ng isang datos.


Pumalag naman ang gumawa ng pag-aaral kung saan kinuha ang datos.


Ayon sa grupong Dahas Project ng University of the Philippines Third World Studies Center, binaluktot ni Kaufman ang datos na malinaw anilang nagpapakita na bumaba ang bilang ng mga namatay sa panahon ni Marcos kumpara kay Duterte.


Sabi naman ng Malacañang, ayaw ng pangulo ng marahas na paglaban sa ilegal na droga dahil nirerespeto nito ang due process.


Samantala, imunungkahi ng depensa na mag-resubmit ang prosecution team ng reklamo, i-dismiss ang kasong crime against humanity of murder and attempted murder, at pansamantalang palayain si Duterte.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Comments

Recommended