00:00Samantana, nagkasunog sa barangay 272 sa Delpan sa Maynila sa gitna ng masamang panahon.
00:06Balitang hatid ni Bam Alegre.
00:10Sa gitna na pagulan, sumiklab ang sunog sa barangay 272 sa Delpan, Maynila bago maghating gabi.
00:16Itinaas ang unang alarma, rumisponde ang hindi bababa sa apat na fire truck.
00:20Dagdag pa ang mga fire volunteer.
00:23Nasa bahay na kami may tumawag sa amin, may sunog daw.
00:26So, ang tingin ko mga nasa 7 na bahay, ang naapektuhan.
00:35So, dito kasi usually sa isang bahay, sa isang compound, medyo madaming pamilya.
00:41Masisikip ang mga eskinitang kailangan daanan bago matuntun ang mga estruktura na naapektuhan ng apoy.
00:46Sa pagtutulungan ng mga bumbero, agad na control at naapula ang sunog.
00:50Walang naitalang nasugatan o nasawi sa sunog.
00:52Ang mga naapektuhan residente, walang naisalbang gamit.
00:55Tulad ni Mayra Bruzon na inunang tiyakin, naligtas lahat ng kaanak bago ang anumang gamit.
01:01Hindi ako makapasok kasi nakita ko na yung apoy na tumatalsik.
01:05Hindi na kami nakapasok.
01:06Sinait na lang lahat ng mga bata, lahat na nasa loob ng compound.
01:11Sinait na po.
01:12Hindi rin namin matikip kung ano pa yung mga...
01:13Kasi kwarto-kwarto akong magkakapatid eh.
01:16Kinakala pa ng barangay ang datos yung ilang pamilya ang naapektuhan ng sunog.
01:19Tinatawagan namin sa Delfan Sports Complex para makapasok sila.
01:23Sin sumuulan.
01:25Pero mayroon kami pangalawang option.
01:26Mayroon kami bakaning lote dito.
01:29Lalagyan muna namin ang tento.
01:31Pero sana mapayagan kami dun sa Delfan Sports Complex.
01:35Tumanggi muna magbigay ng pahayag ang Bureau of Fire Protection
01:38habang patuloy ang investigasyon sa sanhinang apoy, pati sa halaga ng pinsala.
01:42Bamalagra nagbabalita para sa GMA News.