00:00Nasa sangdaang pamilya ang nasunugan sa barangay Maybunga sa Pasig.
00:04Binalot ng makapal na usok at naglalagablab na apoy ang West Bank Road mag-aalas 10 kagabi.
00:11Walang naisalbang gamit ang ilang residente roon.
00:15Ayon sa Bureau of Fire Protection, walang nasawi o nasaktan sa sunog.
00:19Pansamantalang nananatili sa West Bank Community Center ang mga nasunugan.
00:23Inaalam pa ang sanhi ng apoy.
00:25Nagkaroon din ang sunog sa Sampaloc sa Maynila pasado alas 11 kagabi.
00:30Nasa labing limang pamilya naman ang naapektuhan doon.
00:34Patuloy pang inaalam ang sanhi ng apoy.
Comments