00:00Dahil sa matinding efekto ng Habagat, ilang bayan at lungsod sa Cavite ang nalubog sa baha.
00:05Para sa latest situation sa probinsya, makakapanayam natin si Cavite Governor Francisco Gabriel Abeng Remulia.
00:12Magandang umaga po, Governor.
00:14Magandang umaga po, Ma'am Susan, and to everyone watching, magandang umaga po.
00:17Governor, ano mga lugar sa Cavite ang pinaka-apektado po ng Habagat?
00:22Good morning. Sa ngayon po, Ma'am Susan, ang pinaka-apektado po are low-lying areas and coastal areas.
00:28Tapos, kabilang po dito ang Imus, Cavite, Bacoor, Tansa at Ternate po.
00:34Sa mga oras na ito, Governor, may mga lugar bang isolated?
00:38At paano tayo nagpapaabot ng tulong sa mga apektadong residente?
00:42Andiyan po yung kasama namin si Andrew Pertiera sa Cavite at kanina pa pong madaling araw matindi yung pagulan.
00:48Ano ang ginagawa natin yan, Governor?
00:50Sa ngayon, wala po kaming reported isolated areas.
00:54Pero patuloy po ang distribution namin ng relief goods at patuloy po ang roving teams namin
00:59para makita po ang sitwasyon sa bawat lugar dito po sa lalawigan ng Cavite.
01:03Ilan po yung individual o pamilya na inilikas at nananatili po sa mga evacuation centers?
01:08Sa ngayon, Ma'am, we have around 13,000 families that are in evacuation centers or 33,000 individuals po.
01:16May mga naitala ba tayo mga casualty o sugatan dahil dito sa nawawala, Governor?
01:22Sa ngayon, may isa po kaming reported injury pero ito po ay dahil sa vehicular accident.
01:28Wala po itong kinalaman po sa flooding. Yun lang po ang na-report sa amin ngayon.
01:34Kumusta po yung pagpapaabot ng mga relief assistance sa mga apektadong residente?
01:38Wala po ba tayong nagiging problema, Governor?
01:41Sa ngayon, wala naman po tayong problema sa paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan dito sa lalawigan ng Cavite.
01:47Patuloy lang po ang distribution namin ng relief goods.
01:51Nagsimula po kami mag-distribute noong Saturday po, Saturday natin.
01:56At patuloy pa rin po kami nagbibigay ng tulong sa bawat siyudad at munisipyo dito sa Cavite.
02:01Apo. Governor, sa mga report na natatanggap niyo, maayos ho bang gumagana at napapakinabangan yung mga flood control project dyan
02:08po sa Cavite?
02:10Yes po ma'am. As compared to the previous years po, mas mababa po ang flooding namin.
02:17As compared to the previous administrations po, malaki naman po ang pagbabago gamit ang mga flood control projects.
02:23Apo. Kumusta po yung supply ng tubig at kuryente sa lalawigan?
02:28Sa weekend po, over the weekend, mayroon po kaming 17 power interruptions.
02:32Pero ito po ay mabilis na naayos at tuloy-tuloy po ang pagbigay ng kuryente sa aming lalawigan.
02:37Ganon din po sa tubig. May issue lang po kami sa bailen pero naayos ho kagad.
02:43Okay. Maraming salamat, Cavite Governor Abeng Remulia. Maganda umaga po sa inyo.
02:48Maganda umaga po ma'am. Thank you po sa interview.
02:51Salamat po.
02:51Maganda umaga.
Comments