00:00Naghahanda ng mga ahensya ng gobyerno at ilang terminal ng bus sa paparating na undas.
00:05Ang ilang sementeryo naglabas na rin ng paalala para sa mga dadalaw doon.
00:10At nakatuto, si Bernadette Reyes.
00:15Maganda ang panahon kaya sinamantalanan ni Jess Paras na maglinis ng mga puntod sa Manila North Cemetery.
00:22Para maging hawang malinis.
00:32Ang pagpipintura naman ng mga nicho tuwing undas, ang naging kabuhayan ni Raver.
00:37Ngayong taon, maaga ang mga nagpapapintura kaya masigla ang kanyang kita.
00:42Para din po, hindi makasabay po sa maraming tao.
00:46Kasi po masigit po kasi pag sabay-sabay po.
00:49Baka po umulan eh, makaang pintura namin uudas.
00:53Hanggang October 27 lang papayagan ng paglilinis, pagkukumpuni at pagpipintura sa loob ng Manila North Cemetery.
01:01Hanggang October 26 naman sa Manila South Cemetery.
01:05Ngayon palang naglabas na na ilang paalala ang Manila North Cemetery at Manila South Cemetery kaugnay ng darating na undas.
01:13Simula October 29 hanggang November 2 ay hindi na po papayagang makapasok sa loob ng simenteryo ang mga sasakyan.
01:21Ipinagbabawal pa rin ang pagdadala ng alak, paninigarilyo, pagsusugal, pagdadala ng mga matatalas na gamit at malalakas na speakers.
01:30Sa mga bus terminal naman, maluwag pa at madaling makabili ng tiket gaya dito sa Sampaloc, Manila.
01:37Bago mag-undas, sikipan ho ang mga sasakyan.
01:40Ngayon, luluwas kami, medyo maluwag at maliwalas po ang aming biyahe din, maluwag din ho ang sasakyan.
01:47Ang Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX, naghahanda na rin para sa inaasang dagsa ng halos 2 milyong pasahero simula
01:57sa October 25 hanggang November 4.
02:00Pinakamarami ang inaasang pasahero sa October 30. Pusibli ang umabot sa 200,000.
02:07Ang Department of Interior and Local Government at Philippine National Police, higit sa doble ang ipakakalat na polisya ngayong undas,
02:14kumpara sa 50,000 polis noong nakaraang taon.
02:18Magpapakalat din ng mga force multiplier mula sa mga LGU at barangay.
02:23Sa Davao City, nagumpisa na rin maglinis ang City Economic Enterprise sa mga pampublikong simenteryo sa lunsod.
02:30Pinulong na rin ang Safety and Security Cluster naman ng lunsod,
02:34ang pamunuan ng lahat ng simenteryo para ilatag ang guidelines para sa undas.
02:40Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
02:45Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.