- 1 week ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong August 7, 2026
-PHIVOLCS: Maging alerto sa posibleng aftershocks mula sa lindol sa Mindoro
-2, patay sa landslide sa Brgy. Shilan; Baha at landslide, naitala sa ilang lugar sa hilagaang Luzon dulot ng Bagyong Maymay
-Visibility sa Kennon Road, bumaba dahil sa malakas na ulan
-NDRRMC: 4 nasawi dahil sa Bagyong Luis, Bagyong Maymay at Habagat
-PAGASA: LPA na dating Bagyong Maymay, nalusaw na; Hanging Habagat na hinahatak ng bagyo sa labas ng PAR, magpapaulan ngayong weekend
-DFA: Pastor Quiboloy, hiniling ng Amerika na i-extradite
-Senior citizen, nasagip matapos anurin habang tumatawid sa spillway
-Kalsada sa pagitan ng Brgy. Balite at Brgy. Locloc, pansamantalang isinara sa mga motorista dahil sa landslide
-Bodega ng upholstery materials sa Brgy. Loma de Gato, nasunog
-DOE: Posibleng may big-time rollback sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo
-4 sa 18 "Maleta Boys," binawi ang alegasyong naghatid sila ng male-maletang pera kina PBBM at Rep. Romualdez
-INTERVIEW: ALBERT MOGOL, REGIONAL DIR., OCD-CAR
-5 kabaong na may larawan ng Chinese officials at anti-China message, natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Kamaynilaan
-NCRPO, iniimbestigahan ang pag-iwan ng mga kabaong sa ilang lugar sa Metro Manila
-Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, ready nang i-share ang kanyang unfiltered life sa "Celeste Unscripted"
-VP Sara Duterte sa kanyang impeachment trial: Klarong may nangyayaring "bending the law"
-Ph Statistics Authority: 2.3% GDP growth nitong 2nd quarter, pinakamabagal simula noong Covid-19 pandemic
-INTERVIEW: CHRIS PEREZ, ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA
-Batang babae, patay matapos makuryente sa nagkaaberyang clip fan; lola at kapatid niya, nakuryente rin
-Cinemalaya 2026, pormal nang buksan kahapon; Film entries, mapapanood hanggang August 18
CBB
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
-PHIVOLCS: Maging alerto sa posibleng aftershocks mula sa lindol sa Mindoro
-2, patay sa landslide sa Brgy. Shilan; Baha at landslide, naitala sa ilang lugar sa hilagaang Luzon dulot ng Bagyong Maymay
-Visibility sa Kennon Road, bumaba dahil sa malakas na ulan
-NDRRMC: 4 nasawi dahil sa Bagyong Luis, Bagyong Maymay at Habagat
-PAGASA: LPA na dating Bagyong Maymay, nalusaw na; Hanging Habagat na hinahatak ng bagyo sa labas ng PAR, magpapaulan ngayong weekend
-DFA: Pastor Quiboloy, hiniling ng Amerika na i-extradite
-Senior citizen, nasagip matapos anurin habang tumatawid sa spillway
-Kalsada sa pagitan ng Brgy. Balite at Brgy. Locloc, pansamantalang isinara sa mga motorista dahil sa landslide
-Bodega ng upholstery materials sa Brgy. Loma de Gato, nasunog
-DOE: Posibleng may big-time rollback sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo
-4 sa 18 "Maleta Boys," binawi ang alegasyong naghatid sila ng male-maletang pera kina PBBM at Rep. Romualdez
-INTERVIEW: ALBERT MOGOL, REGIONAL DIR., OCD-CAR
-5 kabaong na may larawan ng Chinese officials at anti-China message, natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Kamaynilaan
-NCRPO, iniimbestigahan ang pag-iwan ng mga kabaong sa ilang lugar sa Metro Manila
-Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, ready nang i-share ang kanyang unfiltered life sa "Celeste Unscripted"
-VP Sara Duterte sa kanyang impeachment trial: Klarong may nangyayaring "bending the law"
-Ph Statistics Authority: 2.3% GDP growth nitong 2nd quarter, pinakamabagal simula noong Covid-19 pandemic
-INTERVIEW: CHRIS PEREZ, ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA
-Batang babae, patay matapos makuryente sa nagkaaberyang clip fan; lola at kapatid niya, nakuryente rin
-Cinemalaya 2026, pormal nang buksan kahapon; Film entries, mapapanood hanggang August 18
CBB
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00!
00:02!
00:02!
00:02!
00:02!
00:02!
00:02!
00:02!
00:10!
00:10!
00:11Mayinit na balita.
00:32Mayinit na balita, nianig ng magnitude 5.8 na lindol ang Occidental Mindoro.
00:38Natuntuan ng FIVOX ang epicenter 21 kilometers southwest ng Mamburaw alas 10.38 ngayong kumaga.
00:46Pinaalerto ang mga residente sa posibling aftershocks.
00:55Kita sa kuha ni youth cooper Ray J. Andres ang pinsala sa Bulaluangyan sa barangay Silan sa Letrinidad Benguet matapos
01:04matabunan ng gumuhong lupa sa gitna ng masamang panahon.
01:07Dalawang kusinero nito ang nasawi kabilang ang isang senior citizen.
01:11Dinala naman sa ospital ang isang nailigtes na staff.
01:15Nangako ng tulong ang lokal na pamahalaan sa pamilya ng mga biktima.
01:18May mga landslide ring na itala sa barangay Ambiong at Lubas.
01:22Lubog din sa baha ang bahagi ng Strawberry Farm.
01:25Ipinatigil muna ang outdoor tourism activities at small-scale mining operations sa La Trinidad.
01:31Sa measurement po ng ating Municipal Disasteries Reduction Management Office, pumabot po tayo ng mga almost 200mm na buos ng
01:39ulan.
01:40Ibig sabihin, ito po ay unusual. Malakas po ito.
01:43Halos maging ilog ang ilang lugar sa La Union dahil sa pagbahangdulot ng bagyong maymay.
01:49Ayon sa mga otoridad, binaha ang mga bayan ng Nagilian, San Juan, San Gabriel at Bawang.
01:55Sa Bawang, limang manging isda ang nasagip matapos masiraan ang makina sa gitna ng malaking alon.
02:00Binahari ng lungsod ng San Fernando.
02:03Bago nito, inilikas na ang mga residenteng nakatira sa Kustal Barangay.
02:07Sa agoo, tinanggal sa mga kalsada ang mga natumbang puno.
02:11May mga naitalang landslides sa Mountain Province.
02:14Bumagsak ang slope o bahagi ng ilalim ng kalsada sa Junction Talubin-Barlig-Calakad Road
02:20sa bayan ng Bontok at bahagi ng Baguio-Bontok National Road sa Sityo Tabak sa Sabangan.
02:26Ayon sa Department of Public Works in Highways Mountain Province 1st District Engineering Office,
02:31limitado ang mga sasakyang pwedeng dumaan sa Junction Road dahil hindi pa rin stable ang kondisyon nito.
02:37Isang lane naman ang passable sa ilang bahagi ng Baguio-Bontok Road at Tabak and Railroad.
02:42Patuloy ang clearing operations sa lugar.
02:45Nasa apat na pong barangay naman sa Pangasina ng Binaha.
02:48Isa sa mga binabaha ang barangay Lasip sa Kalasyao.
02:51Ang mga residente sanay na raw sa baha.
02:56Nabababag ka.
02:57Kagawa kami ng lamo para makatawit kami.
03:02Nakamonitor naman ang mga opisyal ng barangay sa sitwasyon.
03:05Itinas din ang ilang tagadagupa ng kanilang mga gamit para hindi maabot ng baha.
03:10Nakaraan na bagyo ma'am inabot po yung bahay namin hanggang dito po sa taas.
03:14Kasi kung anong label po nung kalsada, ganoon din ang taas po dito nung nakarang bagyo.
03:20Apektado rin ang bagyong maymayang kagayan.
03:22Ilang silid-aralan ang pinasok ng baha.
03:25Kaya tulong-tulong-tuloy ang mga estudyante sa paglilimas ng tubig.
03:29Jonathan Andal nagbabalita para sa GMA News.
03:32Malakas na ulan ang patuloy na nararanasan sa ilang lugar sa Baguio City at Benguet.
03:38Ang ilampung tipak ng bato na nahulog mula sa bundok ang humambalang din sa ilang kalsada.
03:44Live mula sa Baguio City, may ulat on the spot, si Marisol Abduramat.
03:49Marisol?
03:51Connie, sa ulan pa rin gumising ang mga taga-Baguio City at ilang lugar dito sa Binguet na hanggang ngayon
03:57ay inuulan pa rin.
04:05Okay.
04:10Bumaba ang visibility ng mga motorista sa bahagang ito ng Kennon Road dahil sa malakas na ulan kanina.
04:16Hindi na lalayo sa sitwasyon kahapon.
04:18Pero kahit sa kasagsagan ng ulan, tuloy-tuloy ang paglilinis sa mga gili ng kalsada.
04:23Particular na ang mga pag-clear sa mga tipak na bato na nahulog mula sa bundok.
04:28Malakas pa rin ang ragasan ng tubig na nanggagaling sa bundok.
04:32Sarado pa rin ang mga pasyalan na nabalot na ng hamog.
04:35Maulan din sa La Trinidad Binguet kung saan may mga inilikas na sa mga landslide-prone area.
04:42At alam mo Connie, dito sa ating kinaroronan ngayon, hindi kita pero nandito tayo actually sa Melvin Jones.
04:48Yung nakikita ninyo halos, ay well, kung kukumpara a few minutes before we air, medyo mas clear na ito ng
04:54konti kung kukumpara kanina.
04:55Nasa Melvin Jones tayo at few steps away from here, nasa harapan lang natin ang Burnham Park na hindi na
05:02natin matanaw ngayon dahil sa kapal ng hamog.
05:04Lifted na ang storm signal as of 2 a.m. kanina dito sa lungsod.
05:09Kaya LPA na lamang ang nararanasan.
05:12Gayunpaman, ayaw pa rin pakakampanti ng mga otoridad dito.
05:15Lalo't meron silang nasa 6 na barangay na nasa landslide-prone area.
05:19Bangamat ang magandang balita as of this time, ay wala pa naman daw inilikas o wala pang kailangan ilikas.
05:26Meron na rin mga naitalang pagbaha dito sa lungsod.
05:29Connie?
05:30Marisol, bukod doon sa mga nasa landslide-prone areas, may iba pa bang inilikas na pamilya dyan sa Baguio?
05:36At sa Benguet na rin dahil po sa masamang panahon na yan.
05:43Connie, dito sa Baguio City, sa pinakahuling update natin sa CDRRMO, just a few minutes before we air,
05:50wala pa naman daw inilikas and so far wala silang nakikita sa ngayon na necessity na para ilikas itong mga
05:56nasa landslide-prone area.
05:58Bagamat 24 oras daw nila itong binabantayan kasingat may mga history talaga ng mga pagbuho dito sa Baguio City.
06:04Pero sa bingget, particular sa laterinidad, kung saan nga nagkaroon ng pagbuho na ikinamatay ng dalawang tauhan ng isang kainan,
06:11may mga nasa evacuation center ngayon.
06:14Pero this is a different barangay doon sa nagkaroon ng landslide kahapon.
06:18So may around two families ang nasa barangay bulas ngayon dahil itong barangay ay isa ring landslide-prone area, Connie.
06:26May informasyon ka ba kung kamusta yung mga bookings ng mga hotel dyan sa Baguio at apektado na ba yung
06:33turismo?
06:37Well, kung sa turismo, Connie, sa pag-iikot natin sa mga pasyalan, sarado kasi ang mga pasyalan dahil yun na
06:43nga dahil sa masamang panahon.
06:44Pero may mga ilang hotels tayo at particular na sa hotel kung saan tayo tumutuloy, may mga bookings.
06:50In fact, nagulat nga kami sa arrivals.
06:52I would say dahil sabi nga namin, bagyong-bagyo, tumuloy.
06:56Pero ayon sa mga nakausap natin kanina ng off-camp, tinuloy na rin daw nila ang kanilang mga nakaschedule na
07:01booking.
07:02Yung iba, mayroon din mga nakaschedule na seminar.
07:05Kaya mayroong mga ilang nilang tayong na-witness, Connie, na tumatanggap pa rin at tumuloy pa rin sa kanilang lakad
07:10dito sa Baguio
07:11sa kabila ng napakasamang panahon na ating nararanasan.
07:14Actually, ilang araw na raw na ganito ang sitwasyon dito sa lungsod, Connie.
07:18Marami salamat sa iyong update at ingat kayo dyan.
07:21Marisol Abdo naman po yan.
07:23Ta-apat ang huling bilang ng nasawi sa pinagsamang epekto ng Bagyong Luwis, Maymay at Hanging Habagat.
07:31I'm the National Disaster Risk Reduction and Management Council, subject for validation ang bilang ng mga nasawi.
07:37Isa rin po ang naitalang sugatan na for validation din.
07:41Aabot naman sa mahigit 38,000 pamilya ang apektado ng masamang panahon.
07:46Pinatayang nasa mahigit 2,000,000 piso naman ang ibinigay na assistance sa mga apektadong pamilya.
07:53Matuloy na inaalam ng ahensya ang halaga ng pinsala sa agrikultura, infrastruktura at iba pa.
08:01Nalusaw na ang low-pressure area na dati pong Bagyong Maymay habang nasa Philippine Sea ayon sa pag-asa.
08:09Ngayon man, maging alerto pa rin po sa malakas na hanging habagat.
08:13Apektado po nito ang Central at Southern Luzon, kasama na rin po tayo dito sa Metro Manila at ang western
08:19sections ng Visayas.
08:20Hinahatak ngayon ang habagat ng Typhoon Dolphin, ang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
08:28Huli po yung namataan 1,095 kilometers northeast ng extreme northern Luzon.
08:34Hindi na inaasahang papasok sa PAR ang nasabing bagyo.
08:38Higit na makakaasa po sa maayos at maaraw na panahon ang nalalaming bahagi ng Visayas at Mindanao.
08:45Pero posible pa rin po yung mga local thunderstorm.
08:48Base kasi sa rainfall forecast ng Metro Weather, mataas ang tsyansa ng light to moderate rains ngayong araw hanggang Sabado
08:56at Minggo.
08:57Posible rin ang heavy rains bukas, magdang hapon.
09:00Uuulamin din ngayong umaga hanggang mamayang gabi ang Ilocos Region at ilang bahagi ng Cordillera, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa Region
09:10at Western Visayas.
09:12Magpapatuloy yan hanggang weekend.
09:13Pusible ang heavy to intense rains sa ilang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.
09:22Sa iba pang balita, formal ng hiniling ng Amerika na ipa-extradite doon si Kingdom of Jesus Christ founder, Pastor
09:30Apollo Kibuloy.
09:31Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na natanggap nila ang extradition request at sinabing na itransmit na ito sa Department
09:39of Justice ng Pilipinas.
09:40Sabi naman ng DOJ, aaksyonan nito ang hiling oras na matanggap.
09:46Nais ng Amerika na harapin ni Kibuloy ang kanyang mga kaso roon na may kinalaman sa sex trafficking at racketeering.
09:53Sabi ng kampo ni Kibuloy, wala pa silang natatanggap na dokumento kaugnay sa extradition request.
09:58September 2024, nang maaresto sa Davao City si Kibuloy dahil sa mga hiwalay na kaso sa mga korte dito sa
10:06Pilipinas kaugnay ng qualified human trafficking at sexual and child abuse.
10:12Dati nang itinanggin ni Kibuloy ang mga aligasyon laban sa kanya dito sa Pilipinas pati na rin sa Amerika.
10:22Pulikam sa Rodriguez Rizal, dalawang residente ang tumatawid sa spillway sa barangay San Rafael.
10:28Ang nasa likod na isang senior citizen kitang hirap dahil sa lakas ng Agos.
10:33Sa bandang gitna naman ang kalsada, nawalan po siya ng balanse, natumba at tinangay ng tubig.
10:40Nagkasaagad ng rescue operation ang lokal na pamahalaan.
10:43Tagumpay nilang naabot ang senior citizen at naiahon mula sa rumaragasang tubig.
10:49Binagyan po siya ng pangunang lunas bago dalhin sa ospital.
10:53Nagpaalala naman ang LGU sa mga residente roon na bawal tumawid sa spillway kapag umaapaw ang tubig doon.
11:03Napirwisyo rin ng masamang panahon ang San Luis Matangas.
11:08Ayon sa lokal na pamahalaan, pansamantalang isinara sa mga motorista ang kalsada sa pagitan.
11:13Nang barangay Balite at barangay Lok-Lok matapos gumuho ang lupa roon.
11:18Agad namang nagsagawa ng clearing operation sa lugar.
11:22Nadadaanan na ngayon ang kalsada.
11:27Sumiklab ang sunog sa isang bodega ng upholstery material sa Marilao, Bulacan.
11:32Ang mainit na balita, hatid ni James Agustin.
11:38Ganito kalaking apoy ang sumiklab sa isang warehouse sa barangay Loma, Digato, Marilao, Bulacan, Pasado, Hating Gabi kanina.
11:44Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga laman ng warehouse, napholstery materials.
11:49Itinasab your fire protection sa unang alarma ang sunog.
11:52Rumisponde ang nasa labing dalawang firetrap.
11:55Ang iba galing pa sa kalapit bayan.
11:57Walang empleyado sa loob ng warehouse na sumiklab ang sunog.
12:00Ang ilang stay-in na empleyado na natutulog sa barracks malapit sa gate ng compound.
12:05Ginising na may-ari na may naamoy siyang parang nasusunog.
12:08Noong chinek nila, ginising nila yung kasamang mga tao nila sa barracks.
12:13Binuksan nila yung pinaka-gate nila, yung pinaka-entry point natin ngayon.
12:16At nakita nila na may apoy na, fully developed na.
12:19Malaki, ubagang malaki na yung apoy.
12:20Mayroon tayong nakitang mga nagamit na pang fire stingy share.
12:24Gizunubukan nila kaso talagang developed na yung apoy at matrasa sila.
12:28Dahil may firewall ang warehouse, hindi na dami ang katabi nitong warehouse na nasa loob din ng compound.
12:33Alas 4.30 ng umaga nang tuluyang naapula ang sunog.
12:36Yung warehouse natin is, ano siya, naka-firewall.
12:40So, nung assessment namin, sa tingin namin hindi na siya kakalat.
12:43Kung pag-confine na siya, yung nga lang, isa lang yung entry point.
12:45Kaya medyo nahirapan tayo.
12:47Iniimisigan pa ng BFP kung saan bahagi ng warehouse nagsimula ang apoy at ang posibleng sanhin nito.
12:52Hindi pa masabi ng mga otoridad ang kabuang halaga ng pinsala.
12:56Tumanggi muna magbigay ng pahayag ang may-ari ng warehouse.
12:59James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
13:08Namumuro ang malakihang rollback sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
13:13Sabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Attorney Rino Abad sa panayam ng Super Radio DZBB,
13:21naobserbahan ang pagbaba ng presyo base po sa trading sa merkado ngayong linggo.
13:27Sa lunes daw iya, anunsyo kung magkano yan.
13:30Ayon sa Oil Industry Source, base sa 4-day trading, 4 pesos and 50 centavos hanggang 5 pesos ang posibleng
13:38bawas presyo sa kada litro ng diesel at gasolina sa susunod na linggo.
13:42Epekto raw yan ng paghupa ng gulo sa Middle East.
13:49Sa ibang balita, apat sa labing walong tinaguriang Maleta Boys ang nag-recant o binawi ang aligasyon nila laban kina
13:57pagulong Bongbong Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
14:01Balitang hatid ni Maris Umal.
14:06Noong February 2026, lumabas sa publiko ang labing walong lalaking nagpakilalang dating security ni dating Congressman Zaldico,
14:14ang ilan sa kanila mga dating Marines.
14:17Sa kanilang affidavit, sinabi nilang naghatid umano sila ng mali-maletang pera kina dating Speaker Martin Romualdez,
14:24kay Co, at maging kay Pangulong Bongbong Marcos.
14:28Kapat sa kanila, humarap sa akin, ang sinabi nila sa akin, binabawi na nila ang mga nauna nilang sinabi at
14:35kwento.
14:36Gusto lang po namin mag-recantan po ma'am at para mabinabawi na po namin yung mga unang salaysay namin.
14:44Gusto na namin pong manahimik dahil sa ngayon ay taddad kami ng mga kaso, mga banta sa buhay namin.
14:53Kaya pag-isip-isipan namin na binabawi na po namin yung mga salaysay po namin.
15:01Hindi sila nagpakita ng mukha sa kamera dahil sa matinding bantaraw sa kanilang buhay.
15:07Dala nila ang tiging isang bagong sinumpaang salaysay.
15:12Binigyan din nila kami ng kopya ng video ng panumpaan at inotaryo ang mga ito.
15:22Bakit nyo gustong bawiin?
15:24Hindi po totoo yung mga ibang sinabi na po namin.
15:27Binabawi po namin lahat yung unang salaysay na nagatid namin.
15:30At hindi totoo po yung sinasabi namin sa unang sinasay na.
15:35Doon sa salaysay namin, sa unang salaysay.
15:40Sa apit-abit.
15:41Yung hindi totoo yung sinasabi namin.
15:45Bakit nyo ngayon sinasabi na hindi totoo?
15:49Pero noon kasi pinanindigan nyo eh.
15:51Parang naguguluhan pa kami noon.
15:53Tapos ang nagawa ng apit-abit namin po ay hindi kami po.
16:01Sa kanilang bagong apit-abit, sinabi nilang binabawi na nila ang nauna nilang mga aligasyon.
16:06Laban kay na Marcos, Romualdez, Co at iba pa.
16:10Pumirma lang sila sa joint apit-abit dahil sa pangakong pera.
16:13O na kasi dyan ma, may mga pangako po sa amin.
16:16Tulad ng pinansya na sinasabi nila po na pwede na po kayong hindi magtrabaho ng dalawang taon.
16:25Tapos meron kayong security sa pamilya niyo.
16:29Kapalit ng ano?
16:30Kapalit po sa ginawa na pinag-adjoint apit-abit ko.
16:34Tatlo sa humarap sa akin, pumirma ng affidavit sa Office of the Ombudsman na ginagamit ngayon sa investigasyon kay Romualdez
16:40at iba pa.
16:41Pero kwento nila, pinilit silang pumirma sa sinumpaang salaysay na gawa na rin daw.
16:47Tinakot daw silang sasampahan ng patong-patong na kaso.
16:50Ang affidavit daw nila ngayon, sila mismo ang nagsulat at walang namilit.
16:54Kami po, Romualdez.
16:55Wala pong namilit.
16:58Walang namilit.
16:59Hindi kayo, wala ng financial assistance this time.
17:02Wala po.
17:02Kasi gusto lang po namin manahimaw yung makumimang at matapos na po lahat na ito.
17:09Para mawala na rin po yung mga kaso namin.
17:12Dalawang buwan na raw pinag-iisipan ng mga tinaguriang maleta boys na ito.
17:17Nabawiin ang una nilang mga salaysay.
17:19Hanggang sa maging buo na raw ang kanilang loob at i-execute ang mga bagong affidavit dalawang linggo na nakalilipas.
17:26Anila, nag-iisip na rin daw ang iba pa nilang mga kasamahan na pumanig sa kanila.
17:31Patuloy na kumukuha ang GMA News na reaksyon mula sa Ombudsman at kay Atty. Baligod na unang nagpakilala sa grupo
17:37ng mga sundalon.
17:39Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA News.
17:43Update po tayo sa assessment ng Office of Civil Defense Cordillera Administrative Region sa epekto ng Bagyong Maymay.
17:50Kausapin po natin si OCD CAR Regional Director Albert Mogol.
17:54Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali, sir.
17:59Magandang umaga po, Ma'am Collie.
18:01Sir, ano na ho ang latest...
18:03Yes, ma'am.
18:04Ano po ang ating latest assessment sa epekto po ng Bagyong Maymay dyan sa Cordillera Region at lalo na po
18:11sa Benguet na nagka-landslide pa?
18:14So far po, ongoing po yung mga assessments ng mga local government units natin.
18:19Nag-conduct po sila ng rapid damage assessment.
18:22Kasi po kailangan nilang gawin yan para po makapag-declare ng state of calamity.
18:29So far po, as reported po din ninyo kanina dyan, ano?
18:32Yung incident po na nangyari kahapon sa May Shilad.
18:39It was already reported na dalawa po yung nasawi at isa po yung nasugata.
18:45Aside from that, there are reported five road closures.
18:51Kasama na po dito yung Kennon Road, yung pong Asid ng Alisan Road.
18:56Ito pong portion po ng Benguet na Bogiskaya Road.
19:01At meron din pong naitala sa Apayaw, dito po sa Bandang Kalanasan.
19:09And dito po sa Bandang Mountain Province, sa May Barlig po, may reported din po na road closure.
19:20Pero ongoing naman po yung clearing operation.
19:23So far po, reported po na families na affected.
19:27We have 46 barangay is affected.
19:32There are 133 families for a total of 483 individuals.
19:37Ito, yung iba po, nasa evacuation center.
19:39Pero as of this morning, may monitor namin na bumalik na po sa kanilang mga residences at mga kamag-anak.
19:47Ito po nasa evacuation center.
19:50Meron po tayo.
19:51Yes, ma'am.
19:52Yes, sir. Yung pong sa Shilan, no, La Trinidad Benguet, pwede ho ba namin malaman kung ito ho ang first
19:59time na nagkaroon po ng landslide dyan?
20:01Ano ho ba yung vicinity na nasasakupa niya? May mga barangay ho ba dyan? O kalsada lang po ito?
20:08Ito po ang Shilan po sa barangay ng La Trinidad Benguet.
20:13Ito po ay may kalsada na magkakasunod po yung mga road na mga kainan dyan.
20:23As per record po, seven years na po ako dito as the regional director, wala pong naitalang landslide dyan sa
20:30lugar na yan.
20:31Meron po mga ibang lugar na may naitalang landslide pero ito po ay naayos na at nalagyan na po ng
20:37slope protection.
20:38O ho. Yung pong sa Shilan, sa La Trinidad Benguet, ang pinakadahilan po ba niya ay kulang po siya sa
20:44protection kaya? Kailangan pa hubang nagtagan?
20:49Per report po, no, an assessment ng local government unit. Dahil po ito sa saturation ng, nasaturate na po yung
20:57ating kalupaan. Kaya po nagdulot ng landslide.
21:01Okay. Nagpapatuloy pa rin po ba ang search and retrieval operation, sir, sa ngayon?
21:07So far po, nag-recover na yung dalawa na reported na death. Yung pong isa na-injured po, nasa hospital
21:15na po at napapaginibigan na po ng lunas.
21:21At yung apat po, mayroon po kasing apat na reported earlier na kumakain pero sila po ay hindi na-apektoan
21:31ng landslide.
21:32I see.
21:33Iwas po sila agad.
21:34That's good to know, sir. Ano po naman ang latest na bilang ninyo ng casualties? Sabi ho kanina, dalawa? May
21:41mga nawawala pa rin ho ma?
21:43Wala naman pong recorded other injuries or nawawala. Pero ang pinibigyan po namin ng emphasis ngayon is yung pag-monitor
21:54po ng local government units,
21:56lalong-lalo na po dito sa mga mining areas natin, ano, sa Itogon. As we all know, way back 2018,
22:04nagkaroon po tayo ng massive landslide dyan na 216 po ang casualties natin at that time.
22:11So kanina po, kausap ko po yung municipal DRRM officer nila at sila po ay umiikot, nagpalabas na po sila
22:18ng direktiva na wala pong mga mining activities at talagang iniisa-isa nila yung mga sites para po maywasan natin
22:27yung nangyari noong 2018.
22:30Sir, palinaw lamang po yung mining activities, these are small scale mining po lang ba?
22:37Combined po ito. Meron pong small scale at meron din po yung nasa minahang bayan.
22:46Sanction po ito ng ating pamahalaan.
22:49At yung mga kainan po, para bang nasa tabing-tabi ho ng bundok po ito, sa may bandang kalsada, ito
22:56ho ba yung sinasabing natabunan?
22:59Doon po sa parangay Silan, yes ma'am.
23:01Okay, so may gagawin ba ho ang lokal na pamahalaan para ma-regulate siyempre dahil nagka-landslide na, sabi nyo
23:09nga may saturation na dyan at baka maging delikado pa ho kung may mga kainang hile-hilera pa rin po
23:14doon?
23:15Yes ma'am, actually ang pinaka-procedure po, magkakaroon po ng assessment during the rapid damage assessment.
23:24Of course, magre-recommend po ang ating local government unit ng Latina-Tinggit kung ano po yung mga interventions na
23:31kailangan dyan.
23:32Like, yeah, the infrastructure intervention. Para po maiwasan na po ito.
23:38If you would remember, last 2016, dito po sa Little Kibungan, nagkaroon po ng massive landslide.
23:45At marami pong namatay. Kasi gabi ito nangyari, ito po ay naayos na po. Maganda po yung pagkakagawa ng slow
23:53protection.
23:54That's already around 8 years from now or almost 10 years, yes.
24:00At nalagyan po ng magandang slow protection ito. At wala na pong reported na danger dyan sa area na yan.
24:08Other areas na na-consider natin na no mga past typhoons, ay nagawa naman po ng paraan ng ating pamanglaan.
24:16Marami pong salamat sa inyo pong oras na ibinahagi sa amin, sir.
24:21Yes ma'am, marami din pong salamat, ma'am Tony.
24:24At hihingat po kayo.
24:25Hihingat din po kayo dyan.
24:26Opo, kayo rin po.
24:28Go ahead, sir.
24:30Sana po yung mga travelers natin, kasi kanina nireport ng ating kaibigan na angkor din dito,
24:38ni Ma'am Marisol, marami pong turista na maakya dito sa Baguio.
24:42So sana po, pag ganitong panahon, dinidiscourage na po namin yung mga tourism activities dito.
24:48Talong lalo na po, kung hindi naman po importante, ang pagpunta dito ay ipagpaliban na lamang po.
24:54So, of course, meron din po kasi mga activities dito, like may mga conventions, at nandirito na po sila ongoing
25:03po.
25:03At yung iba naman po ay pinagpost mode muna in holding abeyance para po hindi na po maapektuhan yung safety.
25:13Yes ma'am.
25:14Marami po.
25:16Okay, ayan po yung magandang paalala para po doon sa mga nagbabalak na pumunta kung wala naman silang importanteng lakad
25:23po dyan, ay pagpaliban na lang muna.
25:25Marami pong salamat sa inyo po sa inyong oras.
25:28Wala po mo naman at ingat po tayong lahat.
25:31Okay, yan po naman mula sa Office of Civil Defense Cordillera Administrative Region, si Director Albert Mogol.
25:39Limang kabaong ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila.
25:44Bukod po sa nakasulat na anti-China message, nakadikit din sa mga kabaong ang mga litrato ng ilang Chinese officials.
25:52Ang mainit na balita hatid ni Jomer Apresto.
25:57Apre, may nag-iwan dito ng kabaong.
26:00Nagdulot ng takot sa ilang motorista at mga naglalakad ang kabaong na yan na iniwan sa bageta ng Rizal Avenue
26:06Extension bandang 7th Avenue sa Caloocan kaninang madaling araw.
26:10Ayon sa uploader ng video, hindi nila malapitan ng kabaong dahil sa pangambang may bomba sa loob nito.
26:17Sa kuha ng CCTV ng Baragay 54, pasado alas 2 ng madaling araw kanina, may kitang isang kulay puting van
26:24na huminto sa kalsada.
26:25Maya-maya, limang tao ang lumabas sa van at sineta pang kabaong bago sila tuluyang umalis sa lugar.
26:31It might be a threat. I will contact with a policeman, lahat ng mga anggulo. Anyway, si CCTV namin open.
26:41Lahat po mga anggulo, makikita natin yung band kung baka makikita natin rin ang plate number at din ma-report
26:48natin sa LTO.
26:49Pasado alas 3 ng madaling araw ng kuning ng mga otoridad ng kabaong.
26:53Sa Quezon City naman, isa ring kabaong ang iniwan sa gitna ng Boy Scout Circle sa Timog Avenue mag-aalas
26:593 ng madaling araw kanina.
27:01Ayon sa barangay officials, nakita na mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department o TTMD ang mga nag-iwan
27:08sa kabaong.
27:09May tatlong tao na naglapag. Isang babae, dalawang lalaki. Tapos ba na puti na walang plate number.
27:18Tinanong siya nung TTMD, yung babae, sabi naman sagot nila babalikan din daw nila. Inisip namin na may tao eh
27:26kasi pero wala naman po, litrato lang.
27:29May ilang litrato na nakadikit sa mga kabaong. May nakasulat din dito na Chinese Communist Party at mga salitang greedy
27:37at salot.
27:39Pasado alas 3 ng madaling araw ng kuning ng kabaong ng Quezon City Police.
27:43Sa di kalayuan, mayroon ding mga bulaklak ng patay sa Center Island.
27:47Hindi raw malinaw kung kasama itong iniwan sa lugar dahil wala o manong playback ang CCTV ng barangay.
27:54Sa Makati, may kaparehong kabaong na nakita sa bahagi ng Buendia na ayon sa Makati City Police ay malapit sa
28:00Chinese Embassy.
28:02Iniinspeksyon nito ng polisya at bomb squad. At nang buksan ay walang laman kundi papel.
28:08Pareho rin ang nakalagay sa mga nakitang kabaong. May nakasulat na Chinese Communist Party.
28:13Ang mga larawan naman, kamukha ni na Chinese President Xi Jinping, Chinese Foreign Minister Wang Yi, at Chinese Ambassador to
28:21the Philippines Jing Chuan.
28:22Ang dito, established mo dito, ito yung Chinese Embassy.
28:26Kung naroonan po dito ang kabaong ay malaki sa Chinese Embassy.
28:30So meron mo bang coordination na yung embassy o ano ang...
28:35Wala pa ma, makipag-coordinate pa tayo sa kanila.
28:37Na-verify naman ma, walang laman.
28:38Pero as of now, ginagawa natin yung operating procedure na ipapasok mo natin tapos apaanin natin sa UOD para...
28:50May iniulat ding nakitang kabaong sa Santa Cruz sa Maynila.
28:54Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.
28:59Iniimbisigahan na ng National Capital Region Police Office ang tungkol sa mga kabaong na iniwan sa ilang lugar sa Kamainilaan
29:06na may litrato ng ilang Chinese officials.
29:10Ayon sa NCRPO, limang kabaong ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Kaluokan, Quezon City at Makati.
29:17Sina diyang iwan daw ang mga kabaong kaninang madaling araw.
29:21May mensahe ang mga kabaong na kontra CPP-NPA at kontra China.
29:26Sinisilip na rin ng NCRPO ang mga CCTV sa lugar na pinag-iwanan ng mga kabaong.
29:33Sabi naman ang Department of Foreign Affairs tungkol sa mga kabaong na may mensahe kontra China,
29:38hindi nito pinahihintulutan ang anumang aksyon o banta ng karahasan laban sa sinumang individual o opisyal.
29:45Hindi rin ito sumasalamin sa posisyon ng gobyerno at hindi rin ito ipinapakita kung paano maglahad ng kritisismo ang mga
29:54Pilipino kahit sa mga sensitibong issue sa politika.
29:58Nakikipag-ugnayan din ang DFA sa mga otoridad, kaugnay sa tinawag nitong Reckless Act.
30:04Wala pang pahayag ang Chinese Embassy, kaugnay sa mga iniwang kabaong na may mensaheng kontra China.
30:17Friday latest mga kapuso, ready nang ishare ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang kanyang unfiltered life sa isang
30:27docuseries.
30:28Narito ang latest ni Athena Imperial.
30:33Mula pageants to entrepreneurship hanggang sa pagiging ina.
30:39Yan ang matutunghayan sa 8-part docuseries na Celeste Unscripted na tungkol kay beauty queen at no ma'am Celeste
30:46Cortesi.
30:47In pageantry, when I do interviews and I do my own thing, I am very scripted.
30:53So this is the first time that people really get to see my private life and everything that happened after
31:00Miss Universe, more of my personality.
31:04Produced and directed ang docuseries by Filipino Emmy winner Michael Carandam, na nakatrabaho na ni Celeste nang sumali siya sa
31:11Miss Universe Philippines 2022.
31:13Celeste asked me to do her video for Miss Universe Philippines, like we did the catwalk challenge, and we did
31:21also the fashion film challenge.
31:23The photo shoot chop, the face, the face, the...
31:26You won on that.
31:26And we won.
31:28Kabilang sa mga pag-uusapan sa series, ang pagkabigo ni Celeste na mapabilang sa top 16 roster ng Miss Universe
31:342022 na pumuto sa 12-year consecutive semi-final straight ng Pilipinas sa Miss Universe.
31:41Even in the moment I asked her for the first time, she really feels uncomfortable talking about it.
31:46And as somebody who is passionate also, I think the reason why is she really cared a lot.
31:52And it really meant a lot to her.
31:53And it meant a lot to her to make the Philippines proud.
31:56Like I was really inspired how Celeste manages some of the biggest, I would say failures in somebody's life.
32:03If you would think, like I'm somebody that also embraces failure.
32:06I think because I've become better after a failure.
32:08Sabi ni Celeste, naisip na niyang sumali uli sa pageant.
32:12Pero thankful na raw siya ngayon sa nangyayari sa kanyang buhay.
32:16But I think now I reached a point where I feel at peace with what happened.
32:21I really gave my best.
32:23Like I really fought for it so much.
32:25And I prepared for it for more than a year, to be honest.
32:28And I'm just very grateful to about like where I am right now.
32:34And I think like also looking back, it was just not meant for me.
32:42Mapapanood ang Celeste Unscripted simula August 8 sa GTV at August 15 sa GMA Life TV.
32:50Athena Imperial nagbabalita para sa GMA News.
33:00Natutuwa raw si Vice President Sara Duterte sa ipinapakitang performance ng kanyang defense team sa impeachment trial.
33:07May puna naman ang bisya sa takbo ng paglilitis at sa ilang personalidad.
33:12Balitang hatid ni Darlene Kai.
33:17Sa panayam kay Vice President Sara Duterte, nagpakawala siya ng batiko sa kinahaharap niya ngayong impeachment trial.
33:24Napaka-klaro naman yung bending the law dyan sa impeachment na yan.
33:29Ang sabi niya, bending the law o pagbali ng batas.
33:33The third impeachment complaint.
33:36Kabilang sa mga pinatungkulan niya ang kuenestyon niyang impeachment proceedings sa Kamara.
33:40Petisyong ibinasuran na ng Korte Suprema dahil boot na ang issue.
33:44Pati na ang magkasamang pagupo sa rostrum ni na Senate President Sherwin Gatchalian
33:48at Presiding Officer Senator Cheese Escudero sa kanyang impeachment trial.
33:52Simula pa sa House of Representatives hanggang sa pagkakaroon ng dalawang tao na nakaupo doon sa stage or rostrum or
34:04elevated platform.
34:08Hindi na kailangan guluhin ang impeachment dahil magulo na siya sa bending the law.
34:14Tumangging magkomento si Duterte sa pagbasura ng Korte Suprema
34:18sa kanyang petisyong kumwestyon sa proseso ng Kamara sa pag-impeach sa kanya.
34:22Pero naghayag siya ng pagkatuwa sa ipinapakitang performance sa kanyang defense team.
34:27Nagpapasalamat lang talaga ako dahil merong mga abogado na tinanggap ang aking kaso
34:32at they are diligent and passionate enough to defend.
34:38Ayon din sa BICE, narinig daw nila na may iniyahan ng kaso ang National Bureau of Investigation.
34:43Hindi malinaw kung tungkol saan pero matatanda ang iniimbestigahan ng NBI
34:47ang umano'y banta ng BICE sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos.
34:52Usaping bahagi ng mga akusasyon sa kanyang impeachment trial.
34:56Naghahanda na raw ang kanyang abogado kung meron mang kasong isasampa.
34:59Dili naman siguro nakatingalad at sa nakita na ito sa mga kadaghan-daga nag-i-file nila ang kaso
35:04sa as I said, mga tao nga dili musunod kay BBM.
35:11Darlene Kai, GMA News.
35:14Patuloy po namin ihahatid ang mga pinakahuling pangyayari sa The Vice President on Trial.
35:20Umaga po yan tuwing lunes hanggang miyerkules sa livestream.
35:23Napapanood din po yan dito sa GTV simula 9.45 ng umaga, lunes hanggang miyerkules.
35:33Mainit na balita, nagtala ng pinakamabagal na paglago ang ekonomiya ng bansa
35:39simula noong COVID-19 pandemic.
35:42Sa tala ng Philippine Statistics Authority,
35:442.3% ang gross domestic product growth nito pong second quarter.
35:49Pinakamabagal simula noong first quarter ng 2021
35:52na negative 3.8%.
35:55Ayon pa sa PSA, pinakamalaki ng ambag sa paglago ng ekonomiya noong second quarter
36:01ang wholesale and retail trade, repair of motor vehicles and motorcycles, education at manufacturing.
36:09Sabi ng Malacanang, mas mabagal kaysa sa kanilang inaasahan ang maitalang GDP growth.
36:15Pero hindi raw nito itinatakda ang pangmatagalang direksyon ng bansa.
36:19Anya, pansamantala lamang daw ang pagbagal ng paglago ng ekonomiya
36:23na resulta ng ilang unusual events gaya ng gulo sa Middle East
36:28at pagtamlay ng infrastructure spending sa gitna ng aksyon ng gobyerno laban sa korupsyon.
36:36Kamuusay na po natin ang magiging lagay ng panahon ngayong weekend.
36:39Makakapanayin po natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
36:44Magandang umaga po sa inyo, sir.
36:46Magandang umaga, Ms. Connie, at sa lahat po ng ating mga taga-subaybay.
36:49Tila mabilis po yung tuluyang pag-dissipate ng bagyong Maymay.
36:52Ano ang nakikita niyong dahilan niyan?
36:55Well, Connie, kung nakita nga natin, tumawid ng Northern Luzon area
36:59bilang isang tropical storm category itong bagyong si Maymay.
37:03And alam naman po natin na yung Northern Luzon area ay may mountainous regions.
37:09So normally, kapag isang bagyo, lalo na kung hindi naman kalakasan,
37:13ay tumama po sa mountainous regions ng Northern Luzon,
37:16may tendency pong mabasag yung circulation ng hangin ito.
37:19At bukod pa dyan, nawawala na na supply ng moisture.
37:22Kasi karaniwan po, yung mga ganyang landmass ay mababa ang moisture content ng hangin.
37:28At iyon po isang source ng laks ng bagyo.
37:31Kung kaya't iyon yung naging daylan kung bakit since last night hanggang kaninang umaga,
37:35ay tuloy na nga naging isang low pressure area na lamang itong dating bagyong Maymay.
37:39Mananatili ho bang malakas ang habagat naman ngayong weekend?
37:43At ano-ano ho yung mga lugar na uulanin kung sa kasakali?
37:46Tama po sila, no?
37:47Dahil bagamat wala ng bagyo, yung bagyo naman na napakalayo,
37:52nasa labas ng FAR, na may international name na Dolphin,
37:55ay patuloy na nagpapaibayo ng habagat.
37:57So ngayong araw hanggang bukas,
37:59asahan ng mga pagulan, posibleng umabot na hanggang 100 to 200 millimeters
38:03dito sa lalawigan ng Abra, Ilocosur, Launyon, Benguet at Sambalet.
38:07100 millimeters naman sa ilang lugar,
38:09gaya nga na Ilocos Norte, Apayaw, Kalinga, Mountain Province, Ipugaw.
38:14100 millimeters din, Nueva Biscaya, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Bataan at Occidental Mindoro.
38:21At inaasaan po natin nga na sa Sabado at sa darating na linggo,
38:25ay posible pang manatili itong epekto ng pinag-ibayong habagat.
38:29At sa Sabado nga inaasaan natin na kasama na ang Metro Manila.
38:33Sa posibleng ulanin ng mula 50 to 100 millimeters of rain.
38:37Kaya patuloy yung paalala natin sa ating mga kababayan,
38:40bagamat wala ng bagyo, yung pinag-ibayong habagat,
38:42pwede pa rin po magdulot ng mga pagbaha, lalo na sa low-lying areas,
38:46pag-uho ng lupa sa mga lugar na malapit po sa paana ng bundok,
38:49lalong-lala po kung ilang araw nang nag-uulan sa kanilang lugar.
38:52Marami pong salamat sa inyong paalala na yan. Thank you.
38:57Marami salamat, Dito, at maganda araw.
38:58Yan po naman si Pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
39:05Ganito kasing laan labing isang taong gulang na si May,
39:08pero ang kakulitan niyang ito, isang talang alaala ngayon.
39:11Nakaburol siya ngayon sa Las Piñas matapos makuryente
39:14dahil sa isang nag-malfunction na clip fan.
39:16Ilitrek pa nga daw po ang sanhi doon sa pagkakuryente.
39:20Kasi yung dulo niya, naputol po eh.
39:23Naputol bali ang dulo.
39:24Ngayon yung kaputol nun, dumikit po doon sa double deck namin.
39:29Ngayon nung dumikit yun doon sa ano, hindi nakadikit,
39:32eh itong anak ko naman kasi basa.
39:36Tapos basa na rin yung flooring kasi nga,
39:38nagigib siya na wala kasi kami ng tubig,
39:41naputulan kami, gawa nang sa hirap nga namin.
39:44Sa lakas doon ang pagkakuryente ni Mai,
39:46nadamay din ang kanyang lola at kapatid.
39:48Sumigaw daw. Aray daw.
39:51Nakita nanay ko, nanginginig na.
39:54Sabi ng nanay ko, kulot, huwag ka magbibiro.
39:57Ginawa nanay ko, hinawakan siya.
39:59Kala niya, nagbibiro lang, hinawakan.
40:02Eh, nakuryente na rin siya.
40:03Tapos sumawak din yung si Bibi, nakuryente na rin yung bunso ko.
40:07Binitawan.
40:08Sabi nung anak ko ng bunso, yung kapatid niya,
40:10na, nah, lumabas na dyan, kuryente yan.
40:14Namamasada noon si Noel bilang tricycle driver na maaksidente ang anak.
40:18Sa ospital na lang niya inabutan ang anak na wala ng buhay.
40:21Pinipisil ko para umaray ba.
40:24Sabi ko, laban ka naman na, huminga ka,
40:28sige na, gumalaw ka kahit isa lang,
40:30ayaw talaga, wala ka pa masabi sa kanya.
40:33Malambing po siya.
40:34Yung pagka, yung darating siya sa terminal na biyay ka ron,
40:40hingi po ng baon.
40:42Pag nakita ko, yayakap na yan sa akin,
40:44tapos ikikiss niya ako niyan.
40:45Hingi naman ang kiss naman yan.
40:47Tapos, yung buho ko kasi ito, gayo ito, mahaba.
40:50Susuklay niya ito.
40:51Ito yung mismong clip fan na ayon sa ama ng biktima,
40:54naging sanhi ng aksidente.
40:55At ito yung dulo ng kable na natuklap at na-expose
40:59kaya naging simula ng pagkakuryente ng biktima.
41:04Problema pa sa ngayon ng pagpapalibing kay May.
41:06Ang botante po siya ng Las Piñas.
41:10So, ina-expect po namin na siya ay makaka-avail ng libring-libeng.
41:15Pero, ang naging conflict, according to Kuya Noel,
41:18na hindi nga daw po ito sa funeraryan ng Las Piñas,
41:23kundi sa Bacoor.
41:24So, paglapit naman niya ng Bacoor,
41:26ang sabi naman po ng barangay, ng San Nicolás,
41:29according sa kwento ni Kuya Noel,
41:31ang address naman niya ay Las Piñas.
41:33Kaya hindi rin din daw po ma-avail ang libring-libeng.
41:36Nanawagan ako, nagkaroon kami ng pag-uusap kanina,
41:41nag-post po ako sa social media, sa FB ko,
41:44na may hindi kami ng tulong sa mga kinauukulan
41:47para naman ma-avail po nila yung libring-libeng,
41:49either Bacoorman ito or Las Piñas.
41:53Iba yung ingat din ang paalala ng pamunuan ng barangay
41:55sa paggamit ng mga dekuryenteng gadgets sa bahay.
41:58Katulad po nung clip fun na ito,
42:01which is nakita po natin,
42:02ang dami, halos lahat po ng kabahayan
42:04ay gumagamit po nito.
42:05At ang mga minor de edad,
42:08ang mga bata po ay kanila pong ano,
42:11sila na yung nagpa-plug na nito
42:14at napaka-delikado,
42:15baka may mga sugat na wire na alam naman natin
42:17na baka mamaya undersized po yung mga wires nito.
42:21So, maging ano po tayo mapagbantay.
42:23Sinusubukan pa namin makuhanan ng pahayag
42:25ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas.
42:28Bamalagro, nagbabalita para sa GMA News.
42:34It's official, binuksan na
42:36ang 22nd Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.
42:40Present sa opening kahapon ng Cinemalaya 22 Real Reflections,
42:44si sparkle artist Rocco Nasino.
42:46Bida si Rocco sa film entry na Tiric.
42:48Naroon din ang ilang bigating direktor
42:51kabilang si Kapuso Award-winning screenwriter
42:53and director Zig Dulay.
42:55Hosted ang event ni sparkle actress Clea Pineda
42:58kasama ang co-host na si Janela Salvador.
43:01Bukod sa Tiric,
43:02kasama rin sa entries this year
43:03ang pelikulang Hand of God
43:05ni Hari ng Tondo Star, Ruro Madrid.
43:07Family drama na tayo lang ang nakakaalam
43:10ng nagbabalik Cinemalaya
43:11na si Martin Del Rosario.
43:14At two valid IDs
43:15ni Kapuso comedian Pocuang.
43:18Papapanood ng Cinemalaya
43:19hanggang August 18.
43:23At yan ang may init na balita
43:24ngayong tanghali.
43:26Ako po si Connie Sison.
43:27Kasama nyo rin po ako,
43:28Aubrey Caramper.
43:29Ito po ang GMA News.
43:30Walang kinikilingan,
43:31walang pinaprotektahan.
43:33Noon at ngayon,
43:34serbisyong totoo.
43:35Outro
Comments