00:00...to pinayuhan ni Vice President Sara Duterte si Presidential Spokesperson Claire Castro
00:05na maging professional sa pagbibigay ng mga pahayag bilang tagapagsalita ng Office of the President.
00:11Tinanong naman ang VP kung may komento ba siya sa pagbisita ni Marcus Jr. kamakailan sa Davao City.
00:17Iyan at iba pang detali sa pagtutok ni Jason Rubrico.
00:22Sa panayam sa Davao City nitong Webes, hininga ng reaksyon si Vice President Sara Duterte
00:28matapos tawagin ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro
00:33na baseless at nonsense ang nauna niyang pahayag kaugnay ng International Criminal Court o ICC
00:40at kay Pangulong Ferdinand Marcus Jr.
00:43Bilang tugon, sinabi ni VP Sara, na bilang tagapagsalita ng Office of the President
00:48nararapat lamang na maging professional sa mga pahayag na inilalabas sa publiko.
00:54Si Claire Castro is a spokesperson of the President and the Office of the President
00:58or hindi ko alam kung kaninong spokesperson siya.
01:01Pero by the fact na spokesperson ka, merong si ng Office of the President dyan,
01:09dapat maging professional ka sa mga sinasabi mo.
01:14She doesn't have the liberty na tulad sa atin na pwedeng magsalita ng kahit anong iniisip natin
01:22at kahit anong opinion natin.
01:24Kasi nagsasalita tayo para sa sarili natin.
01:27Pero kapag may sin, sa likod mo, sa harap mo,
01:31kung ano yung professionalism na hinihingi galing doon sa opisina na yun,
01:37yun dapat ang ipakita at ibigay mo sa taong bayan.
01:42Samantala tumanggi si VP Sara na magbigay ng komento sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
01:48sa People'sville Housing Project sa Kalian Davao City.
01:51Aniya, mas makabubuti ang mga residenteng binisita ng Pangulo
01:55ang tanungin tungkol sa kanilang naging karanasan at opinion.
01:59I know kasi project namin yan nung mayor ako na ba.
02:02So ayun kong mag-comment sa kanyang pagbisita.
02:06Siguro ang mas maganda ay ipakomment natin yung mga tao na binisita niya
02:10dahil wala naman ako doon nung bumisita siya.
02:14So mas maganda, tanungin natin yung mga tao na nandun
02:19kung ano yung komento nila, ano yung opinion nila sa pagbisita ni BBM doon.
02:26Kaugnay naman sa panawagang tutukan ang problema sa pagbaha sa Davao City,
02:31sinabi ni VP Sara na hindi lamang Davao ang dapat bigyang pansin ng pamahalaan.
02:37Aniya, dapat matugunan ang pagbaha sa lahat ng apektad lugar sa bansa
02:42upang maywasan ang panganib sa buhay ng mga mamamayan.
02:47Dapat tutukan ng gobyerno ang baha sa lahat ng lugar ng Pilipinas,
02:53hindi lang sa Davao City kasi meron din baha sa Ilocos,
02:57meron din baha sa Pampanga sa Bulacan,
03:00lahat ng mga low-lying area sa panahon ng malakas na pagulan at bagyo
03:06ay kailangan tutukan dahil delikado na merong mamatay dahil sa mga pagbaha.
03:13So, hindi lang Davao City, dapat buong bansa dahil ang pangulo naman ay pangulo ng buhansa.
03:19Para sa Diyos at sa Pilipinas kong mahal,
03:21ako si Jason Rubrico, SMNAL News.
Comments