Skip to playerSkip to main content
24 Oras: (Part 3) Excusive — ilang sa nagpakilalang dating bodyguards ni Co, gustong bawiin ang mga naunang salaysay; Senior na tumatawid sa spillway, inanod; Digital sketch ni Bitoy kay Alex Eala, atbp


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinangay ng rumaragasang tubig ang isang senior citizen na tumatawid sa spillway sa Rodriguez Rizal.
00:06Ang pagsagip sa kanya sa pagtutok ni Jamie Santos.
00:13Sa CCTV footage ng Barangay San Rafael sa Rodriguez Rizal,
00:18kitang sabay na tumatawid sa spillway ang dalawang lalaki na yana.
00:22Pero napag-iwanan ng isa, nakapansin-pansing na hirapan sumulong dahil sa malakas na agos ng tubig.
00:28Makalipas ang ilang sandali, nawalan ito ng balanse, natumba at tuluyang inanod ng rumaragasang tubig.
00:35Ilang metro rin ang layo ng inanod sa biktima mula sa bahaging kanyang tinatawiran.
00:40Agad namang nagkasan ang rescue operation ng Barangay San Rafael,
00:44katuwang ang Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office o MDRRMO.
00:50Bago tuluyang lapitan ang biktima, nagtulong-tulong munang magkabit ng mga lubid ang mga rescuer
00:55upang magsibing safety line laban sa malakas na agos ng tubig.
01:00Nahihirapan lang po dahil kahit sabihin mo may part na mababaw,
01:05yung malalaman, doon yung talagang malakas na current ng agos ng tubig.
01:09Doon po kami nagtulong-tulong, tumawag na rin po sa MDRRMO, additional salvavida, mga lubid po.
01:19Habang nakaalala yung mga rescuers sa lubid, naghagis din sila ng stretcher, salvavida at light vest hanggang sa marating ang
01:27biktima.
01:28Napakahirap pong itawid at abot po ng tinatawag namin salvavida, yung mga equipment po ng BDR at saka ng MDR,
01:37ng local government, rumispend rin po at nagamit po namin mga lubid na pang-rescue po dito po sa amin
01:43sa spillway.
01:44Ilang minuto rin nakipagbuno ang mga rescuers sa rumaragas ang tubig bago tuluyang maiahon ang 64-anyos na senior citizen.
01:54Ayon sa barangay, nawala ng malay ang biktima,
01:57ngunit nigtas naman matapos mabigyan ang paunang lunas bago isinugod sa ospital.
02:02Kapag sinabing bawal, huwag na pong nating subukan kasi isa lang ang buhay.
02:06Hindi na natin maibapalik kung sakaling may nangyaring masama.
02:09Jamie Santos, Nakatutok, 24 Oras.
02:13Tinawag ni Vice President Sara Duterte na pagbali ng batas
02:17ang ilang nagaganap sa impeachment trial laban sa kanya.
02:21May pahaging din siya sa kamera at sa magkasamang pag-upo sa rostrum ng dalawang senador.
02:27Nakatutok si Darling Kai.
02:32Sa panayam kay Vice President Sara Duterte,
02:35nagpakawala siya ng batiko sa kinahaharap niya ngayong impeachment trial.
02:39Napaka-klaro naman yung bending the law dyan sa impeachment na yan.
02:44Ang sabi niya, bending the law o pagbali ng batas.
02:48Kabilang sa mga pinatungkulan niya ang kuenestyon niyang impeachment proceedings sa Kamara,
02:53petisyong ibinasura na ng Korte Suprema dahil moot na ang issue.
02:57Pati na ang magkasamang pag-upo sa rostrum ni na Senate President Sherwin Gatchalian
03:01at presiding officer, Sen. Cheese Escudero, sa kanyang impeachment trial.
03:05Simula pa sa House of Representatives hanggang sa pagkakaroon ng dalawang tao na nakaupo
03:10doon sa, ano man tawag dyan, stage or rostrum or elevated platform.
03:21Hindi na kailangan guluhin ang impeachment dahil magulo na siya sa bending the law.
03:27Tumangging magkomento si Duterte sa pagbasura ng Korte Suprema
03:30sa kanyang petisyong kumwestyon sa proseso ng Kamara sa pag-impeach sa kanya.
03:35Pero naghayag siya ng pagkatuwa sa ipinapakitang performance sa kanyang defense team.
03:40Nagpapasalamat lang talaga ako dahil merong mga abugado na tinanggap ang aking kaso
03:45at they are diligent and passionate enough to defend.
03:50Ayon din sa BICE, narinig daw nila na may iniyahan ng kaso ang National Bureau of Investigation.
03:56Hindi malinaw kung tungkol saan pero matatanda ang iniimbestigahan ng NBI
04:00ang umanoy banta ng BICE sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos.
04:05Usaping bahagi ng mga akusasyon sa kanyang impeachment trial.
04:08Naghahanda na raw ang kanyang abugado kung meron mang kasong isasampa.
04:12Dili naman siguro nakatingalad at sa nakita na ito sa mga kadaghan-daghan
04:16nag-efile nila ang kaso sa, as I said, mga tao nga dili musunod kay BBM.
04:23Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
04:26Humingi na paumanhin ang schools division ng Davao City kasunod ng viral online na insidente
04:32kung saan maririnig po ang pangmutya at pagmamura ng ilang mag-aaral kay Pangulong Bongbong Marcos.
04:39Nakatutok si Sandra Guinaldo.
04:44Usap-usapan ang isang tagpo nang dumalaw si Pangulong Bongbong Marcos sa Davao City noong July 28.
04:57Sa kumalat kasing video ng pagsakay niya sa presidential helicopter
05:01malapit sa isang gusali ng Kalina National High School,
05:06narinig na kinutya ang Pangulo at Minura pa ng ilang mag-aaral.
05:10Lupan na mga ngayon!
05:13Humingi ng paumanhin ang schools division of Davao City
05:16para sa hindi anila nararapat na ikinilos ng mga estudyanteng natukoy na.
05:22Hindi anila kinukonsente ang kanilang inasal na hindi umano sumasalamin
05:27sa itinataguyod na pagpapahalaga ng mga paaralan sa respeto, disiplina at responsibilidad.
05:34Kaya pinulong ang mga bata at kanila mga magulang o guardians.
05:39Nalayuning matiyak ang due process at pagpapatupad ng akmang interventions.
05:45Ayon sa Deped Order No. 006 Series of 2026,
05:49bawal ang pagbumura at malalaswang salita sa loob ng school premises
05:54maging sa online platforms, written reprimand at pagpapatawag sa magulang
05:59ang parusa sa una at ikalawang paglabag.
06:02Hanggang limang araw na suspensyon naman sa ikatlo.
06:06Bahagi ito ng nakasaad sa Deped Order na Pagdidisiplina at Guidance and Counseling sa Lumabag.
06:13Sasalag din sila sa intervention na nakatoon sa responsabling asal,
06:18responsabling paggamit ng digital devices at internet at respeto sa kapwa.
06:24Sandra Aguinaldo, Nakatuto, 24 Horas.
06:28Nagpahayag ng pagkadismaya ang palasyo kaunay sa pangungutya at pagmumura
06:33ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos.
06:36Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro,
06:38Hindi matututo ng tamang asal na kabataan kung ang iniidolo ng mga ito'y mga walang modo,
06:44palamura at nagdarasal ng kapakamakan ng iba.
06:48Ikinalulungkot daw ng palasyo na sa eskwela ang panangyari ang insidente.
06:51Paghimok nila, ibalik ang decency o yung pagiging disente sa ating bansa at huwag pabayaan ang mga kabataan.
06:58Mahigit kalahating milyong firma na po ang nakalap ng ilang grupo para iprotesta ang itinatayong tech hub ng Pax Silica
07:06sa Tarlac.
07:07May abiso na umano ang basis conversion ng Development Authority na hanggang Desyembre na lang sila sa project site.
07:14At nakatutok si Mariz Umali.
07:21Sinisimula na ang Pax Silica Project sa New Clark City sa Kapastarlac.
07:25Kahit ayong mismo sa gobyerno, ay pinaplan siya pa ang ilang detalya nito.
07:29Kabila ang pagbili sa mga lupang magiging bahagi nito,
07:33na tila pangbabarat para sa mga nakatirang maapektuhan.
07:36Kasama nilang humarap kanina ang ilang progresibong grupo.
07:4030 pesos kada square meter lang anilang alok na bayad o 300,000 pesos kada ektarya.
07:46Wala pong katumbas ang 30 pesos per square meter.
07:51Hindi pa nga makakabili ng isang order na goto.
07:55Hindi ito sapat para matumbasan ang kaninang pamumuhay ayon sa mga humarap na magsasaka.
08:00Maraming magsasaka po ang mga umiiyak ngayon dahil sa mga proyektong itinatayo po ng mga BCDA.
08:08Ngayon isa pa po na dumating ang Pax Silica.
08:12Yung mga tao na nakatira sa amin ay yun lang po ang pinagkukuhanan nila ng kinabubuhay.
08:19Ang lupa ay katumbas ng buhay.
08:22Kapag inalis ang mga magsasaka at katutubo, unti-unti muna sila o biglang papatayin.
08:29Ang giitnoan ng gobyerno, walang maapekto ang mga katutubo sa Pax Silica.
08:33Ang proyekto pong ito, unang-una ay nakatitulo na sa BCDA. So it's a public land. Wala pong ancestral domain
08:43title doon.
08:44Pero sabi ng katutubong si Apong Pen, meron silang mga dokumento at larawang magpapatunay na matagal na silang naninirahan sa
08:51lugar na sasakupin ang proyekto.
08:54Kabilang sa mga maapektohan ay ang libingan ng kanilang mga ninuno.
08:57Panahon pa po ng Kastila ito. Hawak po namin yan. Pinakita po namin sa NCIP, sa BCDA para kami at
09:08ipatunay na kami talaga ay lihitimong taga doon po kami.
09:13Pero nakatanggap na umano ang ilan sa kanila ng abisong umalis na mula sa Basis Conversion and Development Authority o
09:19BCDA.
09:20Meron po ko silang binibigay na sulat na ganito hanggang December na lang kami.
09:25Sa parehong sulat ay inaanyayahan din silang makipagdialogo.
09:30Sa taya nila, halos tatlong libong pamilya ang maapektohan ng proyekto.
09:34Kaya nangangalap sila ng lagda kontra Pax Silica.
09:37Ang pinagsama-sama naming mga nakalap na firma, lagpas 526,000 na at patuloy na lumalaki.
09:46Reaksyon ng palasyo.
09:47Sa mga lahat ng pumirma dyan, we hope na nung pumirma kayo ay alam nyo ang detalye patungkol dito.
09:56Hindi sila muwang, hindi sila mangmang sa kung ano ang Pax Silica.
10:08Sana alam nila talaga kung ano ang nilalaman ng agreement na ito.
10:13Sa kamara, dalawang kongresista na ang naghahin ng resolusyon para maimbestigahan ang Pax Silica at epekto nito.
10:19Pagtutul ito at pagtigil sa proyektong Pax Silica.
10:25Kasama na rito yung paglalahad sa lahat ng impormasyon kaugnay sa Pax Silica.
10:32Yung demand ng transparency.
10:35Plano rin talakayan sa Senado ang issue sa proyekto.
10:38Maris, umali na katutok, 24 oras.
10:41Nagpabaha ang malakas na ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila kanina gaya po sa Paranaque.
10:47At kakambal niyan, syempre, heavy gut na traffic.
10:50Ang sitwasyon doon, tinutukan live ni Oscar Goyda.
10:54Oscar!
10:57Yes, Vicky, sa mga sandaling ito ay muli nang nadadaanan itong bahaging ito ng Dr. Santos Avenue
11:03matapos itong maparali sa kanina, bunsod ng baha.
11:11Tinati ang mag-aalas dos ng hapon kanina, nang halos maparalisa ang daloy ng trafiko sa lugar,
11:17matapos itong bahain, bunsod ng malakas na buhos ng ulan.
11:21Ayon sa mga taga rito, umabot daw ng hanggang hita ang baha.
11:25Maski mga maliliit na truck ay di umupra sa taas ng baha.
11:30Dahilan para maging sakit ng ulo ng mga motoristang na tengka sa lugar.
11:35Mabiliw po siya ang tumaas talaga.
11:38Kapag tuloy-tuloy po yung pagbuhos ng ulan, pataas pa rin po siya ng pataas.
11:43Ngayon, pag tumigil po naman yung ulan,
11:46nagsusubside po siya pero hindi agad siya madaluyan ng mga light vehicles
11:51or yung mga two wheels na tulad ng motorsiklo.
11:54Pero yung mga passable naman po ay mga malilaking truck.
11:57Kung may mga natuwa man, yun ay yung ilang mga bata sa lugar na ginawa ng paliguan ang binahang kalsada.
12:06Naglalaro po yan, kada ba dito, naglalaro po sila eh.
12:09Sila, saway ba sila?
12:11Kahit saway yun sir eh, talagang yung mga bata ginagawang laruan to pagka bumabaha talaga yung area.
12:17Halos ganito rin ang naging sitwasyon sa isa pang bahagi ng Sukat Road sa may palabas naman ng expressway.
12:24Pero gaya ng dito sa naroroonan natin,
12:27humuupa na rin ang baha sa naturang lugar at muli ng passable sa lahat ng mga pangkaraniwang sasakyan.
12:36Vicky, sa mga sandaling ito, bagamat pabugso-bugso ang pagulan,
12:40mayat-maya inuulan pa rin natin sa mga sandaling ito ay maayos na mga nadaanan ang baging ito ng Dr.
12:46Santos Avenue.
12:47Magkabila ang direksyon niyan.
12:49Vicky?
12:50Maraming salamat sa iyo, Oscar Oida.
12:53At eto na nga, nadagdagan pa ang mga lugar na nagsuspinde ng pasok bukas.
12:57Walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Marikina,
13:03Probinsya ng Abra, pati sa Bayan ng Santa Cruz sa Occidental Mindoro.
13:09Dagdag po yan sa mga una nang nag-anunsyo ng suspensyon ng pasok at alternatibong class at work arrangement
13:16dahil nga sa epekto ng bagyong maymay at habagat, patuloy pong tubutok para sa mga bagong anunsyo.
13:28Pinamaan din ng Eala Mania si comedy genius Michael V.
13:32Gumawa pa siya ng digital sketch ni Alex bilang tribute sa ipinakita nitong galing.
13:37Pero ano kaya ang pinakahinahangaan ni Bitoy kay Alex?
13:40It's Chichikeyan ni Obrick Arampe.
13:50Matapos ang historic win ni Alex Eala sa Mubadala DC Open,
13:54sunod-sunod ang pagbibigay papuri para sa Pinay tennis champion.
13:59Isa na rito si kapuso comedy genius Michael V.
14:03na gumawa ng artwork bilang tribute kay Alex.
14:0715 minutes lang daw ginawa ni Bitoy ang digital sketch na ito na ipinost niya sa kanyang Instagram
14:13dahil napabilib daw siya kay Alex.
14:17Napamura at napaiyak ako talaga dahil napakalaking achievement nung nagawa niya para sa,
14:23well not just for herself, kundi para sa bayan natin.
14:26Nakaka-proud talaga.
14:27Minsan na rin daw nahilig sa larong tennis si Bitoy at kanyang misis.
14:32At malaki rin daw ang epekto ni Alex sa pagkupalaganap ng interes ng mga Pilipino sa sports.
14:38Kahanga-hanga rin daw ang ipinapakitang pagkupahalaga ni Alex sa mga sumusuporta sa kanya,
14:44lalo na sa Filipino fans.
14:47Kaya nga yung pasasalamat niya, syempre ramdam mo talaga eh.
14:50Tagos talaga sa puso, wholeheartedly.
14:53Pagka nagbibigay siya ng speech, yung pasasalamat niya sa mga supporters.
14:59Ang digital artwork, umani rin ang paghanga mula sa fans dahil sa kusay ng pagkakaguhit ni Bitoy.
15:07Basta yun lang gusto ko sabihin, Alex Ayala, I'm so proud of you.
15:10And yung ginagawa mo para sa sport at para sa bayan, medyo nakakakilabot na nga eh.
15:16Ganun na yung feels.
15:17At para naman daw sa fans ng Kapuso sitcom na Pipito Manaloto tuloy ang kwento,
15:22may mapapanood daw na fresh episodes sa Sabado.
15:26Tuloy-tuloy pa rin ang paglago ng negosyo ni Pipito at paglago ng televiewers natin.
15:33Kaya marami-marami salamat.
15:35Talagang hindi kayo umihinto parang yung moto at yung kasabihan ni Alex Ayala.
15:41So thank you so much sa inyo.
15:47Mga kapuso, binabawi ng ilan sa mga nagpakilalang dating bodyguard ni Zaldico
15:52ang nauna nilang pahayag na nagkatid sila ng mali-malitang pera
15:56kaya na Pangulong Bongbong Marcos, dating House Speaker Martin Romualdez at iba pa.
16:00Nakatutok si Marie Zumali.
16:05No February 2026, lumabas sa publiko ang labing walong mga lalaking nagpakilalang dating security.
16:11Ni dating Congressman Zaldico, ang ilan sa kanila mga dating Marines.
16:16Sa kanilang affidavit, sinabi nilang naghatid umano sila ng mali-malitang pera
16:20kinadating Speaker Martin Romualdez, kay Co, at maging kay Pangulong Bongbong Marcos.
16:27Apat sa kanila, humarap sa akin kanina.
16:30Ang sinabi nila sa akin, binabawi na nila ang mga nauna nilang sinabi at kwento.
16:34Gusto lang po namin magrekanta po ma'am at para magbinabawi na po namin yung mga unang salaysay namin.
16:44Gusto na namin po manahimik dahil sa ngayon ay taddad kami ng mga kaso, mga banta sa buhay namin.
16:52May pag-isip-isipan namin na binabawi na po namin yung mga salaysay po namin.
17:00Hindi sila nagpakita ng mukha sa kamera dahil sa matinding bantaraw sa kanilang buhay.
17:06Dala nila ang tiging isang bagong sinumpaang salaysay.
17:11Binigyan din nila kami ng kopya ng video ng panumpaan at inotaryo ang mga ito.
17:20Bakit nyo gustong bawiin?
17:23Hindi po ututuro yung mga ibang sinabi na po namin.
17:25Binabawi po namin lahat yung salaysay na nagatid namin at hindi totoo po yung sinasabi namin doon sa unang sinaysay
17:33namin.
17:33Doon sa salaysay namin, sa unang salaysay, sa apit-abit.
17:40Yung hindi totoo yung sinasabi namin.
17:44Bakit nyo ngayon sinasabi na hindi totoo?
17:47Pero noon kasi pinanimbigan nyo eh.
17:49Parang naguguluhan pa kami noon. Tapos ang nagawa ng apit-abit namin po ay hindi kami po.
18:05Sa kanilang bagong affidavit, sinabi nilang binabawi na nila ang nauna nilang mga aligasyon.
18:10Laban kina Marcos, Romualdez, Co at iba pa.
18:14Pumirma lang sila sa joint affidavit dahil sa pangakong pera.
18:17Una kasi dyan, ma'am, may mga pangako po sa amin.
18:20Tulad ng pinansyal na sinasabi nila po na pwede na po kayong hindi magtrabaho ng dalawang taon.
18:29Tapos meron kayong security sa pamilya niyo.
18:33Kapalit ng ano?
18:34Kapalit po sa ginawa na pinag-dient affidavit ko.
18:38Tatlo sa humarap sa akin ngayon, pumirma ng affidavit sa Office of the Ombudsman
18:42na ginagamit ngayon sa investigasyon kay Romualdez at iba pa.
18:45Pero kwento nila, nang humarap raw sila sa Ombudsman,
18:50pinilit silang pumirma sa sinumpaang salaysay na gawa na rin daw.
18:54Tinakot daw silang sasampahan ng patong-patong na kaso.
18:57Ang affidavit daw nila ngayon, sila mismo ang nagsulat at walang namilit.
19:01Dalawang buwan na raw pinag-iisipan ng mga tinaguriang maleta boys na ito
19:05na bawiin ang una nilang mga salaysay hanggang sa maging buo na raw ang kanilang loob
19:10at i-execute ang mga bagong affidavit dalawang linggo na na kalilipas.
19:15Anila, nag-iisip na rin daw ang iba pa nilang mga kasamahan na pumanig sa kanila.
19:20Patuloy na kumukuha ang GMA News na reaksyon mula sa Ombudsman at kay Atty. Baligod
19:25na unang nagpakilala sa grupo ng mga sundalon.
19:27Maris, umali ng Tutok, 24 Oras.
19:36Emil, may tanong ako sa'yo. Naranasan mo na bang makantahan ng iyong lolo at lola dati?
19:41Panahon nun na yung Pamulina.
19:44Wah!
19:45Lucano yung lola ko ba?
19:46Ay, may ganda pala ng boses mo.
19:50Sige, Emil, go ahead.
19:51Sa Borongan City sa Eastern Samar, mayroon pong lolo na isinama pa ang apo sa kanyang karaoke session.
19:59Eh, approve kaya kay Baby ang boses ni lolo.
20:06Abay, abay, parang tinitimpla pa nung una ni Baby Ayabel ang boses ng kanyang lolo, Pio.
20:12Hanggang sa, abay, tingnan nga natin.
20:15Nakuna na ang kanyang cute, giggle face.
20:23Abay, talagang mukhang type na type niya ata ang boses ni lolo, ah.
20:27Kwento po, mga kapuso, ni Yus Cooper Aya na kumuha ng video na isipan lamang ni lolo Pio na isamang
20:33apo sa kanyang karaoke session.
20:36Hindi raw inaasahan ng kanilang pamilya na makunan ang cute moment ng maglolo na labis daw nilang kinagiliwan.
20:43Emil, kung kumata ako, bibigyan mo ba ako ng cute, giggle face?
20:46Ayun, eh.
20:48Huwag na, huwag na, baka lumakas pa yung ulan.
20:50At yan po ang mga balita ngayong Webes.
20:53Ako po si Vicky Morales.
20:54Ako po si Emil Sumagyo.
20:55Ito po ang GMA News.
20:56Walang kinikilingat.
20:57Walang pinoprotektahan.
20:58Noon at ngayon, servisyong totoo.
21:00At dahil hindi natutulog ang balita.
21:02Nakatuto kami, 24 ora.
Comments

Recommended