Skip to playerSkip to main content
24 Oras: (Part 1) Epekto ng Bagyong Maymay at Habagat; 2 patay sa landslide sa Benguet; Kaso ng dengue at leptospirosis; Unang panalo ni Alex Eala sa NBO, atbp


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:03Live from the GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:11Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:15Trahedya ang idinulot ng Bagyong Maymay
00:18ng puruhan nito ang probinsya ng Benguet
00:20bago ito humina bilang tropical depression.
00:23Dalawa ang patay ng gumho ang lupa
00:25sa isang bulaluhan sa bayan ng Latunidad.
00:28May iba pang pag-uho at pagbaha mula po sa Latunidad.
00:32Nakatudok live si Marisol po naman.
00:34Marisol.
00:38Vicky Emil, nasa likod ko ang lugar kung saan nangyari ang pag-uho kaninang umaga
00:43kung saan dalawang tao nga ang namatay at isa ang nakaligtas.
00:47Ayon sa mga otoridad, particular sa nakausap natin ang Latunidad Police,
00:51kung tutusin, hindi naman ganun kalapit itong natabunan na kainan
00:55mula doon sa paanan ng bundok.
00:56Dahil kung tutusin, yung nakikita ninyo dito sa ating likuran ng retaining wall,
01:00meron pa yan approximately 15 to 20 meters ang layo niyan
01:04mula dito sa kainan naman sa ating likuran.
01:06Pero sa dyalang daw talagang malaki ang volume or tipak ng lupa
01:09nung bumagsak nung kasagsagan ng malakas na ulan kanina.
01:17Matapos ang halos magdamagang pagpapaulan ng bagyong maymay at habagat,
01:21bangungot ang gumising sa mga taga-barangay silan sa Latrinidad Bingget kaninang umaga.
01:28Ang isang bulaluhan kasi, parang latang ni UP na mga bato at puti na gumuhong mula sa gilin ng bundok.
01:35Tulong-tulong ang mga rescuer sa pag-alis sa mga debris, lalot may mga nataburang sap ng kainan habang naghahanda
01:42kanina.
01:43May isang himalang nasagit at nadala sa ospital, pero ang dalawa nilang kasama, patay na ng matangpuan.
01:49At hindi lang yan ang pagbuho sa kapisera ng Bingget.
01:52Sa barangay Pugis, gumuhurin ng lupa sa Longlong Road.
01:55Wala mang nasaktan, isinara naman sa publiko at mga motorista.
01:59Tuloy-tuloy ang isinasagawang clearing operations doon.
02:03May pagbuho rin ng lupa sa barangay Lubas.
02:05Habang sa Gayasibining Road, tumas rin ang level ng isang creek dahil sa tuloy-tuloy na ulan.
02:12Halos umapaw sa tuloy ang rumaragasang tubig na patuloy na binabantayan ng mga otoridan.
02:18Ganyan din ang sitwasyon sa Bolo Creek, kaya pahirapan ang pagdaan sa gilid nito ng mga motorista.
02:24Binabantayan din ang sitwasyon sa Balili River at mga katabing creek.
02:28Ilang puno rin ang binuwal ng malakas na hangin.
02:31Kaya dahil sa Bagyong Maymay, nakataas na ang heightened alerts sa bayan ng La Trinidad.
02:36Sa Cannon Road naman sa Tuba, Bingget, nakuhanan ang pagdausdus ng mga tipak ng bato mula sa gilid ng bundok.
02:44May ilang bahay pa naman ang nakatayo sa paanan nito.
02:47Malakas din ang ragasan ng katabi nitong creek.
02:51Sa Itogong Bingget naman, binabantayan ang Ambalanga River kung saan nakapagtala ng pagtaas ng nivel at malakas na agos.
02:59Habang sa Lungsol ng Baguio, hindi na madaanan ang Baguio.
03:03Bawang roads sa Barangay Irisan dahil sa baha.
03:05Sa iba pang lugar sa City of Pines, halos mag-zero visibility.
03:10Umalakas ang hangin at ulan.
03:14Balik tayo dito sa Barangay Silans sa Latrindidad kung saan nangyari ang pagguho.
03:18Alam mo ay milang mga oras na yun.
03:20Meron na actually mga customer na kumakain.
03:22Pero buti na lamang at mabilis silang nakatakbo.
03:24Pero unfortunately, inabot nga ang tatlong trabahador nitong kainan.
03:29At yung isa naman na nailigtas sa pahirapang retrieval operation ay patuloy na nagpapagaling sa ospital.
03:34May mga inilikas na rin ng mga landslide for an area dito sa lugar.
03:38At ayon kay Deputy Chief of Police ng Latrindidad na si Major Mayomis,
03:42round the clock na ang kinalang pagbabantay.
03:44Lalo na tuloy-tuloy pa rin ang pagulan dito sa area.
03:47Emil.
03:48Maraming salamat at ingat kayo.
03:50Marisol Abduroman.
03:52Nagka-landslide din sa Batangas dahil sa habagat na pinalalakas ng bagyo.
03:57Baha naman ang namerwisyo sa Cagayan dahil sa malakas na buhos ng ulan.
04:02Nakatutok si Mark Salazar.
04:07Naantala ang mga klase sa ilang paaralan sa Cagayan matapos pasukin ng tubig ang mga koridor at classroom.
04:15Kasunod yan ang halos walang tigil na buhos ng ulan doon dahil sa bagyong maymay.
04:21Lubog sa baha pati ang ibang bahagi ng paaralan.
04:24Tuluyan ang sinuspinde ang klase.
04:26Sa bayan ng Bagaw, nagkaroon ng pagguho kaya pansamantalang isinara ang ilang kalsada.
04:32Sa bayan ng Magsinggal sa Ilocosur, naglandfall ang bagyong maymay kanilang alas dos ng madaling araw.
04:39Ang dala nito ay malakas na hangin at ulan.
04:42Ramdam hanggang sa bayan ng Santa Maria.
04:45Tila nagsayawan ang ilang puno ng saging sa tindi ng bugso ng hangin.
04:50Malalaki rin ang alo na humampas sa dalampasigan sa bayan ng Santa at Narvacan.
04:57May umapaw namang ilog sa bayan ng Quirino.
05:00Ramdam din ang malakas na ulang dala ng bagyong maymay sa Marcos, Ilocos Norte.
05:05Pinauwi naman ang mga estudyante sa Ilagan, Isabela dahil sa masamang panahon.
05:11Hindi man direkt ang apektado ng bagyo, nagka-landslide rin sa bahaging ito ng San Luis, Batangas.
05:17Dahil naman sa habagat, humamba lang sa kalsada ang gumuhong lupa at mga bato.
05:22May mga kinansila ring biyahe sa iba't ibang pantalan gaya sa Mindoro, sa Bohol, Palawan at Western Leyte.
05:29Ayon sa palasyo, naka-full alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC
05:37bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos.
05:41Patuloy na ring nagpapatupad ang mga nang maagap na hakbang ang lahat ng member agencies ng NDRRMC
05:49sa paghahanda at pag-iingat upang matiyak ang agarang pagtugon.
05:54Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
05:58Mga kapuso, sa Ilocosur naman kung saan nag-landfall ang bagyong maymay,
06:02ilang bahay ang winasak ng malakas na hangin.
06:05Napatidin ang supply ng kuryente.
06:07Mula roon, nakatutok live si Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
06:12Jasmine.
06:16Emil, walong barangay pa dito sa bayan ng mag-single Ilocosur kung saan nag-landfall ang bagyong maymay
06:22ang wala pa rin supply ng kuryente hanggang sa ngayon.
06:24Tuloy-tuloy ang power restoration na isinasagawa ng Electric Cooperative.
06:33Mag-aal hauna ng madaling araw ng maranasan ang malakas na hangin dala ng bagyong maymay sa Ilocosur.
06:39Lumaylay ang ilang kable sa kalasada na agad namang inayos.
06:42Malakas po yung hangin, ma'am. Lumaylay po yung mga kable. Kable ng internet po ito, ma'am.
06:47Kaya naayos po namin para may internet po yung mga bahay-bahay po dito.
06:52Magdamag na nakabantay ang mga opisyal ng barangay para agad maka-responde sa kaling kailanganin.
06:57Dahil sa bagyo, talagang binabatay dyan. Kung sakali mo may problema, di pwedeng maka-responde.
07:09Alas dos ng madaling araw, nang mag-landfall sa mag-single Ilocosur ang bagyo,
07:14nasira ang bubong ng ilang kabahayan sa barangay puro. Nasira rito ang ilang bangka.
07:19Natanggal yung mga bubong. Hindi kayo minikas. Tulog kasi yan. Pumapasok yung tubig.
07:24Walong barangay sa bayan ang walang supply ng kuryente.
07:27Kagabi lang mam walang kuryente. Hanggang ngayon, mahirap ma'am. Panganib kagabi.
07:32Kanina kumaga po, madami pong barangay na wala pang kuryente.
07:36Pero yung iba po kasi na-restore na. So bale nga yun as of 12-3 po, mga 8 barangay
07:42na lang po yung walang kuryente.
07:46Lakas lang agos ng tubig sa ilog guys.
07:49Hanggang tuhod na baha ang naranasan sa barangay Borono, Tagodin, Ilocosur.
07:54Humupa rin ang baha matapos ang ilang oras. Tuloy-tuloy ang clearing operation sa probinsya.
07:5967 pamilya ang inilikas sa mga evacuation center. Malakas at matataas pa ang mga alon sa baybayin.
08:06Nalubog sa baha ang ilang palayan.
08:08Pinakabinabantayan ngayon ng PDRRMO ang Amborayan River.
08:12Patuli kasi ang pagtaas ng antas ng tubig.
08:15Ang nakita namin na may pagtaas ng tubig ay actually nasa yellow and orange warning.
08:22Yung Amborayan River, so yun sa tagodin or sa malapit sa laon yun.
08:26So yun yung monitor namin ngayon kasi tumataas ba yung level ng water dito sa Amborayan River.
08:37Nakaranas ng malakas na hangin at ulan sa Narvacan, Ilocosur.
08:41Dahil sa patuloy na pagulan, nakastandby pa rin ang kanilang mga rescue equipment sakaling kakailanganin.
08:52Emilsa ngayon nagpapatuloy ang assessment na isinasagawa ng provincial government.
08:56Ganon din ang iba't ibang LGUs para malaman kung gaano nga ba kalawak yung danyos na iniwana ng Bagyong Maymay.
09:02Samantala, nakauwi na o nakabalik na sa kanilang mga bahay ang mga residenteng lumikas kagabi.
09:07Emila?
09:08Maraming salamat, Jasmine Gabrielle Galvan ng GMA Regional TV.
09:13At dahil pa rin sa Bagyong Maymay at Habagat, may mga lugar nang nagsuspindi ng pasok bukas, araw po ng
09:20biyernes.
09:20Walang pasok sa lahat ng antas sa public at private schools sa buong Cavite.
09:26Wala namang face-to-face classes sa buong probinsya ng Laguna at Benguet.
09:31Pati po sa San Fernando City sa Pampanga at sa Bayan ng Bugalyon sa Pangasinan.
09:37Asynchronous classes at work from home din bukas ang mga taga Don Mariano Marcos Memorial State University sa La Union.
09:45Patuloy pong tumutok sa 24 oras at sa GMA News para sa mga anunsyo ng walang pasok.
09:51Mga kapuso, tila walang epekto sa ilan ang kasabihang ang basurang itinapon mo.
09:57Abih, babalik sa iyo.
09:59Pahamuli ang itinulot ng mga pagtatapong nakulikam ng MMDA.
10:03Kaya sabi po ng ahensya, maninikit na sila gamit ang kanilang mga kamera ala NCAP.
10:09Nakatutok si Ian Cruz.
10:14Kitang-kita sa traffic camera ng MMDA.
10:17Ang lalaking ito na nagbaba ng mga sako mula sa kanyang sidecar.
10:22At itinatambak sa isang poste sa gilid ng Edsa Olivero sa Quezon City.
10:27Maya-maya pa, ang mga laman ng sako ibinubuhos na niya sa gilid ng banketa.
10:33Ayon sa MMDA, basura ang itinambak dito ng lalaki.
10:38Bahain pa naman ang bahaging ito ng Edsa.
10:40At yan nga ang nangyari.
10:42Ilang sandali matapos ang pagtatapo ng basura.
10:46Kasunod ng pagbuhos ng malakas na ulan.
10:49Kaya paalala ng MMDA, itapon sa tamang tapunan ng basura
10:54nang hindi magdulot ng perwisyo sa iba.
10:57Babala rin nila, walang ligtas sa kanilang mga kamera ang ganitong gawain.
11:02Marami na tayong hinuli dyan.
11:04Penalties may range from fine to community service.
11:07We have 32 cameras na talagang nasa estero lang nilalagay.
11:10Na-identified namin na ito, tapunan talaga ito.
11:12Alam na ng mga tao na sila ipinabandayan, tumigil na.
11:16Ang aming sukatan ay kung gaano karaming mga tao na ang hindi na gumagawa ng pinagbabawal.
11:23Ang mga basura ang itinatapon sa kung saan-saan nagdudulot ng pagbabara sa mga drainage at estero na nageresulta ng
11:31pagbaha.
11:32Kanina sa Vitas Tondo, kahit sa tulay, may mga tumpok ng basura.
11:37Sa estero de Vitas, marami ang palutang-lutang na basura na kasamang nahihigop ng pumping station.
11:44Hindi lang po mga basura at mga kagamitan ang nakukuha ng MMDA sa pumping station dito sa Vitas Tondo.
11:51Kagaya po ngayong araw na ito, nakalulungkot na maging yung patay na alagang hayop ay nahigop po nila dito.
11:59Kahapon nga, nasa 8 cubic meters ng basura ang nakolekta ng MMDA sa Vitas Pumping Station.
12:05Nadagdagan pa yan ng 4 cubic meters na basura sa maghapon ngayon.
12:09Yung mga basura po na itinatapon ng mga tao sa gilid ng kalsada, punta po sa inlet natin.
12:15Tapos pupunta rin po sa main drainage natin tulad ng estero de Vitas, mag-iipon-iipon po yan.
12:21Tapos pagka yung iba naman po tao sa ano, pag alam nilang gumalaw na yung tubig,
12:25ayun po, naghahagis na sila, hindi na nila po inaantay yung truck ng basura.
12:29Ang mahigit 70 pumping station ng MMDA, ginagamit para mailabas agad ang tubig ulan
12:36at hindi lumala ang baha sa Metro Manila.
12:38Pero dahil sa basura, may pagkakataong na antala ang pumping ng tubig tungo sa dagat.
12:45Pagka masyadong marami na po ang basura, magbabara na po yung mga screen natin,
12:49saka yung mga bomba, mapipilitan na po tayong ihinto muna saglit para po madiklag muna yung mga screen.
12:56Para pagka nadiklag na po, saka papaanderin ulit natin yung mga pumps
12:59para tuloy-tuloy po ang maiwasan ng pagba sa Metro Manila.
13:04Ian Cruz, Nakatutok, 24 Horas.
13:12Sinita ng press officer ng Malacanang,
13:15ang ilang senator judge na umaasta na umanong abogado para kay Vice President Sara Duterte
13:21sa impeachment trial nito.
13:23At nakatutok si Ivan Mayrina.
13:28Labas ang palasyo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
13:33Pero si Palas press officer Claire Castro, sinitangil ang senator judge na ayon sa kanya
13:38ay halos nag-aabogado na para sa nasasakdal.
13:41Marami po kasing lumalabas sa impeachment ayon sa PCO
13:46na nag-aaktong mga lawyer
13:53na hindi dapat, dahil dapat maging impartial, manatiling, walang bias
14:01ang mga senator judges.
14:05So, huwag silang magdala ng walis sa Senado.
14:09Sabi ni Castro, may hindi dapat ginagawa ang isang senator judge.
14:13Ang judge po kasi, sila po ay nagtatanong for clarification.
14:19Ang ibinabato nila ay clarificatory questions.
14:24Hindi po sila para mag-cross-examine ng witness.
14:29Hindi po sila dapat nakikipag-debate sa witness.
14:34Kasi ang mandato nila, kunin ang katotohanan para sa taong bayan.
14:40Kasalukoy ang dinidinig ng Senate Impeachment Court
14:43ang akusasyon ng maling paggamit umanong confidential funds
14:46ni Vice President Sara Duterte.
14:47Ang pinaka-bias daw na naranig ni Castro sa impeachment trial
14:51na ang dapat managot sa hindi tamang likwidasyon ng confidential funds
14:55ay ang Special Disbursing Officer o SDO lamang.
14:59Na ang dapat managot lamang ay ang SDO.
15:06Nakalimutan na may head of agency.
15:08Meron ng sariling batas, merong proseso,
15:12pero yung proseso ay nililihis.
15:15Iniiba ang interpretasyon at hindi hinahayaan
15:20ang witness na magtapos ng kanilang sagot.
15:25Sa pagdilig kahapon, nagtalo si na Sen. Judge Amy Marcos
15:28sa testigong State Auditor na si Roderick Wamil
15:31sa kung hanggang kanino ang pananagutan sa confidential funds
15:34sa ilalim ng COA Joint Circular o JC.
15:37Sabi kasi ni Wamil, ang head of agency.
15:40Sa kasong ito, si Duterte,
15:42ang accountable officer na dapat managot.
15:44Pero iginit ni Marcos na accountable officer
15:47ay ang Special Disbursing Officer o SDO lamang.
15:50Siya kaya nga, so yung accountable officer,
15:54eh yung SDO, nasa JC.
15:55Hindi lang po si SDO po yung accountable officer.
15:58Ang sabi doon, head of agency or person designated.
16:05Oo, ang liwalag sa definition ng Joint Circular.
16:09Mag-yes or no ka lang.
16:10Kanina ka pa, inaaway mo ko lagi.
16:13Hinihinga namin ang pahayag sa Sen. Marcos
16:15na kapatid ng Pangulo.
16:16Pero kinalang kaalyado ng vice.
16:19Ivan Mayrina nakatutok, 24 oras.
16:22Mga kapuso, pinaka pa ni Alex Iala
16:25ng panalo ang nagpapatuloy na Iala-Main niya
16:28sa Canadian Open.
16:29Bumawi siya kay Alicia Parks
16:31na tumalo sa kanya sa Australian Open
16:33nitong Enero.
16:34At kasabay ng buwan ng wika,
16:36kinausap sa wikang Pilipino
16:38ang mga taga-suporta.
16:39Nakatutok si JP Soriano.
16:46Pagpasok pa lang ni Pinoy Tennis Ace Alex Iala
16:49sa court ng Canadian Open sa Toronto.
16:53Dumagundong ang hiyawa ng fans
16:55na excited manood ng live
16:57ng paghaharap nila ni Alicia Parks.
17:01Fresh from her historic win
17:03sa WTA 500 Mumadala DC Open sa Washington,
17:06Hype na hype si Iala
17:08sa malakas na sigaw,
17:09lalo na ng Pinoy fans.
17:11Ipinakita ang liksi sa depensa
17:13at ang lakas ng kanyang opensa.
17:16At matapos ang tatlong set,
17:19nanaig si Alex sa score na 6-1,
17:224-6, 6-2.
17:24Hindi ito ang unang tapatan sa court
17:26ang dalawa.
17:27Dahil nito lang Enero,
17:28natalo ni Park si Iala.
17:30Dahilan kaya maagang nalaglag noon
17:32ang ating pambato sa Australian Open
17:34sa Melbourne.
17:36Ilang buwan lang ang lumipas.
17:39Isang bago at mas malakas na Alex
17:41ang nakaharap at nakagapi ngayon
17:43kay Parks.
17:44Sa post-match interview,
17:46agad binati ni Iala
17:47ang mga kababayan
17:48kasunod ng kanyang panalo.
18:10Kasunod ng panalo kay Parks,
18:12uusad na sa round of 32
18:14ng Canadian Open si Alex
18:15at sunod na makakaharap
18:17si Katie McNally ng Amerika.
18:19Pero bago yan,
18:20sasalang muna si Iala
18:22sa doubles tournament
18:23kasama ang tennis legend
18:25na si Venus Williams
18:26sa biyernes.
18:28Para kay Iala,
18:29ang unang panalo niya
18:30sa National Bank Open
18:31ay continuation
18:32ng celebration niya
18:34mula sa mubadala
18:35DC Open win.
18:36I am eternally grateful.
18:39I mean,
18:39I just came off Washington
18:40so I really feel like
18:42this is a celebration.
18:50Kaya proud na proud na proud
18:52na proud ako din
18:53maging Pinoy.
18:54Maraming salamat
18:55mga kababayan.
18:56Mahal ko kayong lahat.
18:59Loob man o labas ng court,
19:01ramdam ang Iala Minya.
19:03Nagmistulang pistang Pinoy na nga
19:05ang buong stadium
19:06sa dami na mga nanood.
19:08Ang mga ibinibentang pagkain
19:09sa mga booth,
19:10Pinoy food
19:11gaya ng adobo
19:12with rice.
19:14Kabila nga sa libu-libong Pinoy
19:15na nakabase sa Canada
19:16na todo suporta
19:18at cheer
19:18para kay Iala
19:19ay sila honey
19:20at mga kaibigang kababayan.
19:22Ang Pinoy rin na si Christine
19:24maswerte na kapagpapicture
19:26at pasign pa
19:27ng tennis ball
19:27kay Iala.
19:29Siyempre,
19:29pati dito sa Pilipinas,
19:31tinutukan ng mga Pilipino
19:32ang laban ni Iala.
19:34Maganda,
19:34maganda yung game no?
19:35Tapos si Alex kasi
19:38parang anak ng bayan niya eh.
19:40And that's why
19:40we're all proud of her.
19:42Sobrang naka-inspire po sa atin
19:44as Pilipinos po.
19:47JP Soriano,
19:49nakatutok 24 oras.
19:51Muli namang nakapagkamit
19:52ng gintong medalya
19:54si Pinoy pole vaulter E.J. Obiena.
19:56Nangibabaw ang husay ni Obiena
19:58sa 30th International Pole Vault Meeting
20:01sa York Rim, Germany
20:03matapos niyang maklear
20:04ang 5.83 meters
20:06sa unang subok pa lang.
20:09Sa isang post,
20:10ibinahagi ni Obiena
20:11na hindi naging madali
20:13ang kompetisyon
20:14at magkaroon paan niya
20:15ng ilang problema
20:16sa kanyang warm-up.
20:18At nitong weekend lang,
20:19nakaginto rin si Obiena
20:21sa first international
20:23pole vault meeting sa Germany.
20:25Tuloy-tuloy rin
20:26ang paghahanda niya
20:27para naman
20:27sa nalalapit na
20:2820th Asian Games
20:30sa September
20:31na gaganapin
20:32sa Japan.
20:34Samantala,
20:35tumaas naman ang bilang
20:36ng nagkadengge
20:37sa Mandawi, Cebu
20:38at Zamboanga City
20:39kung saan
20:40nagdeklara na
20:41ng epidemya.
20:42Binabantayan din
20:43ang Department of Health
20:43o DOH
20:44ang Lactose Spirosis
20:45ngayong maulan.
20:47Nakatutok si Maki Pulido.
20:52Dahil limang magkakasunod
20:53na linggo
20:54nang tumataas
20:54ang kaso ng dengue,
20:55nagdeklara na
20:56ng dengue epidemic
20:58ang Zamboanga City.
20:59Sabi ng Zamboanga City
21:00Health Office,
21:01kasalukuyang may
21:02widespread transmission
21:03sa tatlumput siyam
21:05na barangay ng siyudad.
21:06Mula Enero hanggang Hulyo,
21:07higit 1,200 na
21:09ang nagkadengge
21:10at 12 na ang namatay.
21:12Sa dami na mga
21:13nagkakadengge,
21:14puno na ang
21:14pediatric ward
21:15ng Zamboanga City
21:16Medical Center
21:17at mga pribadong
21:18ospital.
21:19Activated na raw
21:20ang hospital fast lanes,
21:22sabi ng Department of Health,
21:23at nagpapatupad na rin
21:24ng vector surveillance
21:25at fogging.
21:27Bahagya namang
21:27tumaas ang dengue cases
21:29sa Mandawi City, Cebu
21:30at isa na ang nasawi.
21:31Nagtala na rin
21:32ang Bacolod City
21:33ng unang dengue-related
21:34death ngayong taon.
21:36Namatay ang
21:37walong taong gulang
21:37nitong Hulyo.
21:39Sabi ni Health
21:39Undersecretary
21:40Mary Ann Palermo Maestral,
21:42sapat ang mga gamit
21:43at gamot
21:44sa mga lugar
21:44na nakararanas
21:45ng pagtaas
21:46ng kaso.
21:47What the program did
21:48was ask the other regions
21:50wherein mababa ang cases
21:52to share
21:54with the regions
21:55na may mataas na cases.
21:57In terms of the commodities
22:00sa central office,
22:01most of them
22:02are for award na rin.
22:03Pero sa kabuan,
22:05batay sa datos
22:06ng DOH Epidemiology Bureau,
22:0846%
22:09ang ibinabaan
22:10ng dengue cases
22:11mula January 4
22:12hanggang August 1
22:13ngayong taon
22:14kumpara sa parehong panahon
22:15noong nakaraang taon.
22:17Sa buong bansa,
22:18pinakamaraming kaso
22:19sa Region 3
22:20pero mas mababa pa rin ito
22:22ng 45%
22:23kumpara noong nakaraang taon.
22:25Sumusunod sa dami
22:26ng kaso
22:27ang National Capital Region
22:28o NCR
22:29pero mas mababa ito
22:30ng 55%
22:31kesa noong 2025.
22:33Bumaba rin
22:34ang 61%
22:35sa Calabar Zone,
22:36ikatlo
22:37sa pinakamaraming kaso
22:38sa buong bansa.
22:39Kontrolado raw
22:40ang dengue cases
22:41dahil tag-init pa lang
22:42nakapaghanda na
22:43ang DOH.
22:44Pero dahil maulan pa rin,
22:46paalala ng DOH,
22:47laging maglinis
22:48para walang mapugaran
22:49ang lamok.
22:50We were able
22:51to download
22:52all the supplies
22:53noong summer
22:55so naunahan natin
22:57si lamok.
22:57So yung expected
22:59na bad year
23:00for dengue
23:01last year
23:02did not happen.
23:03This year,
23:05may mga
23:06pocket areas
23:07na tumataas,
23:09maaagapan pa natin.
23:11Pinagahandaan din daw
23:12ng DOH
23:12ang posibleng pagtaas
23:13ng kaso
23:14ng leptospirosis.
23:15Dahil naibigay na raw
23:16ang prophylaxis medicine
23:17sa mga barangay
23:18health center,
23:19pakiusap ng DOH
23:21kung lumusong sa baha,
23:22magpunta sa health center
23:24at humingi
23:24ng libring gamot.
23:26We noted
23:26ng lahat
23:27ng nakapag
23:28inom
23:29ng preventive,
23:32hindi nagkakasakit.
23:33Kung magkasakit man,
23:34hindi lumalala.
23:35May gamot po tayo,
23:37lumapit lang tayo
23:38sa centers.
23:39Maki Pulido
23:40Nakatuto,
23:4024 oras.
23:42Formal
23:43ng hiniling
23:43ng Amerika
23:44na i-extradite
23:45o ilipat
23:46sa kanilang
23:47jurisdiksyon
23:48si Kingdom
23:49of Jesus Christ
23:49o KOJC
23:50Pastor
23:51Apollo
23:52Kibuloy.
23:52Kaugnay po yan
23:53sa mga kaso niyang
23:54sex trafficking
23:55at rocketeering
23:57sa Amerika.
23:58Pirumpirma yan
23:59sa GMA News
24:00ni Philippine Ambassador
24:01to Washington,
24:02D.C.,
24:02Jose Manuel
24:03Romualdez.
24:05Natransmit naan niya
24:06ang request
24:06ng Amerika
24:07sa ating Department
24:08of Justice
24:09o DOJ.
24:10Sabi naman
24:10ang kampo
24:11ni Kibuloy,
24:12wala pa silang
24:13natatanggap
24:13na anumang dokumento
24:15mula sa DOJ
24:16kaugnay nito.
24:17Ang DOJ
24:18naman
24:18sinabing
24:19hindi pa nila
24:20opisyal
24:21na natatanggap
24:22ang anumang dokumento
24:23kaugnay
24:24ng extradition request.
24:31Good evening mga kapuso!
24:33One after another
24:34ang acting gig
24:35ni Vince Maristela
24:36na enjoy raw
24:37ng mga katrabahong
24:38ilan niyang idols
24:39at kahit busy,
24:41very disciplined si Vince
24:42na maging fit pa rin.
24:44Makitsika
24:44kay Nelson Canas.
24:50Hindi lang basta
24:51committed to
24:51staying fit
24:52si Sparkle star
24:53Vince Maristela.
24:56Nile-level up pa niya
24:57ang kanyang A-game
24:58as he continually
24:59challenged as himself
25:01pagdating sa mga routine.
25:02Tulad ng video post na ito
25:04na talaga namang
25:05pamatay na run.
25:07Pamatay yung uphill downhill.
25:11Recently nga,
25:12nag-share pa siya
25:13ng kanyang routine
25:14at diet
25:15na kanyang sinusunod.
25:17Pero ang big guy
25:18na si Vince
25:18may tunay raw na reason
25:20sa pagpapalaki ng katawan.
25:23Kasi kawawa naman ako.
25:24Kung malalaman ko
25:25nang mayroong iba ka
25:26tapos payat ako.
25:28Di para akong sinuntok
25:30ni Pacquiao noon.
25:31Kidding aside,
25:32talaga namang
25:33nakakahanga
25:34ang disiplina ni Vince
25:35na bit-bit niya
25:37maging sa kanyang trabaho
25:38bilang artista.
25:39Kaya naman,
25:40nakatanggap ang sparkle
25:42actor
25:42ng magagandang reviews
25:44sa kanyang pagganap
25:45sa GMA
25:46and View Philippines
25:47collab
25:47na Love Shargao.
25:48Para kay Vince,
25:50nakadagdag pa
25:51sa inspirasyon niya
25:52ang mga dating
25:52tinitingala niya.
25:54Ibang-ibang experience
25:55din talaga na
25:56makapagtrabaho with them
25:58dahil madami akong
25:59natututunan,
26:00madami akong na-absorb.
26:01At syempre,
26:02grabe lang din talaga
26:04pinapanood ko dati sila
26:06kay Alden,
26:07sila Nadine
26:08and sila Jisoo
26:09and napaka
26:11unforgettable moment na yun
26:13dahil dati lang akong
26:15nanonood sa TV
26:15ngayon katrabaho ko na sila.
26:17Mapapanood din soon
26:19si Vince
26:19sa upcoming
26:20family comedy drama series
26:22na Delivery Boy
26:23kung saan makakasama niya
26:25ang kanyang mga kaibigan
26:26sa bahay ni Kuya
26:27na si Nawil Ashley
26:28at Mika Salamangka.
26:30First time ko actually
26:32gumawa ng isang comedy show
26:34and sobrang excited ako
26:35dahil
26:36ang dami nga din sa internet
26:38na
26:38alam mo yung mga funny
26:39funny moments ko
26:41ang dami lumalabas
26:42pero
26:42isa yun sa mga
26:44ano eh
26:44isa yun sa mga motivation ko din
26:46na
26:46galingan palalo
26:47wala ko sa comfort zone ko
26:49na nasa drama ko
26:50ganyan
26:51kasi
26:51for the past few shows
26:53drama lagi yung
26:55napubunta sa akin
26:56and
26:56ayun
26:57sabang thankful lang din ako
26:58sa opportunity
26:59na to.
27:00Nelson Canlas
27:02updated sa
27:03Shubis happening.
Comments

Recommended