00:00Sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
00:02inusisa kung dapat bang managot ang vice-presidente
00:05sa hindi maayos na liquidation ng confidential funds.
00:09Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:14Sa karanasan ng state auditor na si Roderick Wambil,
00:18ngayon lang daw niya naranasan na puro acknowledgement receipt
00:22ang isinumite ng isang ahensya sa pag-liquidate ng confidential funds.
00:27Aniya, walang isinumite ang Office of the Vice President
00:31ni isang official receipt na galing mismo sa pinagbilhan ng bagay.
00:36Ni isa dun sa mga ginastos, walang official receipt at walang sales invoice?
00:43Yes po, Your Honor.
00:44Okay. Sa experience mo dun sa December 21 to 31,
00:49masasabi mo bang standard practice yan ng iba pang mga ahensyang iyong na audit?
00:57Hindi ko po siyang masasabing standard practice since ito po yung kauna-unang beses
01:02na puro AR po yung sinamit sa amin.
01:05So, first time sa iyong 10 years na puro AR lang at walang sales invoice at walang official receipt?
01:12Opo, at ganun po kadaming AR kaagad yung sinamit.
01:15Ang OVP lang din ang naranasan ni Wamil na tumangging tanggapin
01:20ang unang audit observation memo na naglalaman ng mga paglabag sa liquidation rules.
01:27Alam niyo ba kung ba't hindi tinanggap dahil walang authorization?
01:30Tama ba yun?
01:30Yes po, wala ito pong mag-i-receive.
01:32Ganyan ba dapat? Ganyan ba ang kalakaran?
01:34Pagka ang isang ahensya ng pamalaan ay binigyan niyo ng AOM,
01:39nangyayari ba yan na hindi tinatanggap ng ahensya?
01:41Yan po yung first time na nangyari po, Your Honor.
01:44So, that's unusual?
01:46Yes po, that's unusual po.
01:47Lumabas din sa pagdinig na may notice of disallowance ang OVP.
01:53Ibig sabihin, pinababalik na ng COA sa OVP
01:56ang maygit 73 milyon pesos na pera ng gobyerno
02:01dahil sa kabiguan umano na makapagpakita ng katibayan
02:05sa pinagkagastusan ng confidential fund nito.
02:09Ang kasunod na noon, ayon kay Wamil,
02:12pwede nang magsampa ng kaso sa ombudsman.
02:15Pero ilang senador ang nagtanong,
02:17matuturing ba raw na pinal ito o pwede pang ayusin ang bise
02:22sa pamamagitan ng pagpapakita ng katibayan gaya ng mga resibo
02:26o questionin ang desisyon ng COA sa Supreme Court.
02:30Kailan nagiging final yung mga yan?
02:33Failure to liquidate?
02:34Yung finding na failure to liquidate?
02:37Kapag nag-appeal po, and then nagkaroon po ng resolution si Commission proper
02:42at nagkaroon po ng final decision.
02:44If it is appealed to the Supreme Court
02:45under whatever relevant rule 45 or 65,
02:49as a lawyer, does that make the decision of the COA final
02:55or does that mean it's not yet final
02:56until unless ruled upon by the court with finality?
02:59Kapag naging final na po, yung level pa lang po ng COA,
03:03ay dapat na po siyang bayaran.
03:05Even if there is a pending petition with the Supreme Court,
03:08hindi po siya may stay unless may TRO po.
03:11Unless nga may TRO.
03:13Yes po, Your Honor.
03:14Tinanong din si Wamil, may pananagutan ba si Vice President Sara Duterte
03:18sa kabiguan ng kanyang mga tanggapan
03:21na maliquidate ng maayos ang pondo?
03:23Ang tanong dito, sino ang accountable officer dito sa sitwasyon na to?
03:29Kasi ang liwa-liwanag na hindi naman si Vice President ang payi.
03:34Hindi naman sinasabi na nasa kanya yung pera.
03:38Ang liwanag sa inyong joint circular
03:41that the special disbursing officer
03:43is the one who was designated
03:47by the head of agency to have custody, di ba?
03:51And in the case of the OVP, si Acosta yun.
03:55In the case of DepEd, hindi ba si Faharda yun?
03:58That is not entirely correct po, Your Honor.
04:00Because under the joint circular,
04:02it shall be the responsibility of the head of the agency
04:05first to approve yung cash advance
04:07pangalawa, to oversee yung agency-wide utilization
04:11pangatlo, to ensure compliance with the joint circular
04:13and also po, inattest din po ni OVP yung...
04:18Unresponsive po.
04:20Binalikan din ni Senadora Ivy Marcos
04:22ang sinabi ni Wamil na batay sa panuntunan
04:25kung hindi maliquidate ang pondo ng gobyerno
04:28may presumption o pinagpapalagay na nagamit ang pera
04:32sa personal na bagay.
04:34Was there a finding na ginamit sa pansarili
04:38yung mga confidential funds ng OVP?
04:41That is a presumption po, actually.
04:42Pero hindi sinabi.
04:43Sa madaling sabi.
04:44Pero dahil presumption po siya, hindi po siya kailangan sabihin,
04:47Your Honor.
04:48Naintindihan ko, pero wala doon.
04:50Is there a co-finding na ninakaw
04:53ang confidential funds
04:55doon sa various AOMs and notice?
04:59Meron bang sinasabi doon na ninakaw?
05:01It was stolen?
05:02There is a prima facie evidence na nagamit po siya
05:05for personal use for benefit under the Joint Circular.
05:08Giit ni Wamil, responsable ang pinuno ng ahensya ng gobyerno
05:12sa pagtiyak na nagamit ng tama ang pondo ng opisina niya.
05:16Ang sabi doon, head of agency or person designated.
05:23Oo, ang liwalag sa definition ng Joint Circular.
05:26Mag yes or no ka lang.
05:28Kanina ka pa, inaaway mo ko lagi.
05:29Sorry po, Your Honor.
05:31But hindi po ako pwedeng mag-answer categorically
05:34since yun nga po yung provision.
05:35But it's categorical.
05:37Why don't you go back to your Joint Circular?
05:40Kapag sinabi po kasing categorical, it's either yes po.
05:42Doon sa definition, ang liwaliwanag,
05:43SDO kapag na-designate ng head of office, di ba?
05:47But hindi po kasi doon na nalilimit lang yung term na
05:50accountable officer kasi may other provisions na applicable pa rin po.
05:54May kaugnayan din dito,
05:55ang pagtatanong ni Senator Judge Risa Ontiveros.
05:58Sa Government Accounting Code,
06:02sino po ang mga opisyal na tinuturing na accountable officers?
06:06Under the Government Accounting Code,
06:08yung dispersing officer, yung accountant,
06:13yung treasurer, yung project officer,
06:15and the head of the agency po.
06:16At tama po ba na under this law,
06:21sa sections 101 at lalo na 102,
06:25ang head of agency ay primarily at immediately responsible
06:31para sa pondo sa kanyang ahensya?
06:33Yes po.
06:34Ayon kay Attorney Soledad,
06:36de Riquito Mawis,
06:37din ng College of Law ng Lyceum of the Philippines University,
06:41dahil si Vice President Duterte ang pumirma ng mga disbursement voucher,
06:46may command responsibility siya,
06:48at dapat alam niya kung paano ginastos ang pondo.
06:51Ang nakasakdal ho dito ay si Vice President,
06:55hindi ho yung mga ibang tao.
06:57Yung liability na ho ng ibang tao,
06:59sa korte na ho siguri,
07:01kung may may ifa-file na kaso,
07:02I think command responsibility alone,
07:04dapat in-authorize kung tao itong tanggapin,
07:07dapat alam mo rin kung paano ginasta.
07:09Kasi meron siya,
07:10yung mga pininimahan niya kahapon,
07:12yung mga pinapakita like the disbursement voucher,
07:14tapos yung mga certifying the physical and financial plan.
07:20Yes.
07:21So, she's in a position therefore,
07:23and kasi siya nag-sign on disbursement voucher,
07:26she therefore must be in a position to justify
07:30that the disbursement was made in accordance with a legitimate purpose.
07:35Ako si Sandra Aguinaldo,
07:37ang inyong saksi.
Comments