00:00Ipinagdiriwa ngayon ng mga Pilipino ang makasaysayang panalo ni Pinay Tennis Sensation Alex Ayala
00:06sa 2026 Mubadala DC Open sa Amerika.
00:10Ito po ang unang Women's Tennis Association Championship title ni Ayala
00:15at una rin para sa Pilipinas.
00:17Ang tagumpay at Pinoy Pride na hatid ni Ayala sa bansa sa pagtutok ni EJ Gomez.
00:30Kampyon si Pinay Tennis star Alex Ayala sa 2026 Mubadala DC Open Finals sa Washington DC sa Amerika.
00:39Ito ang pinakamalaking panalo ng 21-year-old tennis star.
00:44At sa kauna-unahang pagkakataon, isang Pilipino ang nakakuha ng WTA Championship title.
00:52Historik ang laban matapos talunin ni Ayala sa rain-delayed finals
00:56ang world number 3 na si Jessica Pigula sa iskor na 4-6, 6-4, 6-0.
01:09Kanya-kanyang wagayway ng watawat ng Pilipinas ang mga Pinoy at taga-suporta ni Ayala na nanood sa Washington DC.
01:17Dito naman sa Pilipinas, nagpuyat ang ating mga kababayan
01:21para subaybayan ang historic match sa watch party sa isang sports bar sa Pasig City.
01:26Walang tigil sa hiyawan at palakpakan sa tuwing makakapunto si Ayala.
01:35Ang dalawang grupong ito, nag-chears pa bago ang last point ng match.
01:40Ilang segundo pa.
01:48Natuldukan na ang laro at si Ayala, ang itinanghal na kampiyon.
01:52Oh, super proud. Congratulations, bonggang-bongga ka, girl.
01:57Talagang pinaglaban mo ang karapatan mo para mapunta ka sa pwesto mo.
02:04Deserve niya yun.
02:05Alex, all the way din daw ang grupo ng lawyers.
02:09Alex, niyala talaga matik yan. No questions asked.
02:12Ibang feeling pala na subaybayan mo siya ng gantong oras.
02:16It's worth it. Diba, parang sabi ko, worth it yung OT, worth it yung pagod sa pagsulat ng mga pleadings.
02:23Eh, nasubaybayan namin na nanalo si Alex.
02:26Ilang fans ni Ayala rin ang nagtungo sa watch party sa Bonifacio Global City sa Taguig para panuori ng laban.
02:33Isa raw malaking karangalan si Ayala bilang kinatawan ng Pilipinas sa global sports stage.
02:42I'm not really a tennis fan, but I feel like if she wins this, it's a huge achievement for us
02:48Filipinos.
02:49And yes, I'm rooting for her. Go Alex, go Alex.
02:52Of course, she's representing the Philippines and siyempre, support sa badsa natin at sa mga atleta natin.
02:58Siyempre, nakaka-proud. I'm not a tennis fan myself, but because of Alex, siyempre, nakaka-inspire to watch a fellow
03:08Filipino to win on the big stage.
03:10Ngayong may WTA 500 title na si Ayala, umani siya ng 500 ranking points na nagpaangat sa kanya sa number
03:1820 current world ranking.
03:20To all my supporters, thank you guys.
03:32So thank you, thank you to all my supporters, especially the Filipino community here in D.C. and back home
03:41and wherever you are in the world.
03:43I really, guys, I feel all the love. Maraming maraming salamat, mga kababayan. Maraming salamat.
03:53Hey everyone! Oh my god, I watched my first WTA title.
03:58Well, thank you so much for the support and I'll see you again soon. Bye!
04:02EJ Gomez, Nakatutok 24 Horas.
Comments